Humaharurot ang sinasakyang motorsiklo ni Tony. Hindi mo kababakasan ng takot kung magsumiksik sa gitna ng mga naggigitgitang mga sasakyan. Walang habas kung patakbuhin nito ang motor na sinasakyan na akala mo'y nakikipaghabulan kay kamatayan nang muntik itong mabunggo ng itim na sasakyan sa pagliko niya kung hindi lang sa mabilis na reflexes niya malamang ay tuluyan siyang nabunggo. Hindi man lang ito nag-abalang lumingon sa kotse at balewalang pinaharurot ang motor na sinasakyan.
" Shit!" pasigaw na sabi ni Andrei na sakay ng itim na sasakyan sabay tapak sa preno ng kotseng minamaneho. " sino ba ang gagong yun kala mo pag-aari nya ang daan!" inis na nito.
Malayo palang tanaw na may malaking kasiyahan na nagaganap sa lugar. Nababalutan ng ilaw ang paligid ng bakuran at halos mapuno narin ang mga gilid ng daan sa dami ng kotseng nakaparada. Nasa kalagitnaan na ng kasiyahan ng kaarawan ng pinsang si Rose ng dumating si Tony.
Lahat ay napako ang tingin sa pagbaba nya dahil sa lakas ng ingay ng motor nito. Ang mga babae ay curious kung sino ang dumating at hinihintay ang pagtanggal ng helmet na suot nito samantalang ang mga kalalakihan naman ay asar at nayayabangan dito. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin dito ang tikas ng tindig nito sa motor na MV-Augusta F4CC na pinabili niya pa sa ibang bansa na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon. Samantala masama ang tingin ng isang tao sa isang sulok na halos kadarating lang din ng oras na iyon, paano ba naman at siya ang muntik ng makabanggan sa daan ni Tony.
Andrei Cyrus De Ala. Isa sa kaibigan ng pinsang si Rose. Kilala dahil galing sa isang prominenteng pamilya. Nagmamanage ng isang business sa Makati, 30 taon gulang na ngunit hindi pa lumalagay sa tahimik, maraming nagsasabi na pihikan daw ito pag dating sa babae, suplado ngunit marami pa rin nahuhumaling na kababaihan dahil na rin sa taglay na kagwapuhan nito. May taas na 6'2", maputi, may broad shoulders na kaysarap hiligan, mga brasong may tamang umbok ng muscles dahil alaga sa gym, malagong kilay, may mga matang akala mo'y nababalutan ng misteryo dahil natatabingan ng malalagong pilik mata na binagayan ng matangos na ilong at manipis na labi.
" Mukhang may pahabol ka pang bisita Rose ah, sino ba yun at mukhang astig ah" saad ng isang bisita ni Rose.
" Ay naku ang pinsan kong matigas ang ulo, excuse me for awhile". Hinging paumanhin ni Rose sabay lapit sa pinsang dumating.
" Anu ka ba naman Tony at bakit yang motor na naman ang dala-dala mo? Nakipagkarera ka na naman ba sa daan? Hindi ka pa nadala nung last time na muntik-muntikan ka ng madale ng truck?" panenermon nito sa pinsan.
Nangingiti ito habang nagtatanggal ng helmet sa ulo na siya namang kinagulat ng mga taong nanduduon ng makita kung sino ang tao sa likod ng helmet na iyon.
Cyrille Antonette Monteverde. Kilala sa tawag na 'Tony'. 26 years old, bunso sa magkakapatid na sina Ulyses at David Monteverde. Sa edad na iyon ay hindi pa natututong umibig. Boyish kung kumilos dahil na rin sa laging kasa-kasama ay ang mga kapatid na lalake, ganun pa man ay bigay hilig lahat ng mga lalaking kapatid dahil na rin sa bunso at nagiisang babae ito sa pamilya. May pangmodelong taas na 5'8", na binagayan ng balingkinitan na katawan, tamang laki ng dibdib at may maliit na bewang na husto sa hubog ng balakang. Masasabi ngang pwede siyang ihanay at manalo sa mga naggagandahang kababaihan na sumasali sa mga Bikini open. May malalantik na pilik mata na binagay sa chinita nitong mata, tamang tangos ng ilong at mapupulang labi at may mahabang alon- alon na buhok. Ngunit wala siyang interes sa mga bagay na iyon, mas gugustuhin niya pang sumali sa mga car racing at makipaghabulan sa mga sasakyan sa daan.
" Sorry I'm late pasaway kasi yung gulong ng motor ko kung kelan malapit na dito saka pa na-flat buti nalang may nadaanan akong vulcanizing shop saka alam mo naman wala kong hilig sa mga social party" nangingiting wika nito.
BINABASA MO ANG
My Secret Love
RomanceNahalungkat lan sa USB ..try try gumawa ng stories..hehe..sana ok ang kalabasan..positive or negative comments ok lan po.. enjoy :)