GUNITA SA GITNA NG LAMIG

0 0 0
                                    

oneshot story 05
100+ words
errors ahead

Mag-isa ako ngayon sa terrace ng bahay namin. Lumilipad ang isip kakaisip sa kanya. Naiimagine ko tuloy ang mainit niyang yakap pati na ang nakakakilig niyang sulyap. Nagmumukha na akong tanga, ngumingiti mag-isa, parang baliw na kinikilig... ewan ko ba!

Kailan kaya babalik ang lalaking tinatangi ng puso? Bakit parang hindi ko na nararamdaman ang presensya niya? Nagmistula siyang yelo na lumamig bigla-bigla.

Nagkita kami sa 'di inaasahang pagkakataon. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya sa panahong 'yon. Ngunit ni isang "Hi" o "Hello" manlang ay 'di ko narinig mula sa kanya. Gumugulo tuloy ang isipan ko kung bakit siya nagkakaganito. It cause me think that something went wrong between us...

"Mahal mo pa ba ako?" tanong ko sa kanya.

Pero titig na walang emosyon lang ang nakuha ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Pakiramdam ko, parang pusa na ako na hindi makaihi sa kaba.

Naiisip ko sa sarili na. . .

Kailangan ko pa bang itanong 'yon? Kasi sa kilos niya, halatang hindi na ako ang nilalaman ng puso niya. Napag-isipan ko na rin na tanggapin nalang. . .

. . . na wala nang ihahaba pa at hanggang dito nalang kami.

Oneshot Collection | The Fruits of my ImaginationWhere stories live. Discover now