oneshot story O8
400+ words
errors ahead☪
"I miss you" sambit niya nang muli kaming magkita.
Ano ba ang pwede kong sabihin pabalik sa kanya? Hindi ko naman pwedeng sabihin ang 'i miss you, too' dahil ayaw kong magbigay ng motibo kahit ang totoo ay nagkaroon ako ng hindi normal na nararamdaman sa kanya.
"Ah ok" napaka-b*bo naman ng sagot kong iyon.
"Anong 'ah ok'? Hindi mo ba ako miss?" kunot-noo niyang tanong.
Napaiwas ako ng tingin dahil alam ko sa sarili ko na kapag patuloy akong titingin sa mga mata niya ay mahuhulog ulit ako.
"Kasi ano... ang hirap kaya maniwala. Parang nung nakaraan lang, kumukulo ang dugo mo sa akin tapos ngayon miss mo ako? Hahahah funny mo" pangatwiran ko kahit nami-miss ko naman talaga ang asungot na 'to.
Dumaan ang mga araw at palaging ang nararamdaman niya sa akin ang palaging bukang-bibig. Minsan ako'y kinikilig pero iniisip ko rin na...
Paano kung planado lahat?
Paano kung laro lang pala para sa kanya?
Paano kapag nahulog ako ulit, hindi na ako maka-ahon?
Paano kung... ginagawa niya lang 'to dahil gusto niya akong saktan? Hindi man pisikal pero emosyonal.Napakaraming 'paano' akong naiisip pero hindi iyon sapat para mabura sa puso ko ang nakapinta niyang pangalan.
Palagi na kaming inaasar at palagi ko ring ibinabalewala. Ni hindi ko naisip na nasasaktan ko na pala ang damdamin niya sa tuwing sinasabi kong 'joke' lang ang pinapakita kong motibo at pag-asa.
Gustuhin ko man sabihin na gusto ko rin siya ay hindi ko magawa. Napapangunahan ako ng hiya at takot na baka sa huli ako ang iiyak.
Ipinakita niya sa akin na tunay ang kanyang pag-ibig. Pero hindi ko alam kung saan dapat na maniwala. Kung sa mga sinasabi niya ba o sa mga ikinikilos niya.
Lumipas ang ilan pang mga araw at naging klaro na sa akin ang lahat. Naging klaro na siya ang taong gusto at gugustuhin ko.
Pero mapaglaro nga talaga ang tadhana... dahil pinagtagpo kami ngunit hindi para sa isa't-isa.
Siguro kahit na sino ay mapapagod kapag ako ang minahal. Isang babae na matagal kung magdesisyon at hindi madaling magtiwala.
Pero kasalanan ko ba na takot akong magtiwala lalo na't sangkot ang puso kong pinakaiingatan?
Gusto kong sabihin na 'ikaw ang gusto ko' pero huli na ang lahat para aminin ang sinisigaw ng puso.
Sana mabigyan ako ng pagkakataon, na masabi sa kanya ang totoong tinitibok ng puso ko.
YOU ARE READING
Oneshot Collection | The Fruits of my Imagination
RandomThis contains all oneshot stories written by yours truly.