CHAPTER 5: Bestfriends

17 7 0
                                    

Weiwei's POV

Ilang araw ang lumipas at mas lalo kaming naging close ni Zae. Mas madalas na nga ata kaming magkasamang dalawa kesa sa kanila ni kuya or sa amin ni Mads.

Girl bestfriend and Boy bestfriend. Parang si Mads at Kuya lang.

Ganito kase yun. Ang galing kaya nya mag paint. Tapos naisipan kong mag paint together with him. Yun bang kalahita ng papel ako magpipinta tapos sa kanya yung kalahati. It went viral in tiktok!

He is kinda shy but anong magagawa nya sa kakulitan at pamimilit ko HAHAHAHA. My followers admire him more than they admire kuya and Mads when I post their song performance.

-

"Ano yan, swap bestfriends?" pabirong tanong ni kuya, mas lagi na nga kase talaga kaming magkasama eh si kuya naman ang original na tropa nitong si Zae HAHAHA

By the way, kung itatanong nyo kung bakit hindi kuya ang tawag ko kay Zae eh mas matanda sya sakin.... Ayaw daw nya. It sounds strange daw.

"bakit selos ka? kase di na ikaw lang ang lalake sa buhay ni Weiwei?" painosenteng tanong ni Mads

"Tanga ka ba?"

"ang harsh!" naiinis na reklamo niya "parang hindi bbf aba!"

Gustong gusto ko talaga pag sinasabi ni Mads yung "ang harsh" ang cute nya, parang batang inagawan ng ice cream

Sabay kaming napatawa ni Zae kaya tiningnan kami ng dalawa. Napakurap na lang ako dahil seryoso silang nakatitig samin pagkatapos ay bumaling kay Zae na nagkibit balikat lang kaya ibinaling ko ulit ang tingin kila Kuya.

"Yung totoo, kayo ba ang magkapatid?"

"haaa?" napa ngiwi na lang ako "ano ba namang klaseng tanong yan?"

Napatawa na lang ng mahina ang kuya ko at hindi na ulit nagtanong dahil nag aasaran na sila ni Mads.

Maya maya ay inaya ni kuya si Zae na pumunta sa plaza para mag basketball. Wala pang gig na pinupuntahan si kuya kase busy pa mga tropa nya na kabanda. Wala sya masyadong ginagawa at lagi saming tatlo nakabaling ang atensyon nya.

"Ikaw na lang. I and Weiwei will do the switch paint every 5 minutes challenge." agad na sagot ni Zae

Tumango si kuya na para bang alam nyang kahit anong pilit nya ay di papayag ang kaybigan at wala talaga syang pagpipilian kundi wag pumunta or pumunta mag isa.

"Ano pinakain sayo ng kapatid ko? Obedient pag sa kanya, pag ako nakailang ulit na tagal pa sumagot" kunyaring seryoso pa si kuya sa sinasabi nya

"mag sorry ka" dagdag pa nito, si Zae naman ay napapalabi lang at nagpipigil ng tawa

"Mads pano yung sorry?"

"Sorry na wag kana magalit... uwu" maarte at parang batang sagot ni Mads with beautiful eyes pa- blink blink

Hindi naman ginawa ni Zae. He's kind of cold, serious and a bit shy, yeah.

Sa huli ay nanood na lang sya ng Anime kasama ni Mads. Stranger Things nga dapat ang papanoorin nila pero magkaiba sila ng natapos na episode at wala sa kanila ang may gustong mag adjust.

Dahil nasa living room sila kuya at nanonood wala kaming choice kung hindi sa lamesa sa kusina mag paint. Okay naman don, madali maghugas ng brush at magpalit ng tubig.

"here" pag abot ko sa papel

Inilagay ko sa gitna namin ang mga watercolor at acrylic paints pati ang brush at pamunas. Nilagyan kona din ng tubig ang jar na linisan ng brush tapos naglagay ako ng scratch paper para testingan ng kulay. Bumili nga pala si Zae ng sarili nyang mixing plate dahil isa lang ang meron ako. Sa kanya pero dito din naman iniiwan.

Hello, My LadyWhere stories live. Discover now