Catherine Klare
"Hey girl!" rinig kong tawag mula sa di kalayuan. Nilingon ko kung sinu ang taong nag sabi nun.
Pag lingon ko nakita ko ang isang napaka gandang pigura na pang model, mukha nga lang bitch. Haha! Napangiti ako sa thoughts na mapag laro habang nakatingin sa kanya na papalapit sakin. Nang maging clear ang kanayang image sa mga mata ko ay di na pagilan ang pag labas ng halakhak.
Nakita ko ang pag smirk niya na nag sasabi "Pinagtatawanan mo na naman ako sa isip mo". Sa itsura niyang iyon ay lalo kong di napigilan ang pag tawa ng malakas.
"HAHAHA- ha ha" Di naman nag tuloy tuloy dahil isang malutong nabatok ang natanggap.
"Walangya kang babae ka!! Lagi mo nalang akong ginaganyan. Hmp!" pag ka sabi niya ay bigla niya akong tinalikuran.
Ay sus! Ang sarap talagang asarin ng babaeng ito. Nilabas ko ang isang plastic na baunan at inilagay sa harapan niya.
Nakita kong nag ningning saglit ang kanyang mga mata ngunit nawala din ng nakita niya ang mga labi kong nakangiti padin.
"Sorry na beybs" sabi ko sabay pout at extend ng bagay na hawak ko. Pinanlisikan niya ako ng mata. Ine-examine ang itsura ko. Kinuha niya ang dala ko at binuksan. Mula sa mga matang malungkot ay bigla itong naging mata ng batang na naka tanggap ng wish niyang regalo.
"Peace na tayo?" tanung ko samalumanay na boses. Tumango siya at inumpisahang lantakan ang dala kong ube.
Hay nako kung titingnan ang babaeng to' sa itsura niya ngayon ay aakalain mong isang batang nasa katawan ng matanda. Nilalantakan niya ang dala kong ube na parang batang ngayon lang natikman ang ganung bagay. Kung di ko lang talaga alam na ginagawa lang niya yun para ma-boost yung confidence ko sa mga niluluto ko. Binibigyan niya ako ng hope na may pwedeng pa yung mga lutuin kong pag tyagaan.
Pinag masdan ko lang siya habang kumakakain.
"Ganun ba talaga ka sarap yan?" tanung ko habang naka pangalung baba sa harap niya.
"Hmmm" sagot niya. Napa ngiti naman ako sa ginawa niyang iyon. Alam ko naman na karaniwang lasa lang ang luto ko pero ewan ko ba kung bakit patok na patok sakanya ang luto ko.
"Beybs alam mo ba, nakita ko na naman sila." pag uumpisa ko. Ibinaling ko ang tingin ko mula sa mga batang nag lalaro malapit sa bench kung saan kami naka pwesto. " Ang saya nilang tinginan at masasabi kong masaya siya sa desisyon nya na saktan kami" pinilit kong ngumiti.
Tumingla ako at pinigilan ang pag pikit pikit ng mga mata ko. Nang ibaling ko ang mga mata ko sa katabi ko ay tumambad sakin ang basang mga pisngi nito.
"Anyare!?" curious na tanung ko.
"Kase naman ikaw ang drama mo CK!" sabi niya habang pinupunasan ang pumatak na luha sakanyang pisngi. Ang bilis naman nitong umiyak.
"Tse! Bilisan mo na nga jan may raket patayong pupuntahan remember!?"
"Ay oo nga pala!" dali-dali niyang isinubo ang nasa kutsara at sinarhan ang baunan at diretso inabot sakin para itago. Ang galing diba ako pa talaga ang mag tatago.
Mula sa pag kakaupo at hinila niya ako at nag tatakbo papuntang sakayan ng jeep.
Catherine Jane
Nakarating kami ni CK ng ligtas dun sa venue kung saan nakuha kami na mag waitress sa isang wedding event. Thankful kaming dalawa dahil para kahit panu ay meron kaming magagamit pang araw araw.
BINABASA MO ANG
Little Secret
Ficção Geral"We will help and promise to help each other wherever in the world we are. " There is a need for aloneness, which I don't think most people realize for an actor. It's almost having certain kinds of secrets for yourself that you'll let the whole worl...