Luna'sFirst and foremost, wala akong tulog 3 days na and yes the only reason bakit ganon ay si Cyrus Isaiah Choi. Hindi mawala sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya sa akin.
Part of me wants to believe what he's saying pero may part parin sa akin na dehado. Hindi ko kasi maintindihan, bigla siyang lumayo at umiwas tapos ngayon babalik dahil may gusto raw siya sa akin?
I'm confused. Hindi pa ata ready ang utak at puso ko na makipagusap sakanya.
Aaminin ko na may feelings ako for him, pero nangunguna 'yung takot ko."Luna, are you alright?" Nabigla ako ng magsalita na si Orion. Andito kami ngayon sa isang cafè dahil daw may sasabihin siya sa akin.
I don't know kung ano iyong sasabihin niya but I think it is urgent.
"Uh-- yeah. A-ano pala 'yung paguusapan natin Orion?" I tried to sound okay habang sinasabi 'yon and forced myself to give him a smile. Nahahalata na ni Orion na mukhang balisa ako.
"Gusto mo si Cyrus, diba?" Nanlaki ang mata ko sa pabigla-bigla na tanong ni Orion.
"T-teka! Eto ba ang paguusapan natin?" I asked confused. Why is this happening? May alam ba siya?
"Alam ko na sinabihan ka ni Cy na magkikita kayo ngayon. Bakit sa akin ka sumipot?" May alam nga siya. Siyempre tangek tama pala Luna kasi magkaibigan sila.
I heaved a sigh and sipped my coffee. Parang mabubulunan ako na ewan. Bakit naman ganito ka straightforward itong si Orion.
"Luna?" Tawag niya nanaman sa akin. Ugh fine. Sasagutin ko na nga lang.
"To be honest Orion, I'm scared." Sagot ko, napatango naman siya.
"Understandable. Pero hindi 'yan 'yung Luna na nakilala ko." Nakangiti niyang saad. Mas naguluhan ako sa pinagsasabi niya. Ano bang point nito?
"'Yung Luna na nakilala ko palaban and always ready to take the risk. Kahit sandali lang tayo magkakilala I sensed that in you and that made me like you as a person." Napaawang ang bibig ko pagkatapos niyang sabihin iyon. TEKA ANO RAW?! LIKE?! CONFESSION NANAMAN BA TO?!
"G-gusto mo ako?!" Hindi makapaniwalang saad ko. Napatawa naman siya at napailing.
"Not like na as in romantically, I idolized you." Pagclaclarify niya. Napahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya na 'yon.
"Ah. Thanks?" Gagi Luna, anong reply yon.
"You're welcome. Pero alam mo, dapat harapin mo na si Cyrus." Saad ni Orion.
"Paano kung--" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya
"You know, it is a risk to love." Orion
"Oo nga, paano kung hindi mag workout?" Tanong ko sakanya.
"But what if mag workout?" Ibinalik niya sa akin ang tanong ko.
Natamaan naman ako dahil sa tanong niyang iyon. Oo nga, paano kung mag workout? Hindi ko pa nasusubukang kausapin si Cyrus natatakot na agad ako?
Hindi ko pa narinig ang explanation niya at pinapangunahan ko na siya.
"Hanapin mo na siya. Naghihintay 'yon." Niyakap ko si Orion out of gratitude. He's been a very good friend. Sobra.
"Thank you so much Orion." Ngumiti ako sa kanya, ngumiti naman siya pabalik sa akin and gestured me to stand up and go find Cyrus.
Haharapin ko na siya and I hope it's not too late.
BINABASA MO ANG
haterzoned ➵ [ yeonjun x yeji.]
Short Story❝can haters really turn into lovers?❞ HWANG YEJI ✶ CHOI YEONJUN ➳ zoned- series #2 ➳ epistolary ; narration ; social media format ➳ txt ✶ itzy achievements; ☆ #14 in Hater ☆ #57 in Kpop