Author's Note: Play the music provided for more feels! ^^
Cyrus'
Kakatapos lang ulit ng practice namin ni Luna, these past few days puro kami practice at kain sa labas. Bale parang take-turns kami sa panlilibre sa isa't isa.
Ewan ba, biglang umiba ang ihip ng hangin. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko simula nung nagpost ng picture si Luna sa twitter, 'yung picture ba naming dalawa. Hindi na 'yon maalis sa utak ko.
Everytime na tinitingnan ko siya or nakakasayaw ko, minsan napapatulala na lang ako eh. Madalas niya ako nahuhuli pero binabawian ko naman siya ng pang-asar at sinasabihan na ang pangit niya. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga siya pangit.
Nakakainis din kasi nag aalibi pa ako kapag binibigyan ko siya ng kahit ano, tinatanong niya kasi ako bakit daw ako bumait bigla. Aba'y ewan ko ren! Mainit naman ulo ko sakanya dati! Baliw na ata talaga ako!
"Earth to kups!" Nabalik ako sa realidad nang biglang pumalakpak sa harapan ko si Luna. Ang lapit niya nanaman! Eto nanaman ako! 'Yung tibok ng puso ko parang magkakaroon na ata ako ng heart-attack!
"O-oh?! Bakit?!" Tanong ko pabalik, napailing na lang si Luna at inayos muli ang bag niya.
"Kanina pa ako nagsasalita, nasa different dimension kana pala." Saad niya napaayos naman ako ng tayo.
"Sinasabi mo bang alien ako?" Tanong ko sa kanya, different dimension daw eh. Diba mga alien 'yung andon?
"Oo kalahi mo 'yun eh." Sabi niya, aba't nanghahamon nanaman to ng bardagulan.
"Ikaw nga kalahi mo si Miss Minchin." Natatawa kong sabi, napabaling naman siya sa akin at aakmang tatapunan ako ng water bottle niya.
"Aba! Ikaw ang nauna tapos ikaw 'yung pikon!" Napabuntong hininga na lang siya at inayos muli ang bag niya.
Cute.
"Gusto mo ba magwatch ng sunset kako." Ah. 'Yun pala 'yung sinasabi niya kanina, himala naman at iba ang inaya sa akin neto. Akala ko papalibre nanaman ng pagkain.
"Pwede naman, maaga tayong natapos eh." Pag sang-ayon ko, nakita ko naman siyang ngumiti at dali-daling lumabas ng gymnasium.
Pumunta kami dalawa ni Luna sa school field. Makikita dito kasi talaga ang sunset at mostly dito talaga tinatambayan ng mga estudyante.
Swerte ata namin ngayong dalawa dahil kami lang ang andito. Half-day kasi ang buong university ngayon kaya wala na masyadong tao sa campus.
"Timing tayo." Sabi niya, napatingin naman ako sa kalangitan and heaved a sigh.
Nagulat ako nang bigla siyang humiga sa gitna ng field, asarin ko nga to.
"Ang pangit mo." Pang-aasar ko sa kanya, napataas naman ang isa niyang kilay at nag cross arms habang nahiga.
"Mas pangit ka." Rebat niya sa akin. Bardagulan nanaman kami netong dalawa.
"Alam mo may kamukha ka." Nakaisip nanaman ako ng kapilyuhan.
"Ayus-ayusin mo sasabihin mo kupal ha." Nakapikit na siya at ang peaceful niyang tingnan.
"Totoo nga! Meron." Sabi ko pa.
"Sino ba?!"
"Kamukha mo si Light Fury." Napadilat naman siya sinabi ko.
"Madami nga nagsasabi." Aba't nag agree pa sa sinabi ko.
"Uto-uto ka naman." Naparoll eyes siya. Nararamdaman ko na ang inis niya.
"Humiga kana lang kaya dami mo pang satsat." Natawa ako sa sagot niya at umiling.
"Ayoko nga madaming germs." Pangaasar ko pa sakanya.
"Nagsalita! Ano 100% clean ka? Alcohol nga 99.9% lang eh!" Pangdadaldal nanaman niya sa akin, napangiti nanaman ako. Malala na ata ako.
Humiga na lang ako sa tabi niya, malayo kaunti 'yung pagitan namin since pinapausog niya ako. Sinasabihan ko pa siya na as if gusto kong tumabi mas madami siyang germs, nainis nanaman siya sa akin.
Nakukumpleto talaga kasi ang araw ko kapag inaasar ko siya. Weird ko na talaga ewan ba!
"Kupal! Tamo sunset na!" Napatingin naman ako sa tinuturo niya pero binalik ko agad ang tingin ko sa kanya.
Nakangiti siya ngayon, 'yung abot sa mata.
"Cyrus, kita mo? Ang ganda ano?" Saad niya habang nakatingin sa kalangitan. She said my name, hindi ko alam pero parang napatigil ang mundo ko sa simpleng pagkakasabi niyang 'yon.
Then right here, at this very moment. Something hit me.
I like Luna.
BINABASA MO ANG
haterzoned ➵ [ yeonjun x yeji.]
Krótkie Opowiadania❝can haters really turn into lovers?❞ HWANG YEJI ✶ CHOI YEONJUN ➳ zoned- series #2 ➳ epistolary ; narration ; social media format ➳ txt ✶ itzy achievements; ☆ #14 in Hater ☆ #57 in Kpop