CHAPTER 6 : Who is he?

13 6 0
                                    

Days went smooth. Hindi na madalas ang pag ooverthink ko. Nakalimutan ko na nga yata na overthinker ako. Palagi kase akong may pinagkakaabalahan kasama ang tropa.

The only strange thing happen is someone keeps sending anonymous messages to me. Para talagang familiar or basta hindi ko alam. Kung makapagsalita sya ay akala mo kilala nya ako in person.

Baka pinagtitripan ako ni Mads dahil bored sya at walang ka-bebetime?

"Hindi noh, bat kita sesendan gold ka ba?" pag tanggi nya agad nang tanungin at ipakita ko sa kanya ang anonymous messages na nasa ilalim ng code name na "Z"

"teka....."

Nagkatinginan kami ni Mads "Z-zae?"

Naguguluhan kaming dalawa at nag ooverthink. Suggestion nya na itanong na lang pero nakakahiya naman yun. Baka isipin nya na assuming ako.

"let's investigate and reveal the truth" nakakakilabot na sabi ni Mads, sa tono nya ay aakalain mong may maganda syang plano— puro palpak naman


Unang plano. Maglaro ng truth or dare.

Parang pang elementary daw ang naisip ni Mads na laruin pero wala naman silang magagawa, they are the man but we got the power.

Naghanap si Mads ng plastic bottle, si kuya ay nakaupo lang at nilalaro ang gitara nya, pinapanood naman sya ni Zae habang ako ay kumuha ng acrylic paint. Pipintahan namin ng kahit ano ang hindi sasagot or gagawa ng dare.

Nang handa na ang lahat at sinimulan na namin ang laro.

Kauna-unahang tinapatan ng bottle si Mads na napa "ayy" na lang.

"truth"

"bakit kayo nag hiwalay ng pinakamatagal mong bf?" si kuya ang nagtanong

"first of all, ka talking stage ko lang yun HAHAHAHA. Nag break kami kase sabi nya mag sstudy first daw sya. Uunahin daw nya pangarap nya." sagot ni Mads

Inasar naman agad namin sya dahil kung hindi girl bestfriend ang karibal nya, pangarap naman.

"dare" matapang na sagot ni kuya, nagsuot pa sya ng shades na hindi ko alam kung saang lupalop nya nadukot

"call your ex tapos itanong mo kung meron ba syang magandang kaybigan na single" si Mads, nag gagantihan lang ata sila

Puro usapang ex ang pinupuntirya ng dalawang ito.

"uso ang move on" sabi ni Zae

"manahimik ka wala ka namang ex you know nothing" maarte pa ang pagkaka english ni Kuya, with accent na nginisian lang ni Zae

Akala ko ay tatawagan na ni kuya ex nya pero sabi nya hindi daw nya alam kung sino sa 99 others ang tatawagan nya kaya pinintahan na lang namin sya.

Nagdrawing si Mads ng heart sa ilong ni kuya, Ulap naman nilagay ni Zae sa may noo tapos ako naman naglagay ng star sa sa pisnge nya.

"ang dami naman hoyy!" reklamo pa ni kuya

Nang kay Zae na tumapat ang bottle ay agad nyang pinili ang "Truth"

Nagkatinginan naman kami ni Mads at pasimpleng umokay at ngumiti sa isa't isa.

Akala namin ay magtatagumpay na kami kaso gago 'tong si kuya paepal umuuna.

"ano ang tagalog ng Neptune?" nakangising tanong ng kuya kong panira ng plano

Kita ko ang pagsimangot at mahinang paghampas ni Mads sa hita ni Kuya, napa-aray lang sya na walang ideya kung bakit iyon ginawa ni Mads

"magnayen" sagot ni Zae, kunot-noong kinuha ni kuya ang cellphone nya at sinearch sa google kung ano ang tagalog ng Neptune

Hello, My LadyWhere stories live. Discover now