Catherine Jane
My one and only. One and only YO-you. Bigla ako napatigil na pag birit ng may makitang pigura sa hallway papunta sa mga rooms ng hotel. Isang lalaking naka suot ng gray suit. Kasalukuyan papunta ako ng kitchen now para kumuha ng new set of drinks o para ipa-alam na malapit na maubos yung mga naka hain dun. Papalapit na ako dun sa lalaking naka gray suit para mag bigay ng tulong ng biglang..
"BAKIT MO IYON GINAWA! OF ALL THE PEOPLE!!!" Rinig kong mariing sabi ng isang lalaki.
"It was an accident, please believe in me." mangiyak ngiyak na paliwanag ng isang babaeng.
"ACCIDENT!? WALANG KALABAN LABAN YUNG TAO SAYO MARIE!!" bulyaw na naman ng lalaki.
"No, that's not true! Kung di lang mabilis ang reflex ko malamang ako ngayon ang nasa kalagayan niya ngayon. Louie, help me." pag mamaka-awa ng babae.
Alam kong mali ang makinig sa pag uusap ng ibang tao pero ayaw gumalaw ng mga paa ko sa kinatatayuan niya. Kaya naman itinago ko nalang yung katawan.
"I don't know, Marie. You know I don't tolerate wrong doing. Kahit na sabihing malaki ang magiging pakinabang ko na mamawala siya. Mali padin yun."
"Oh my may pinatay silang dalawa?" Nakarinig ako ng mga yabag na papalayo at kasabay nun ay ang pag hikbi at isang malakas na pag palo ng pader.
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong to sakin, Louie. Mag babayad ka pati na babaeng yun." sambit ng babae.
Nag antay muna akong maka alis ang babaeng yun. Mahirap na baka mag karoon pa ako ng death threats. Mahal ko pa buhay ko, nang maka sigurado ako na wala na sya ay nag madali akong pumunta ng kitchen at nadatnan ko na nag kakagulo ang tao dito.
"Bilisan nyo ang pag papakulo ng mga patatas na yan!" Ay wow! kung pwede ngalang na bumilis yung pag kulo ng tubig ay for sure kanina pa ginawa ni Kuyang Cute yun.
"Yung mga plato nasan na!?" Ay malamang nasa lalagyanan pa. Litanya ko sa utak ko sabay tingin dun sa lalaking nag sabi nun.
Nawindang ako sa mga taong nandito. Ang gulo nila di ko keri.
"Yung mga sibuyas at bawang na pinahiwa ko tapos naba?" Taong kay CK ng maka lapit ako.
"Yes Sir tapos na po" naka ngiting sagot ni CK.
"Hoy bakit ka nandito mamaya makita ka dito ni Sir Art malilintikan ka." ay wait parang linya ko lang sakanya yun kanina.
Nginitian ko lang sya sabay sabing "Okay lang sya naman ang pakay ko kaya nag punta ako dito e. Teka na saan na ba si Sup- este Sir Art?" Di ko na tinuloy ang pag sabi ng Super B baka kasi sermonan na naman ako ni CK wala daw akong respeto.
Itinuro niya sakin kung saan naka pwesto yung hinahanap ko. At agad naman akong nag punta sakanya.
"Sir Art!" tawag ko agad naman siyang lumingon.
"Catherine #2 bakit?" Taas kilay niyang tanung sakin. Tanggalin ko kaya ang natitira niyang mga buhok sa kilay. Mas magiging bagay kaya?
"Sasabihin ko lang po na malapit nang maubos yung mga drinks dun sa sta--"
"Sir Art nalintikan na yung kakanta hindi makakarating. " singit ng isang matangkad at chinitong lalaki. Pasalamat siya at cute siya kung hindi ay naka tikim na sya ng katarayan ko.
"What!?" iritang sambit nito. Nag make face nalang ng malungokt si kuyang chinito.
"Wala po tayong makukuhang kakanta ngayon ng agad agad." tarantang sambit ni Kuyang chinito.
BINABASA MO ANG
Little Secret
General Fiction"We will help and promise to help each other wherever in the world we are. " There is a need for aloneness, which I don't think most people realize for an actor. It's almost having certain kinds of secrets for yourself that you'll let the whole worl...