Chapter 9- By my side

55 3 2
                                    

^ JD and May. Enjoy this chap!
---

JD.

While walking home, napansin kong umaambon ambon na. Medyo gabi na rin. Malapit na ako sa bahay pero sumilong muna ako sa gilid. Nilabas ko yung payong ko at tumuloy na.

"Ma. Nandito na po ako." I told mama. "Oh. Nandito ka na pala. Gutom ka na ba?" Bati ni mama. "Wag na po ma. Busog pa naman ako. Dun lang po ako sa kwarto ko. May pagaaralan pa ako."

Dumeretso na ako sa taas. Pag dating ko sa kwarto ko, nag bihis na agad ako at umupo sa study table ko. Nilabas ko yung notebook ko sa Physics. I tried my best to focus on it pero I can't help but think about May.

Okay lang kaya siya?

Niligpit ko na ang gamit ko at humiga na sa kama ko. I scrolled through my phone and saw my wallpaper.

Picture namin. Namin ni May.

Nakita ko ulit yung ngiti niya. Yung totoo. Yung masaya. Hindi yung nasasaktan.

I faced the opposite side of my bed.

Bakit ba kasi hindi na lang ako ang pinili niya? Bakit si Zach pa?

Hayssttt. I removed my thoughts and set my alarm. Tinago ko na ang of phone ko and decided to sleep. Dreaming of her.

Pag gising ko sa umaga, madalian na akong nagayos, eager to see her.

Pag sakay ko ng tricycle tinext ko si May.

To: May
Good Morning :))

Sent.

Di na siya nakapagreply. I kept my phone at bumaba na ako when I noticed na nasa tapat na kami ng school.

Hindi pumasok si May ngayon, I guess tama lang yun kasi kailangan niyang magpahiga. Di rin naman siya makakapag focus kung pumasok man siya.

Recess namin ngayon. Kasama ko yung tatlo sa canteen.

"Alam niyo ba kung bakit di pumasok si May?" Tanong ni Shee.

Everybody shook their heads. Including me. Ayaw ko na ring makialam. I guess May wouldn't want to tell them about it.

Nagtatawanan lang silang tatlo. I can't help looking at Zach. He's beside Shee. Dati casual lang ang tingin ko dun. Pero now na alam ko na yung feelings niya for Shee, I can't help but notice it. All this time pala si Shee ang gusto niya.

Gusto ko man, hindi ko makayang magalit sa kanya dahil sinaktan niya si May. First of all, kaibigan ko siya. And second, I know how he feels. Parehas lang kami ng sitwasyon. Mahal ko rin ang kaibigan ko. Hindi ko magawang magalit sa taong alam ko ang pinagdadaanan. Pero aaminin ko, naiinis ako ng kaunti. Kasi ang paasa niya. Lagi siyang lapit ng lapit kay May. Lagi siyang gumagawa ng dahilan para mag assume si May. Kasi kahit kami nila Shee at Lily feeling namin si May ang gusto ni Zach. Nakakainis naman. May doesn't deserve to be hurt like this.

*Kring kring*

Tumunog na yung bell. Tumayo na kaming apat at bumalik sa room namin.

Hindi rin ako nakapagfocus buong araw sa lessons. All I was thinking is about going to May's house later. Gusto ko siyang kamustahin. I want to be her shoulder sa mga ganitong panahon. I wanna be by her side.

The day was fast. Nung uwian na tumayo agad ako. Pinigilan pa ako ni Zach. "San ka pupunta, bro?" He asked me. Ayoko munang sabihin sa kanila na pupunta ako kay May. Call me selfish but I wanna talk to her. By her self. "Ah. Wala. May pupuntahan lang ako. Una na ako ah? Namamadali kasi ako."

"Ah. Okay. Sige. Ingat ka ah." Shee reminded me. "Oo. Sige. Bye." I simply said at madaling umalis.

Sumakay ako ng tricycle para mabilis akong makapunta kila May.

Pag hinto ng tricycle sa tapat ng bahay nila May, dalidalian akong bumaba at nag bayad. Dumeretso agad ako sa gate at nag doorbell.

*ding dong*

Sinalubong agad ako ni Ate Tanya, "Oh. Ikaw pala JD. Halika! Pasok." Bati niya.

Pumasok kami sa kanila. "Si May ba pinunta mo?" Tanong niya.

"Ah. Opo. Nandyan po ba siya?" I asked her. "Ah. Oo. Nasa kwarto. Ikaw na bahalang kumausap dun ah. Nilalagnat din pala yun. Ewan ko ba dun at nagpaulan." Bilin niya. "Sige po. Puntahan ko na po ah?" She nodded.

I walked upstairs and into her room. I knocked before going in. "Sino yan?" She asked, her voice has cracking, I could say she was crying the whole day. "Si JD to."

"Ay. Sige. Pasok."

"Hi! Okay ka lang ba?" Pag greet ko nung pumasok ako.

She just gave me a weak smile. Tiningnan ko siya. She looks tired. She looks stressed. I sat beside her bed. Nakahiga siya. Balot na balot ang katawan ng kumot.

Hinawakan ko yung leeg niya. "Hala. Bat ang init mo? Ano nanamang kabaliwan ang naisip mo kagabi?"

"Tsss. Wag kang OA. Talo mo pa si Mama eh." She told me.

I just looked at her. "Tsss. Malay ko bang uulan? Sa tingin mo gusto kong magkalagnat?" She told me and raised her eyebrow.

"Pshh. Kahit na. Kung hindi ka lumabas kagabi, edi sana di ka naulanan.." sermon ko.

"Pshhh. Oo na tatayy!" Nakangiti niyang sigaw. "Yan. Dapat lagi kang nakangiti!" Sabi ko sabay hawak sa dimples niya. Tumawa lang siya as a response.

"Hindi nga. Pero seryoso, balak mong maging martir? Di na yan uso." tanong ko.

"Hindi ko alam ehh. May magagawa pa ba ako? Pumayag akong tulungan siya eh."

"Wow ah. Ang helpful mo pa ahh." I told her. Insert the sarcasm.

She buried her face into her hands. "May magagawa ba ako? Mahal ko eh. Kahit ano gagawin ko na. Just to see him happy, kahit na hindi ako ang dahilan ng ngiting yun."

I just looked at her. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ehh. Pero she said those unspoken words that I've been trying to live my whole life.

"Hayyssttt. Hindi ko na alam kung anong katangahan tong pinasok ko." She said then huminga siya ng malalim.

Kung alam mo lang May... Kung alam mo lang. You don't have to be in this situation. Nandito lang naman ako eh. Kung napapansin mo lang. At sana napapansin mo nga.

I bid her goodbye at umuwi na ako. Naggagabi na. Baka hinahanap na ako nila Mama.

---
Thanks for reading!

Feel free to Vote or Comment :)

-Xia <\3 ~walang forever~ [hahaha. Sorry na >.>]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coz' I'm the BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon