oneshot story O2
200+ words
errors ahead☪
First year highschool kami dati nang humingi s'ya ng permiso sa'kin kung pwede daw ba siyang manligaw. Ni-reject ko s'ya dahil sa pinanghahawakan kong pangako kina mama at papa. I promised my parents to finish first my studies before entering a relationship.
Maayos naman ang naging takbo, naintindihan niya din naman ako. Naging magkaibigan kami ng apat na taon at bigla s'yang naglaho. Ni anino niya ay hindi ko nahagilap, para bang iniwan niya ako sa ere pero alam ko namang walang kami at wala akong karapatan na igapos s'ya sa tabi ko o kahit magalit manlang dahil hindi siya nagpaalam.
Time flies so fast at graduate na ako, and I think siya din? Magkapareho lang naman kami. Bumisita ako sa dati naming tambayan at nagbabakasakaling nando'n siya. Hindi ako nabigo at nakita ko siya ulit. Pormado at mas lalong gumwapo. Nahihiya tuloy ako.
Nilapitan ko siya at kita sa mukha niya ang pagkagalak. "Namiss kita!" masaya kong saad. "Ako din" pabalik niyang sabi.
Nagkuwentuhan kami sa mga nangyari samin at nag-explain din siya kung bakit bigla siyang nawala sa campus. Hindi ko alam kung bakit bigla ko ito naisip at naitanong sa kanya...
"May girlfriend kana diba?"I expect the answer as 'none', kasi akala ko hihintayin niya pa talaga ako, but I was wrong, he answered me 'yes'.
Natahimik ako at medyo naluha dahil sa kanyang sagot. Pero sino ba naman ako para magalit diba? Mula nung umpisa, ako din naman ang umayaw. Siguro malas ko lang kasi ang taong mahal ko, na inayawan ko nung umpisa at ngayo'y bumalik ay may nahanap ng iba... kung kailan pwede na akong um-oo sa kanya.
YOU ARE READING
Oneshot Collection | The Fruits of my Imagination
RandomThis contains all oneshot stories written by yours truly.