CHAPTER 3 : Trio to Quadro

16 7 0
                                    

—a few days later

Weiwei's POV

*phone ringing*

"tangina agang aga natawag" sagot ko agad

"ha ha ha alam kong di ka pa natutulog"  she did know me well

"bakit ka ba tumawag? mag re-request ka ng ulam para sa agahan?"

"Hindi noh grabe ka sakin. Gusto ko lang I-announce sayo na.... tadadada~ single na si Weiiii!!" napairap ako

"What's the point of telling it to me eh sa isang araw taken na ulit yan. Last time nga akala ko yun padin gf nya pangatlo na pala na bago yun." pero hindi ko masabing babaero sya kase hindi naman sya nag chi-cheat or pinagsasabay sabay, mabilis lang nahanap ng bago amp 1 minute lang ata yan mag move on eh

"The point is mas tumagal kami ng jowa ko kesa sa kanila. I won this time"

"Shut the fuck up, malapit na din kayo mag break" pang aasar ko

"Aba for your information seryo—"

"ganyan din sabi mo nung kayo pa ni Adrian eh, punta ka dito mamayang hapon gisingin moko hane" hindi ko sya pinatapos magsalita at inend na ang tawag, pero kahit diko naman sabihin pupunta parin yun

Nahiga ako sa kama para matulog. 4 AM na at inaantok na'ko kaya matutulog muna ko at mamayang hapon na gigising. Wala naman akong gagawin ngayon. Tinapos ko na yung comics strip at naglaba na nung isang araw.

Binuksan ko ang cellphone. Magpapatugtog ako ng random music hanggang sa makatulog. It's a habit.

Bago iyon nag open muna ako sa Facebook Lite para mag post dahil may naisip akong ipost.

"No matter how bad your day is, there will still be good days" post ko na nagkaron ng mga heart at care reacts pati comment na hindi ko na nareplyan dahil tinatamad na ako.

Habang nag sscroll nakakita ako ng site na pwedeng mag send ng anonymous message. Pinindot ko ang link at gumawa din ng sariling account pagkatapos ay inilagay ang link ng account ko sa Facebook.

"Sana may mag message para may magawa ako pag nagising ako agad"

Nag play na ng music si Weiwei at ipinikit ang mata upang matulog.

"Do you have rp account?" tanong ni Zae sa pinsang babae

"yes why?"

"yung hindi ginagamit, akin na lang"

Wala ng tanong tanong at binigay agad ng pinsan nya ang account na ang pangalan ay naka one name. "Jayce".

Binuksan ni Zae ang account at agad na sinearch ang "Moon". Iba ang lumalabas kaya ang sinearch naman nya ay "Animator Moon". Lumabas ang mga hashtags at post tungkol kay Moon na isang online cartoonist hanggang sa mahanap nya ang main account. Inistalk nya ito at nakita ang unang post na nagpangiti sa kanya. Hindi naman sya mahilig sa anime or stories na parang comics kaya hindi na nya itinuloy ang pang s-stalk.

Hapon na at hindi pa gising ang bampira kase tulog sa umaga gising sa gabi na si Weiwei. Nasa baba si Wei na nanonood lang nang dumating si Mads.

"I'm home!"

"home mo mukha mo, ginagawa mo dito?"

"gigisingin yung bampira bakit?" aakyat na sana si Mads pero nakita nyang Stranger Things ang pinapanood ng boy bestfriend nya.

"hoyy wala pa ako dyan, balik mo sa episode 4 dali!!" napakunot ang noo ni Wei at dali daling itinago ang remote sa girl bestfriend nya

"Ano ka sineswerte?"

Hello, My LadyWhere stories live. Discover now