CHAPTER 36
"DADDDDYYYYY!!!!!!"
Malakas na sigaw ng dalaga. Muntik na siyang hampasin ng kuya Belight niya ng sanga ng kahoy dahil sa sobrang lakas ng boses nito. Napailing iling naman si Angel habang ang isang kamay ay nakahimas sa kaiyang kanang tenga.
Saan ba kasi pinaglihi ng ina nila ang bunso nila? Sobrang ingay nito.
"Huwag kang tumakbo, kakalabas mo lang sa hospital nag lulumikot ka na." suway sa kaniya ng ama niya ng subukan niyang tumakbo palapit dito. Nginusuan naman niya ang ama niya na nginitian lang siya na may kasamang pag iling ng ulo.
Idinipa ng kaiyang ama ang dalawag braso, nakangiti namang sinugod siya ng yakap ng dalaga. Nagsumiksik ito sa katawan ng ama.
"Na miss kita, daddy." parang batang aniya saka naglumambitin sa ama niya.
Natampal naman ni Belight ang kaniyang noo. Parang bata. Natawa naman ng mahina ang emperador saka inalalayan sa likod ang anak, baka kasi malaglag.
Habang sila ay napapailing sa kakulitan ni Night, ang isang mago sa isang tabi ay hindi maitago ang pagkadisgusto sa nakikita. Hindi niya alam na napansin ng kuya nila, ang pinaka matanda sa kanilang magkakapatid, ang pagkuyom ng kamao niya at ang masamang tingin na ibinibigay niya kay Night.
Napangisi ng palihim ang binata, lumalabas na ang totoo nitong kulay.
"Daddy, hindi mo man lang ako sinundo. Nagtatampo ako sayo. Hmp! Hate kita ngayon, daddy." nagtatampong ani Night saka lumayo sa ama. Nag cross arm pa siya tapos inirapan pa niya ang ama niya.
Lumapit siya sa kuya Angel niya saka kumapit sa braso nito na parang tuko."Buti pa si Kuya Angel hindi ako iniwan sa hospital. Si daddy dinalaw lang ako saglit. Nakakatampo naman, parang hindi mo ako love. Hmp, siguro ampon lang ako kaya ayaw mo sakin." pagdadrama niya. Sinamahan niya pa ng pagpupunas sa imaginary luha niya.
Hindi nanapigilan ng emperador ang pagtawa niya. Natatawa nalang siya sa kabaliwan ng bunsong anak niya.
Hindi naman napigilan ni Belight ang bibig niya."Bakit si Kuya Angel lang? Hoy, paalala ko sayo, binantayan din kita. Walang utang na loob." kunwari ay inis na sabi ni Belight pero sa loob loob niya gusto na niyang natawa. Ang cute kasi ng bunso nila.
Nginusuan siya ni Night, umakto din itong parang nandiri sa sinabi ng kuya niya."YVCK!!! Si kuya Angel lang ang napansin ko. Andun ka pala?" tanong ni Night na may kasamang pang aasar na tono sa kuya Belight niya. "Sorry hah."kunyare ay sinsero niyang paghingi ng paumanhin."Hindi kasi kita napansin e." kinamot pa niya ang batok niya. "Ganiyan talaga siguro kapag hindi mahalaga, hindi napapansin." inosenteng aniya.
Nanliit ang mga mata ni Belight ng dahil sa narinig, natampal naman ni Angel ang kaniyang noo.
"Hay nako! Heto na naman po tayo." problemadong ani Angel sa kaniyang isipan. Napabuga nalang tuloy siya ng hangin na medyo marahas.
Habang ang emperador ay hindi napigilan na matawa ng medyo may kalakasan. Napapailing nalang tuloy siya, paano ba naman kasi, ni minsan hindi nag mintis ang bunsong anak niya sa pang aasar sa kuya Belight niya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the King's Unnoticed Daughter
FantasyNightmare Jinx Croix, ang ikaapat na anak ng hari. The least favored child of the emperor of the Center. Ang sentro ay may apat na bahagi, at ang ating bida ay anak ng namumuno sa Sentro, ang pinuno ng mga pinuno. Hindi niya ramdam na siya ay bahagi...