CHAPTER 23
INIS na hinila ni Justine si Finligh ng akmang aalis na ito matapos siyang hatiran ng pagkain. Hindi kasi siya nito pinapansin, mga ilang araw nadin. Kasalanan 'to ng laptop niya e. Kitang magagalit si Fin hindi man lang nakisama. Dapat nagkusa nalang yun na mag off. Yan tuloy, iniiwasan siya.
Dahil sa inia niya kinulit niya ito. Nagpabili aiya ng kung ano ano. Ang nakakatuwa lang, kahit galit ito. Nagagawa padin siya nitong alagaan. Naks, sweet.
"Ilang araw pa ba ang 'yong palikipasin bago mo ako tuluyang pansinin? Hah! Hindi ka na nakakatuwa." legit yung inis niya, abot hanggang pluto mga mars.
Tinitigan siya saglit ni Fin, bago nito tinanggal ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa braso ni Fin.
"Hindi ko sinabing matuwa ka. Alis na ako. Kainin mo na ang pagkain na dinala ko. Baka magkasakit ka pa. Tsk."
Kita niyo na. Galit na nga't lahat lahat na siya padin ang inaalala. "Ayoko, hindi ako kakain. Galit ka e."
Napabuntong hininga si Fin. "Hindi ako galit. Nagtatampo at nag-aalala lang." totoo naman kasi yun. Masyadong malalim ag salitang galit. Nagtatampo lang naman siya dahil nagawang magtago ng sekreto ni Justine sa kaiya samantalang siya honest dito. Lahat sinasabi niya. Tapos idagdag mo pa yung grabeng pag-aalala niya.
Inungusan naman ni Justine si Fin. "Eh ano ba kasi ang ipinagtatampo mo? Pinaliwanag ko naman na sayo diba? Paulit ulit ba talaga tayo."
Hindi sumagot si Fin. Lumapit ito sa kaniya saka hinalikan ang noo niya. "Alis na ako, kumain ka na. Huwag magpapalipas ng gutom. Baka magkasakit ka. Mag-aalala ako lalo."
Hindi na nito hinintay pang makapag salita si Justine. Bigla nalang itong nawala. Teleportation, tsk. Umalis na naman ng hindi man lang naaayos ang sa kanila.
" Kainis!! "
Magdadrama pa sana siya ng mag vibrate ang cellphone niya. Kaagad tumalim ang tingin niya sa screen ng phone niya ng makita niya ang pangalan ng babaeng dahilan ng pagtatampo ni Fin sa kaniya.
From: WeiGirl
Where na you? Here na me sa labas ng bahay niyo. Don't tell me nakalimutan mo na now ko kakausapin yung dadehh mo?
Hindi siya nag reply dahil naiinis siya dito. Naligo siya at nagbihis. Hindi na niya inabala pang kainin ang pagkaing dinala ni Fin para sa kaniya. Nawalan na siya ng ganang kumain.
Sakay sa kotse niyang kulay pula, tinahak niya ang daan papunta sa bahay ng mga magulang niya. Tama nga ito, nasa labas na ng gate ng bahay niya amg bruha. Prenteng nakaupo sa hood ng kotse nito.
"Bakit ganiyan ka makatingin? Tsk. Kalma, ako lang 'to."
Hindi niya ito kinausap. Nagtungo siya sa gate saka binuksan ang gate. Nagtaka naman si Elijah. Bakit kaya nagkaganoon ang isang yun? Inano ba niya ito?
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the King's Unnoticed Daughter
FantasyNightmare Jinx Croix, ang ikaapat na anak ng hari. The least favored child of the emperor of the Center. Ang sentro ay may apat na bahagi, at ang ating bida ay anak ng namumuno sa Sentro, ang pinuno ng mga pinuno. Hindi niya ramdam na siya ay bahagi...