Chapter 26

1.9K 63 12
                                    

CHAPTER 26

"BUKOD sa'yo sino pang may nakakaalam na nabuhay muli ako?"

Napailing si Elijah. Ang lamig naman ng boses ng isang 'to. Para namang hindi sila mag kaibigan.

"Grabi ka naman, ayos ayusin mo naman pananalita mo. Wala ka talagang utang na loob, hmp. Binigay ko sayo kalahati ng kaluluwa ko tapos gaganiyanin mo lang ako."


Mahihimigan ang pagtatampo sa boses niya. Tinitigan lang siya ni Levin, wala itong pakealam sa pag iinarte niya. Umayos naman siya ng upo ng mapansin na wala man lang kapake pake si Levin.


"Hayst! Tsk, bagay nga talaga kayo ng jowa mo. Gzz, kalma ka lang. Wala ng may nakakaalam ng tungkol dito bukod sakin. Kahit nga yung diyosa ng mga baliw wala ding alam. See? Tikom ang bibig ko."

Malamig ang boses na nag salita si Levin. "Mabuti."


Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Elijah. "Hindi ka man labg ba magpapasalamat sa akin?"

Nagtataka siyang tiningnan ni Levin. "What for?"

Hindi makapaniwala na tinitigan siya ni Elijah. "Duh! Nag sinungaling lang naman ako para sayo. Pinaniwala ko yung diyosa na tulad ng ina ng katawan mo ngayon ay isa ding carrier ang katawan na gamit mo. See, I lied for you tapos ginaganiyan mo lang ako." pagdadrama ni Elijah.

Levin flatly look at her."Sinabi ko bang magsinungaling ka para sakin?"

Napakamit naman sa kaniyang batok si Elijah. "Hindi."

Napanguso nalang si Elijah. Ang sungit ng bwisit. "Sungit mo, kaya ka trinaidor at pinatay dahil diyan sa ugali mong yan e."

Tiningnan siya ng masama nito. Napanguso nalang siya. Napansin niya ang paglamig ng buong silid.


"Make sure na walang may ibang makakaalam ng tungkol dito. Makikisabay ako sa trip mo sa buhay. Just make sure to give me enough time para mabawi ko ang lakas ko."


Tumango tango namam si Elijah. "Pero wala ng libre ngayon sa mundo." nakangising sabi ni Elijah.

Tiningnan naman suya ni Levin. Hinihintay na sabihin ay susunod na sasabihin niya.

"Sa darating na gyera, marami akong mapapatay na alagad mo. Siguro naman hindi ka makekealam pag nangyari yun hindi ba?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Levin. "Sa tingin mo ba may pakealam ako sa mga taksil na 'yun?"

Napapalakpak naman si Elijah. "Bravo!"

"Layas!"

Napahagulgol naman siya kunyari. "Pagkatapos nating magsama ng ilang taon gaganiyanin mo na ako? Huhuhu, grabi ka. Hindi na kita kinakaya."

Natampal ni Levin ang noo niya. "Mahina ako ngayon pero kaya padin kitang tustahin. Ayusin mo sarili mo, baka hindi ako makapagtimpi."

Kaagad namang umayos si Elijah. Takot kaya siya sa isang 'to. Mas malakas sa kaniya' to 'no. "Gzz, sorry na kamahalan. Tsk"

Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon