CHAPTER 31
ALANGANIN na natawa ang dalaga habang nag iisip ng paraan kung paano niya matatakasan ang ina ng diyosa.
Mabait ito, oo, pero mabagsik din kapag hindi niya nagustuhan ang ginawa mo.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?"
Malamig pa sa yelo ang boses nito, mas lalo tuloy siyang kinabahan. Kasi naman, hehe. Kasalanan naman nito kung bakit niya nagawa yun. Kung binigay lang sana nito ang hinihingi niua. E di sana hindi na niya naisip na nakawin pa ito.
" Ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginagawang masama ah. Inosente ako, promise, I'm innocent."
Dahil sa walang kwentang sinabi niya mas lalong nagalit ang inang diyosa. Naglabas ito ng gintong laso na kayang magbigay ng kakaibang hapdi sayong balat kapag ito ay nadampian nito.
"Inosente ka? Talaga ba? Pinapatawa mo ba ako?"
Umiling ang dalaga. "Natatawa ka ba?" balik tanong niya. Hayst, sira ulo talaga. Mas lalo niya lang ginagalit ang ina ng diyosa.
Ang diyosa na nasa isang tabi lang ay natampal nalabg ang kaniyang noo. Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin niya sa dalaga. Puro nalag kabulastugan ang nalalaman nito.
Habang ang asawa naman ng diyosa ay napailing iling nalang. Hindi na siya magtataka pa kung isang araw mag sanib pwersa ang nga ginagalit na mago ng babaeng 'to at ilibing siya ng buhay.
Sino ba naman kasing hindi maiinis sa kaniya. Puro nalang kalokohan ang alam gawin sa buhay.
"Aamin ka ba sa ginawa mong kasalaan o hindi?"
Napakamit naman sa kaniyang batok ang dalaga. Nagliwanag ang ulo niya ng makaisip siya ng paraan upang matakasan ang inang diyosa.
Mabuti nalag talaga at magaling siyang tumakas. Kung hindi, tiyak na gigisahin na naman siya nito.
Kunyari ay nag isip ang dalaga. Iniisip niya kung ano ba ang nagawa niyang kasalanan. Sa pagkakatanda niya wala naman siyang ginawang masama ah. Bukod sa, hehe, secret. Sa kaniya nalang yun.
"Ano naman ang aaminin ko? E wala naman akong ginawang kasalanan. Mema ka din talaga auntie, mema ibintang lang."
Nanlaki ang mga mata ng ina ng diyosa. Hindi ito makapaniwala na tinwag lang siyang auntie ng dalaga. Sa ganda niyang yan at sa bata niyang tingnan tatawagin lang siyang auntie. Nasaan ang hustisya sa mundo.
Itinuro ng ina ng diyosa ang kaniyang sarili. "Ako ba ang tinawag mong Auntie?" paninigurado niya, nagbabaka sakali siya na namali lang siya ng rinig.
Tumango tango ang dalaga. Natampal ng diyosa ang kaniyang noo, tiyak na magbu uga ng apoy ang ina niya dahil sa sobrang galit.
Ilag beses itong nagpaganda, gumawa ng mga paraan para pabatain ang anyo niya tapos tatawagin lang na auntie? Are you kidding me?
"IKAW!!"
Puno ng galit ang boses ng ina ng diyosa. Hindi siya makapaniwala na tinawag siyang auntie, ang bata pa tingnan ng katawan at mukha niya tapos auntie lang ang itatawag sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the King's Unnoticed Daughter
FantasyNightmare Jinx Croix, ang ikaapat na anak ng hari. The least favored child of the emperor of the Center. Ang sentro ay may apat na bahagi, at ang ating bida ay anak ng namumuno sa Sentro, ang pinuno ng mga pinuno. Hindi niya ramdam na siya ay bahagi...