Catherine Jane
Nilapitan ko si Sir Art para sabihin yung pakay ko sakanya. Pero may sumingit na chinito which is Matt ang name. Nandun din na medyo nagulo ang utak ni Sir dahil dun sa singer na di makaka punta kaya naman bumuka yung mga labi ko at napasabi ng "Ay Sir Art may alam akong magaling, available na singer ngayon." Nung una nag doubt ako na baka mali yung gagawin ko na alala ko pa nga si CK pero wala e, ito yung gusto kong gawin nung mga oras na na rinig ko yung sinabi ni Matt na "Yung singer di makaka punta."
Dapat talaga ang i-sa-suggest ko ay si beybs CK kaso nga lang nung lingunin ko sya natuwa ako dahil may hawak syang sandok at nag s-stir. Nakita ko yung pag sparkle ng mata nya tapos yung smile nya priceless. Kaya ayun nasabi ko na "Sir Art, ako po pwedeng singer."
Binigyan nila ako tingin na nag sasabi na "weh!?". Feeling ko naman wala akong ka talent-talent sa tingin nilang yun.
*end
Pero okay lang yun kasi binigyan nila ako ng chance to prove them wrong. And I'll make sure to do that. Kahit na...
Kahit na alam kong lilihis na naman si CK sa gusto niyang gawin.
Naka tapos na akong mag bihis pero si CK ayun ang laki ng problema dahil sa formal attire na suot niya. Kaya naman sinamantala ko yung pag kakataon na lumabas.
"CK lalabas lang ako saglit. Pupuntahan ko lang si Sir Art." sabi ko sabay labas ng kwarto.
Pero di naman talaga si Sir Art ang pupuntahan ko kundi yung Chef na kausap ni CK kanina.
Pag pasok ay medyo messy pero di na katulad nung kanina. Agad na hinanap ng paningin ko yung Chef nang makita ko siya ay agad akong lumapit dito.
"Chef, sorry pero di po agad makaka balik agad si Catherine dito. Hinatak ko po kasi siyang kumanta dun sa labas dahil wala yung singer for this day." naka tungo kong paliwanag.
"That's okay, Art already told me." Nagulat ako sa sinabi niya. Pero thankful din ako na di magiging panget yung name ni CK.
"Thank you, Chef!" yayakapin ko sana siya sa sobrang saya kaso bigla kong na alala na si CK na mag isa dun sa kwarto."Thank you ulit Chef, aalis na ako." sambit ko sabay lakad ng mabilis.
Lakad takbo ang ginagaw ko para mabilis na maka rating dun sa kwarto kung saan nag papalit si CK sana naman tapos na siyang mag bihis para naman...
"Ahhhhrayyyy!" sigaw ko ng bila akong banggain. Natumba ako buti nalang talaga ako naka carpet yung sahig di ganun kasakit yung pag bagasak ko.
Inangat ko yung tingin kk para makita ko yung mukha ng hudas na bumangga sakin. Itim na sapatos, black slacks, white long sleeve at isang gray coat ang tumambad sa mukha ko pag angat ng mga tingin ko.
"Sorry Miss okay ka lang ba?" tarantang tanung niya. Mula sa pag kakatayo sa lumuhod sita para i-examine ako.
"Ahhh ehhhh hmmmm." lang ang lumalabas na tinig sakin.
"Miss, nako mukhang di ka okay. Dadalhin na kita sa infirmary, namumutla ka na." sambit nito.
Infirmary? Natauhan akong sabihin niyang iyon. Mas lalo ata akong namutla sa sinabi niyang iyon. Isang malaking NO NO sakin ang lugar na iyon kaya naman agad akong bumangon at nag tatatakbo papuntang kwarto kung nasaan si CK.
BINABASA MO ANG
Little Secret
Fiction générale"We will help and promise to help each other wherever in the world we are. " There is a need for aloneness, which I don't think most people realize for an actor. It's almost having certain kinds of secrets for yourself that you'll let the whole worl...