Chapter 43

1.5K 47 4
                                    

CHAPTER 43

INIRAPAN ng diyosa si Lucifer. Kahit kailan talaga hindi magkakasundo ang dalawa. Ewan ba ng diyosa, basta bata palang sila mainit na ang dugo niya kay Lucifer. Siguro kasi dahil sa kahit na hari ito ng impyerno ay nay angkin itong katangian na gustong gusto ng ina niya at hinahangaan pa




Tiningnan ni Lucifer si Night na ang nga mata ay nagmamakaawa na tulungan siyang makatakas sa diyosa.



"Umalis na kayo. Dalhin niyo na ang makulit na yan. Sa susunod, huwag kayong basta basta nalang susulpot, lalo na pag gabi. Sige kayo, baka makakita kayo ng kaaya ayang palabas na may kasama pang nakakabighaning pag ungol." nakangising ani Lucifer.


Si Lucifer na hindi yata makokompleto ang isang taon ng hindi nagagawang maasar ang diyosa ng buhay.


Hindi na din lingid sa kaalaman niya kung bakit ganoon na lang ang galit sa kaniya ng diyosa. Alam niya, alam na alam niya. Napapailing nalang nga suya tuwing maaalala niya.


Ang tanda tanda na at nay asawa na ngunit isip bata padin ang diyosa. Masyado kasi nitong ginagawa ang lahat ng bagay para mapansin siya ng ina nito, vakit hindi nalang nito gawin ang talagang nagpapasaya dito. Tsk. Sinasayang nito ang oras nito.




"Ikaw!" galit na dinuro siya ng diyosa. Sa huli, napairap na lamang ang diyosa saka hinatak si Night at sabay na nawala sila at sumulpot sa lugar ng diyosa. Pabalang siyang binitawan ng diyosa.


Inis na hinarap ni Night si Life. "Makatulak ka naman. Dagan dahan lang naman injured ang balikat ko. Bwisit na 'to!"



Tumalim ang tingin ng diyosa kay Night. Mainit ang ulo niya, makuta niya labg ang mukha ni Lucifer ay sapat na para uminit ang ulo niya tapos mas lalo pang pinapainit ng babaeng' to.



"ANO ANG GINAGAWA MO SA MGA NAKALIPAS NA LINGGO? HAH! NAGSASAYANG KA NG ORAS, NIGHT! HINDI BAT MALINAW NA SABI KO SAYO NA UNAHIN MONG PABAGSAKIN YUNG DARK ORG. NGAYON, ANO ITONG NABALITAAN KO NA INUNA MO PABG ILIGTAS ANG PRINSIPE NA YUN KESA ANG TAPUSIN ANG KAPATID NG PINUNO NG DARK ORG. MAY PAGKAKATAON KA, SINAYANG MO. SINAYANG MO PARA SA PRINSIPE NA YUN! "



Punong puno ng galit ang mga mata ng diyosa. Nawala ang kalmadong pag-iisip ni Night. Tama ba ang narinig niya?




"Tang'na. Alam mo kung bakit mas pinili kong iligtas si Papi kesa ang tapusin ang animal na yun? Dahil kontrabida ako." walang emosyobg aniya. Ang talim din ng tingin na ibinibigay niya sa diyosa. "At dahil kontrabida ako, kaya kong isakripisyo ang buhay ng iba maligtas lang ang pinakamamahal ko. E ikaw? Ano tingin mo sa sarili mo? Superhero?" tumawa si Night. "Gaano ka kasigurado na kapag yang asawa mo napunta sa alanganing sitwsasyon ay hindi mo sasagipin sa halip mas uunahin mo yung mga nangangailangan sayo?hmm.sagutin mo!"




Natahimik ang diyosa. Napagtanto niyang mali ang ginawa niya. Nadala labg siya sa inis sa Lucifer na yun. Hindi niya naman alam na tulad padin pala siya ng dati, na sa tuwing nakikita ang mukha ni Lucifer ay nagpupuyos siya sa galit, inis at pagkainggit.



Tinawanan siya ni Night. "Huwag kang umakto na parang amo ko. Hindi kita kaano ano. Ako ang amo ng sarili ko. Hindi ikaw, kaya kung gusto mong ipagpatuloy ko pa 'to. Huwag ka masyadong makealam sa personal na buhay ko." inis na aniya. "Nagrereklamo ka sa ginawa ko samantalang ikaw andito lang sa lungga mo, tamang nood lang. Pasensya na hah pero bakit parang ang kapal naman yata ng mukha mo?"




Reincarnated as the King's Unnoticed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon