PROLOGUE
"Hayst!! Malas talaga, kasalanan talaga 'to ng tabachoy na' yun e. Kung hindi dahil sa nga taba niya sa katawan e 'di sana may trabaho padin ako ngayon.'Nak nam p*ta nga naman oh!"
Inis na ginulo ni Elijah Maurer ang kaniyang buhok. Boy cut, palibhasa dinaig pa ang lalaki kung magsalita at kumilos.
Sinipa din niya ang batong maliit nanakaharang sa dinaraanan niya. Wala siyang pakealam kung may matamaan man sa batong sinipa niya. Pake ba niya? Tsk.
Hindi niya maintindihan kung bakit sa araw na ito walang ibang nangyayare sa buhay niya kundi puro nalang kamalasan. Anak nga naman ng pating oh. Wala naman siyang balat sa p'wet. Kaasar.
O______o
Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang isang batang babae na tumatawa habang nasa gitna ng kalsada. King ina. Asaan ang ina ng batang 'yun at pinabayaan lang. Pano kung masagasaan ito ng truck. Malas talaga.
O___________O
Talagang nanlaki na ng sobra ag mga mata niya ng makita niya ang truck ng basura na papalapit na sa batang babae na tumatawa habang tumatalon talon pa. May ilang nakakita at sumisigaw na tumabi ang bata. Mga hunghang. Ginagamit ba nila mga utak nila. Bakit hindi nalang nila lapitan.
Wala ng isip isip. Tinakbo ni Elijah ang disyandya nila ng bata at itinulak ito. Sa kasamaang palad siya ang nahagip ng truck. Sa lakas ng pagtama sa kaniya tumilapon ang katawan niya ilang kilometro ang layo.
Daredaretso lang ang truck. Hindi alintana ang nagawang krimen. Habang si Elijah ay naliligo na sa sarili niyang dugo.
Naimulat pa niya saglit ang kaniyang mga mata. Sobrang nanlalabo na ang kaniyang paningin.
"Tang*nang kamalasan 'to. Ako na nga nagmagandang loob mukhang ako pa madededo. Sheyttt!!!"
Tuluyan ng pumikit ang kaniyang mga mata. Nakapalibot naman sa duguan niyang katawan ang nga taong chismoso na walang ibang ginawa kundi kunan ng litrato ang duguan niyang katawan. Ang iba nga nag la-live pa, at ginawa pa talagang entertainment ang kaniyang kalagayan. May iba naman na tumawag na ng tulong.
Walang may naglakas loob na galawin ang duguang kagawan niya. Ayaw naman nilang makulong kaya hihintayin nalang nila ang tulong.
"Kawawang dalagita, ang ganda pa naman niya. Sayang ang lahi niya pag namatay siya. Sana mabuhay siya."
"Tama ka mare, pag namatay siya siguradong mababawasan ang mga magaganda sa mundo."
"Nasaan na ang tulong? Tumawag na ba kayo?"
"Ang tagal ng ambulansiya! Ano ba 'yan? Lintik naman oh. Ba' t ba ang bagal umusad ng tulong dito sa pilipinas."
Isinakay ang katawan niya sa ambulansiya. Pagdating sa ospital. Dead on arrival. Yari na. Nabawasan na naman ang maganda sa mundo.
_______
Oh_My_Gie
🥀
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the King's Unnoticed Daughter
FantasyNightmare Jinx Croix, ang ikaapat na anak ng hari. The least favored child of the emperor of the Center. Ang sentro ay may apat na bahagi, at ang ating bida ay anak ng namumuno sa Sentro, ang pinuno ng mga pinuno. Hindi niya ramdam na siya ay bahagi...