CHAPTER 8 : Hello, My Lady

14 7 2
                                    

Nagsimula na ang klase, one sit apart kami ni Mads. A kase start ng apelyido nya tapos sakin ay C, buti na lang isa lang ang nay surname na A at B.

Tatluhan lang per line ang sitting arrangement. Sa unahan kami at nasa gitna namin si Yuna.

Medyo mahiyain sya pero naging kumportable din agad sa amin. Sa daldal ba naman nitong si Mads eh malabong hindi namin maka close kahit ang mahiyain na si Yuna.

Unang araw ng klase ay introduction pa lang. Wala pang halos ginagawa na activity.

Noong mga sumunod na araw naman ay tsaka na nagturo. Palagi kaming magkaka group ni Yuna kaya naman mas lalo kaming naging close.

Kasabay na din namin sya mag lunch at recess, sila kuya kaiba namin ng schedule kaya hindi madalas magkita sa school. Sa uwian lang kami sa bahay dahil medyo late na din ang pasok nila.

"Ano kayang lutong ulam sa cafeteria?" tanong ni Yuna, sana nga ay ibang putahe naman nakakasawa na kase

"Sa labas tayo kumain pag walang bagong luto, para gala nadin. Walang shawty sa cafeteria baka sa labas nakain yung mga gwapo" natatawang suggestion ni Mads

Inasar naman namin sya na puro gwapo ang alam. Pero kinalaunan ay pumayag kami. Wala ngang masyadong gwapo sa cafeteria, hindi tuloy masarap sa mata HAHAHA.

Nang sumapit ang lunch ay hindi na kami nag-abalang pumunta sa cafeteria. Dumeretso na agad kami sa labas para naghanap ng makakainan.

Sakto namang nakita namin sa may gate sila Kuya at Zae kasama ang hindi namin kilalang babae.

"Jowa ba ni kuya or jowa ni Zae"

"malabo naman magkajowa agad si Zae"

"malay nyo kaklase lang OA"

Pagbubulungan naming tatlo bago lumapit sa kinaroroonan ng kapatid ko.

Nagulat kami ni Yuna dahil yumapos sa braso ni Kuya si Mads pagdating namin doon.

"tara lunch, libre kita" napangiti naman si kuya sa sinabi nya ay pumunta na kami sa malapit na tapsilogan

Magkatabi kaming tatlo nila Mads at Yuna. Ako, si Mads, si Yuna. Nasa harap ko si Zae, katabi nya si Kuya pagkatapos ay ang babae na Jia daw ang pangalan.

Mahaba na straight ang kanyang buhok. Maputi din sya. May katabaan ang pisnge na mamulamula pa dahil siguro sa liptint. May liptint din ang labi nya. Tapos may suot na wrist watch at iba pang accessories. Sa tantya ko ang height nya ay 5'4 lang.

Sa unang tingin ay mukha syang rich kid na maarte. May dala kase syang electricfan.

"kagroup namin sya, tapos sabi nya kung pwede daw sumabay mag lunch" unang paliwanag ni kuya kay Mads

Nakisingit naman yung babae "narinig ko kase si Calv, nakakatawa nga kase nagpapractice ata sya kung paano ako aayain mag lunch... parang ganito... hi, lunch?" mahina syang tumawa at nagtakip pa ng bibig gamit ang hawak na rechargeable electricfan

Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Ano, crush sya ni Zae?

Si Yuna ay pasimpleng lumapit at bumulong sa'kin. "arte, sasampalin ko 'to pigilan mo'ko, nag inarte karin naman pero astig yung sa'yo sa kanya nakakasuka"

Dahil doon ay nagpipigil na lang ako ng tawa at iniba ang atmosphere. Iba din kase itong si Yuna kahit mahiyain, she don't tolerate bad spirits daw eh.

"Yunaaa" sabi ko at inilapit sa kanya ang pinggan

Kinuha naman nya ang tapa na nilagay ko sa gilid. Binawasan din nya ng dalawang kutsara ang kanin. Simula naman noong kasabay namin syang maglunch ay sya ang kumakain ng half ng pagkain ko. Sanay na sya.

Hello, My LadyWhere stories live. Discover now