CHAPTER 2

859 25 3
                                    

CHAPTER 2

MARK’S POV

“don’t make them pansin pansin“I smile at her  and I’m glad to make her smile back at me madalas lang yan ngumiti

 Lagi ko na lang sya nakikitang binubully at sinaksaktan. Nakakatawang isipin na classmate nya hindi nya kilala at isa pa lahat ng student dito kilala ako dahil daddy ko ang may ari nitong school na ito. Kaninang binubully sya nung mga classmate namin nadun lang ako pinapanood ko sila hindi ko sya nagawang pigilan sila kasi umalis na sila. Ang hirap pala talagang paki samahan ang mga babae lalo na pag alam mo na man-hater sya pero gusto kong syang tulungan kaya nag panggap akong bakla. Don’t get me wrong lalaki po ako tuwid na tuwid. Sinabi ko lang kay Kathleen na bakla ako para di nya ako layuan kasi nga allergy sya sa mga boys at yun lang ang naisip kong paraan kanina.

Pagpasok namin ng classroom namin ayun bulungan na naman sila. Si Kathleen ayun umupo na sya sa lugar nya, yung lugar nya nasa harap sya at yung pwesto ko nasa pinakalikod kaya hindi ako magtataka na hindi nya ako mapapansin. Umupo na rin ako sa pwesto ko at agad naman ako nilapitan ng mga classmate kong lalaki.

“oi Mark bakit mo kasama yung Dagang yun?”tanong ni Justine

“oo nga” pagsang ayun ni Cris

“naku kung naawa ka dyan sa babaeng yan mabuti pang iwasan mo na lang sya”sabi ni Ian

Tiningnan ko lang sila, hindi ko sinagot ang mga tanong nila. ‘Bakit ko naman iiwasan si Kathleen makikita mo naman sa kanya na mabuti syang tao kesa naman sa inyo mayayaman nga may kaya sa buhay pero ano bulok ang mga ugali’ gusto ko sanang sabihin sa kanila yan kaso wag na lang baka magka eksena pa dito. Tingnan ko lang si Kathleen sa pwesto nya, ayun nagbabasa sya ng libro sa bagay humahabol kasi ng valedictorian eh. Hay napaka swerte ng lalaking iibigin ni Kathleen kung sakaling meroon man hahahaha alam nyo naman po na dakilang allergy sa mga lalaki yan. Hangang-hanga ako sa babaeng to napagsasabay nya ang pag aaral at pagtratrabaho kaya mas gusto ko pa syang makilala mas nagiging interesado ako sa kanya.

Dumating na yung teacher namin ayun discuss lang sya ng discuss eh ako eto tinititigan ko lang yung teacher namin para hindi mahalatang hindi ako nakikinig. Lutang ako ngayon hindi ko rin alam bakit at ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay hinding hindi ko na hahayaang may manakit kay Kathleen ewan ko ba ang weird ko nga eh.

Ang bilis ng oras uwian na nga eh wala naman akong alam sa mga tinuro ng mga teacher namin. Tumayo na ako sa upuan ako at inayos ko yung gamit ko at yung iba ko namang classmate nakalabas na ng classroom. Tumingin ako sa harapan at nakita ko si Kathleen inaayos nya yung mga gamit nya, nilapitan ko sya.

“oh ang tagal mo namang mag-ayos”sabi ko

“ah may hinahanap kasi ako”sabi nya at nilabas nya lahat ng gamit nya sa bag nya

“ano ba yun ah?”tanong ko

“wala wala sige una ka na”sabi nya habang busy parin sya sa pagkalkal sa gamit nya

“ano ba kasi hinahanap mo para matulungan kita?”tanong ko sa kanya

“yung singsing ko”sabi nya

“sige samahan nakitang hanapin yun”sabi ko at lumabas kami dalawa

“tanda mo pa ba kung saan saan ka nagpunta kanina?”tanong ko

INLOVE AKO SA BESTFRIEND KONG BAKLA (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon