Chapter 19

32 3 4
                                    

Kiro is strumming his guitar. Na sa lounge kami ngayon at sinamahan ko siyang mag-practice para sa gagawin niya for the talent portion tomorrow. Last day na ng McKinley U foundation week bukas at gaganapin na ang Mr. McKinley kung san isa din siya sa mga participants.

Pinagmasdan ko ang pagkanta ni Kiro.

"Deep in her eyes
I think I see the future
I realize this is my last chance"

I asked Kiro why did he choose that song, sabi niya lang this song is very special to him. Hinayaan ko na lamang siya at tinuloy ang pakikinig sa kanya.

"She took my arm
I don't know how it happened
We took the floor and she said"

Natigil ang pagkanta ni Kiro dahil sa pagdating ni Monique kasama si Adrellano.

"Wow, ang sweet niyo naman. Ang galing mo palang kumanta Kiro." Mahinhing sabi ni Monique. I wanted to roll my eyes pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Kakanta ka bukas?" Tanong ni Adrellano kay Kiro. Umupo ito sa katabing upoan ni Monique pagkatapos niya itong ipaghila ng upoan.

Now the four seater table is occupied. Adrellano besides Kiro, next to Monique and he is in front of me now.

"Yup." Ani Kiro bago sumulyap sa akin.

I know Kiro is looking at my reaction because the two sat with us while Vencious and the others  sat on the next table.

"Sana ako din marunong mag guitar. I don't know how to use that thing." Monique chuckled as if nakakatawa yung sinabi niya.

Oh my goodness Julia, ang bitter mo!

"Julibear knows how to use this instrument." Nakangising sabi ni Kiro.

Bumaling naman si Monique sa akin at ngumiti. "Really Julia? Can you sing for us?"

I hope she just stop it. Kitang kita na kaplastikan nya.

Iniabot ni Kiro ang gitara sa akin. Tipid akong ngumiti at tinanggap ang gitara. Gusto kong ihampas kay Kiro ang gitara. Why would I sing for her?

"JT, anong kakantahin mo bukas?" Kiro asked Adrellano.

Mahina kong sinipa si Kiro at alam kong alam niya kung bakit, nakangisi tumingin sa akin si Kiro.

"Not yet sure Kiro, maybe..." hindi natuloy ni JT ang sasabihin ng sumabat si Monique.

"He will sing cheerleader!" Maligayang sagot ni Monique.

"Do you know the chords Juls?" Tanong ni Kiro at umiling ako.

"Awww... sad." Si Monique.

"Chasing cars." Si JT. At nakita ko ang dismayadong mukha ni Monique.

"By Snow Patrol... Julia knows that!" maligalig na sambit ni Kiro at tumango naman ako.

Para matapos na ang walang kwentang usapan na to ay sinimulan ko ang pag-sstrum sa gitara ni Kiro. Nakatingin lamang ako sa strings at sa aking mga daliri.

"We'll do it all
Everything
On our own"

Nag angat ako ng tingin kay Adrellano. Unang beses ko lang narinig na kumanta siya. He's voice is good... or should I say great!

Nakatingin siya kay Monique habang kumakanta at umiiling na tila ba nahihiya sa kanyang ginagawa. Mahinang pumapalakpak si Monique para sa kanya.

"We don't need
Anything
Or anyone"

Nagpapalipat lipat ang mga mata ko mula sa strings at kay Adrellano. Ibinalik kong muli ang mga mata ko kay Adrellano. He is seriously looking at me.

"If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?"

Through Wattpad: FrustrationWhere stories live. Discover now