THREE STEPS BACKWARD

0 0 0
                                    

oneshot story O4
700+ words
errors ahead

"N-No please" nakaluhod ako sa harap niya, sa gitna ng park, nagmamakaawa.

"I don't need you! I don't love you anymore. Just leave!" singhal niya sa'kin dahilan para lingunin kami ng ibang tao.

Tears falling down on my cheeks. I was hurt. Siya ang unang lalaki na minahal ko ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili, at siya rin ang unang lalaki na wawasak sa puso ko.

I tried my best to get up. "Hindi mo naman ako minahal! Ginamit mo lang a-ako." ang kaninang puno ng lungkot kong puso ay nakapulan na ng galit.

From my place, humakbang ako ng tatlo patalikod habang nakatingin sa kanya, tingin na puno ng lungkot at hinaluan ng sakit.

For my third step, I bumped on someone. "Sorry" tanging naiusal ng nangangaralgal kong boses.

I ran towards my car and drove it away, patungo sa lugar na nakasanayan kong isigaw lahat.

This place was a peaceful one. Dito ko naramdaman na hindi ako nag-iisa dahil sa kasama ko ang mga ibon na lumilipad sa himpapawid. Kasabay ng alon na humahampas sa aking paa ay ang aking pagsigaw na halos ikaluwa na ng lalamunan ko.

Masakit, sobrang sakit.

Bumuhos ang makas na ulan pero nakakapagtaka dahil ni isang butil ng ulan ay walang tumama sa ulo ko. Tumingala ako at nakita ang isang... payong?

"Kahit broken hearted ka, alagaan mo parin ang sarili mo" someone said beside me while clearing his throat. I looked at him with my teary eyes and saw an unknown person.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"

"I am that person you bumped to while crying lately... sinundan kita dito kaya nandito ako" nakangiti niyang sagot.

"Umalis kana" utos ko.

"No"

"Alisin mo nalang ang payong"

"No"

"Then, leave me alone" may diin kong saad.

"No" diniinan niya rin ang pagkakasabi.

Napamaang ako sa inasal niya.

"BAKIT?!" singhal ko.

"Hindi ako aalis. Hindi ko aalisin ang payong at mas lalong hindi kita iiwan dito" he paused. "If that d*mn man doesn't care for you then I am! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako while seeing you crying and shouting because you're hurt... just please, let me stay here with you" aniya.

I was shocked. Hindi ko alam kung ano ang ire-react. My goodness!

"Ok" tanging sagot ko. Parang t*nga, Allysa.
Hiyaan ko siyang humawak ng payong, tutal siya naman ang mangangalay.

Around 6 PM nang tumila ang ulan kaya napagpasyahan kong umuwi after a small talk with him sa isang cottage sa gilid.

Nag-browse ako saglit sa Instagram at nakita ang post ni Gello, it's a photo of him together with that slut. Opss, my bad. Nagstalk din ako sa timeline niya and saw that all of our photos together are deleted.

Nikael: Hey, Good Evening! I hope you're okay already.

Me: Yeah.
**********
Days, weeks, months had passed. Palagi kaming magkasama ni Nikael, that guy. Napagkakamalan na kaming mag-on dahil sa sobrang close.

"Uhh... Ally, can I ask you something?" tanong niya habang kumakain kami ng ice cream.

"Hmm?"

He cleared his throat first. "Can I court you?" nang dahil sa sinabi niya, kahit na ice cream lang ang kinakain ko nabilaukan pa.

"Uhh... Bakit?" walang hiya kong tanong pabalik.

"I like you. No. I love you. Can you give me a chance to prove it?"

Papayag ba ako o hindi? Naka-move on na ako, naka dalawang girlfriends narin si Gello after nung break-up namin, single naman ako kahit saang anggulo tingnan so... why not?

Tumango ako sa kanya. "Yes, you can"

Tumalon siya na parang nasagot ko na. Pinagtinginan siya ng mga tao, wala siyang pakialam.
******

3 months....

Sinagot ko siya last week.

Pinaramdam niya sa'kin ang saya na masasabi kong hindi ko naranasan kay Gello dati. Nikael made me feel I was the most loved person in the world. He's not that perfect man as others but he was the man I love the most. I never regret I met him. Siya ang naging karamay ko sa break-up, nakasama sa pagmo-move on, at naging kaibigan sa mahabang panahon. Hindi ko na-imagine na yung lalaking nabunggo ko lang dahil sa ikatlong hakbang will become my man.

I really love him. I really do.

Oneshot Collection | The Fruits of my ImaginationWhere stories live. Discover now