Cyrus'Wala na, klarong klaro na. Ayaw na makipagusap sa akin ni Luna. Sabi nga ni Elijah deserve ko to. Edi wao niya kamo.
Dapat pala hindi na ako dumaan sa cafè, edi sana hindi ko sila makikitang magkasama at edi sana hindi kumukulo ang dugo ko sa sama ng loob sa sarili ko. Tanga tanga kasi ayan sige magdusa ka Cyrus Isaiah.
Hindi na ako sumipot sa gymnasium na kung saan sinabi kong magkikita kami. What's the use? Isinampal na sa akin ng tadhana na olats bawas points na ako.
Ano ba to mukha na akong sad boy pero kasi ansakit pala mga mamser. Kasalanan ko naman talaga eh.
Napadpad ako rito sa school field kung saan humiga kaming dalawa ni Luna at first time na magkasamang tinanaw ang paglubog ng araw. That day was very memorable for me, don ko narealize na may gusto ako sakanya.
How I wished for time to stopped at that very moment and if I will be given a chance to go back in time and rewind all of my doings, then I will take the risk.
Sana hindi ako natakot, sana hindi ako lumayo.
"CYRUS ISAIAH CHOI!" Napatigil ako sa pagsesenti ng narinig ko ang buong pangalan ko na isinigaw ng isang babae sa kalayuan.
Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil palubog na uli ang araw at medyo malabo ang mata ko dahil umiyak ako ng very slight oo.
"SINO KA?!" Sigaw ko pabalik at tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa field.
Aakmang lalakad na ako papunta doon sa babae ng sinenyasan niya ako na para bang stay put jan ka lang. So ayun masunurin ako so hindi na ako naglakad papunta sakanya.
Instead, siya na ang mismong pumunta sa kinaroroonan ko. At ng makarating siya ay hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"I-ilusyon k-ka ba?!" Nauutal pa ako ng sabihin iyon at pinikit pikit pa ang mata ko para lang maconfirm if totoong tao ba tong nasa harapan ko o isang...
"Kupal ka talaga! Kanina pa kita tinatawagan! Inunblock na kita sa lahat ng socmed!" Isang anghel na malakas na hinampas ang balikat ko dahil sa galit niya.
Nakaawang pa rin ang aking bibig. Si Luna, andito siya nasa harapan ko nahingal pa. Hinanap niya ako?
"Bakit andito ka?" Gusto kong tampalin ang bibig ko dahil 'yon pa 'yung unang lumabas na mga salita.
"Ako ba'y pinagtritripan mo lang talaga Cyrus?!" Naiinis na niyang saad sa akin. Okay, she's real and she's here.
"Hindi! Seryoso ako Luna. I like you so much." Maagap ko na sagot sakanya. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko at napansin kong namula ang pisngi niya. Hahaha. Cute.
"A-ano ba! D-dirediretso?!" Hinampas niya ako muli. Napatawa naman ako.
Okay, here goes my shot. Bahala na kung anong mangyare, andito na siya. Ieexplain ko na.
"Tutal andito kana din naman sasabihin ko na ang lahat. Pero first, habang nagsasalita ako wag ka munang sumabat para gets mo agad. Maliwanag?" Tuloy-tuloy na saad ko. Dapat clear muna tayo para hindi na ulit magkamisunderstanding.
Tumango naman siya and that's my cue to continue.
"I'm sorry for being a jerk. I'm sorry for being a coward. I'm sorry for not being clear of my intentions. Natakot kasi ako Luna. Nung tinanong mo ako out of the blue kung gusto kita habang nasa practice tayo, unang instinct ko nun ay ideny pero ang totoo nun may gusto na talaga ako sayo. Natakot kasi ako na baka umiba ang tingin mo sa akin kasi nga diba sabi mo frienemies tayo. Well, ayoko maging frienemies kasi gusto ko beyond that. That's why I tried to push you away from me because I thought that's the best thing to do. Pero I was wrong, this feeling is deeper and I'm willing to risk for you. I like you Luna, I really do." Nakatingin lang sa akin si Luna habang sinasabi ko iyon. Hindi siya nakangiti, hindi siya mukhang galit, at hindi siya nakasimangot. Kumbaga, neutral lang at hindi ko alam kung matatakot ba ako or ano.
"Ay, pwede kanang magsalita pala." Sabi ko. Tumikhim naman siya at hinampas ako ulit sa braso.
"Aray! Mababali na buto ko sayo!" Sigaw ko habang nakahawak sa braso ko, napailing na lang siya at nakita kong napangiti siya and medyo teary eyed.
Instinct ko na agad na lapitan siya.
"Bwisit ka! Gusto din kitang kupal ka!" Naiiyak niyang sabi. I laughed and hugged her.
Boomerang lahat ng sinabi ko last year na hinding-hindi ko magugustuhan si Luna. Gustong gusto ko siya.
BINABASA MO ANG
haterzoned ➵ [ yeonjun x yeji.]
Short Story❝can haters really turn into lovers?❞ HWANG YEJI ✶ CHOI YEONJUN ➳ zoned- series #2 ➳ epistolary ; narration ; social media format ➳ txt ✶ itzy achievements; ☆ #14 in Hater ☆ #57 in Kpop