Chapter 13

75 1 0
                                    

⚠️WARNING! Matured Content || R18 ⚠️

Chapter 13


"Grabe akala ko talaga napano kana no'n eh. I'd been trying to contact you but you're phone is off so I left a text asking about your whereabouts 'cause damn! I'm really worried about where you are." Madrama at halatang nag-alala talaga siya sa akin no'ng gabing iyon.

Nakonsume ko talaga siya ng sobra that night. I pouted and sipped on my orange juice.

After naming mag-shopping kanina ay dumiretsyo kami dito sa Italian restaurant para kumain dahil sa nag-c-crave daw si Maddison sa pasta kaya kami nandito ngayon. Habang kumakain ay nagkukwentuhan din. But mostly about that night. Hindi ko rin malihis ang topic sa ibang bagay at kaunti nalang din ay malapit ko nang makwento na nandoon rin si Dwayne.

"Hindi ko na na-charge phone ko kaya na dead bat." Sabi ko which is true naman.

I bring my phone with me even if it's deadbatt already kasi wala lang, display lang. And beside, hindi talaga rin ako umaalis ng bahay ng hindi dala ang cellphone ko.

"Pero saan ka nga nagpunta no'n?" Naningkit ang kaniyang mga mata habang tinatanong iyon sa akin at batid din sa kaniyang boses ang lubos na kuryosidad nito.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling nalang sa pasta na nasa harap ko, pinaglalaruan gamit ang tinidor na hawak-hawak ko.

"Dwayne was there...." Mahinang sabi ko.

Bahagyang iningat ang ulo upang pagmasdan siya at nakitang nakauwang nang bahagya ang kaniyang labi habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.

"Weh? 'Di nga? Totoo?" She said in disbelief.

I nod my head. "Hindi ko naman siguro sasabihin kung hindi totoo, 'di ba?" Medyo mataray kong sabi sa kaniya.

"And?"

My forehead knotted. "Huh?"

"I wonder kung ano or sino ang sadya niya roon." Makahulugang saad nito at may nakakalokong ngisi na ngayon sa kaniyang pulang-pulang labi. Nagtaas-baba rin ang kaniyang parehong kilaya na wari'y nang-aasar.

"Malamang club iyon at normal sa kaniyang magpunta roon," Irap ko.

"Duh! Don't me, Kate. That wasn't a high end club for him to go to."

"It's still a club even if it is cheap or not."

"Pero hindi eh, does he know that you will be there in that club? Na pupunta ka roon?" Naiintrigang tanong nito muli.


He knows. Nakita niya ako no'ng umalis ako eh. Maybe he followed me that night? Or nagkataon lang talagang pupunta rin siya roon?  Hindi ko alam. Si Dwayne... Si Dwayne lang makakasagot niyon.

Nakatingin lang ako sa kaniya na curious na nakatingin din sa akin na naghihintay sa isasagot ko. Nang hindi ako nagsalita upang sagutin siya ay nagtanong muli siya na kinagulat ko at nasamid sa sariling laway.

"May nangyari ba sa inyong dalawa no'ng gabing iyon?" She asked. She smirked playfully and winked at me.

"What the hell, Maddie!" Gulantang kong anas rito at pinanlakihan siya ng mga mata.

She laughs at me humorously. "Come on, Kate, just freakin' answer me."

"W-wala." Umiwas ako ng tingin.

"Sus. Bakit hindi ka makatingin sa akin?" Nang-aasar nitong sabi. "I know you, Kate." Dagdag na saad nito.

"Don't worry I won't judge you." Pahabol pa nitong sambit.

Seducing Dwayne Griffin (Griffin Series #1)Where stories live. Discover now