alam kong hindi lahat, maayos at naaayos ng pag-ibig
pero kapag isinasanday mo
ang iyong ulo
sa aking balikat,
at sa tuwing binabalot
mo ang iyong braso
sa akin,
nakakalimutan ko kung gaano
kasama ang mundo
mga multo
ng kahapon na naghihintay sa bahay
at ang mga boses na sumisira't
bumubulong sa akin.kapag kasama kita,
para bang tama
na nabubuhay akonakakalimutan ko ang mga oras
na hinihiling kong
sana, nabuhay nalang ako
bilang siya.— presensya mo'y sapat na
BINABASA MO ANG
isang daang tula para kay [ - ]
Poetrykoleksyon ng mga tula tungkol sa sariling tatlong yugto ng pag-ibig: pagmahal, pagbasag, at paghilom.