Chapter 5

3 0 0
                                    

Pagkatapos mag-agahan ay nagpasya ang lahat na puntahan ang waterfalls na kinukwento nila Jonathan at Jessica. Nagdala ang lahat ng kani-kaniyang suot panligo. Excited ang mga kababaihan sa mga dala nilang two piece swimsuit. Nagkaayaan ang lahat ng babae na magbihis sa isang tent para tignan ang mga suot nila.Nang hinaltak ni Rina si Tony ay nagdahilan siya na hindi siya sasama pero nagpumilit din ang iba kaya napasunod nalang din siya. Nagbibihis na ang apat na babae samantalang nakamasid lang si Tony.

" Hey, sis tara na dito. Nasan na ba ang isusuot mo?" tanong ni Rina

" Actually, I didn't bring one. Hindi ko naman alam na may waterfalls pala dito. Saka hindi rin ako nagsusuot ng mga ganyan." Sabad nito sabay turo sa mga swimsuit na suot nila Rina

" Hay naku girl, kailangan sa ating mga babae magpasexy lagi pag nandiyan ang papalicious mo, para hindi ka ipagpapalit. Tama ba mga sister?" pabaklang saad ni Ysabel ang girlfriend ng makulit na si Marco

"Korak,  kaya dapat ikaw, magayos ayos ka at baka makakita ng iba ang papa Andrei mo sige ka." Pananakot naman ni Dianne girlfriend ni Jayson

" Sandali meron pa kong extra swimsuit dito, tingin ko pareho naman tayo ng built ng katawan." Wika ni Rina sabay halungkat sa loob ng dalang bag. Inilabas nito ang two piece white bikini na may green circle jade accesory sa gitna ng pangtaas at sa parehong tagiliran ng bikini.

" Kaya pala baliw na baliw sa iyo si Andrei pang beauty queen pala ang katawan mo eh." Natutuwang saad ni Rina habang inaayos ang string ng top ni Tony.

" Hindi naman. Saka hindi naman—"

" Hindi pa ba kayo tapos diyan, tara na!" sigaw ni Patrick sa mga babae. Kaya naudlot ang sasabihin sana ni Tony na hindi sila magkarelasyon ng binatang si Andrei

Nagpatong lang ng mga short ang mga kababaihan maliban kay Tony na sinuot parin ang denim short at black shirt para patungan ang swimsuit na suot. Paglabas ng mga ito sa tent ay sipulan agad ang mga kalalakihan.  Ang mga babae naman akala mo ay nasa fashion show at rumampa ng isa isa.  Kunot noo naman si Andrei ng makitang hindi nagbihis si Tony. Samantalang si Tony ay balewalang isinampay sa balikat ang tuwalyang dala-dala at nagpatiunang naglakad kasabay nila Dianne at Rina.

Habang nasa daan ay pasimpleng hinila ni Andrei si Tony sa karamihan.

" Galit ka ba?" bulong nito sa dalaga habang naglalakad sila

" Bakit naman ako magagalit, at bakit nga pala hindi ka umimik nung akalain nila na may relasyon tayo?"

"Bakit naman ako iimik dun kung ikaw nga hindi nagsalita."

" Wow! This place is great!." Tuwang saad nila Rina ng Makita ang talon. Manghang mangha sila sa paligid. Napakalinaw ng tubig. Parang inukit ang pinagbabagsakan ng tubig dahil bilog na bilog ang korte nito. Ang mga bato sa paligid nito ay tamang tamang upuan at may malaking puno ng acassia sa gilid na pwedeng silungan.

" This is so amazing!" saad pa ni Dianne.

"Let's go for a swim. Hon! Tara na!" anyaya ni Patrick sa kasintahang si Rina. Maya-maya pa ay sabay sabay na rin nagtanggal ng kani-kanilang panligo ang lahat. Si Tony naman ay bantulot kung huhubarin ba ang suot. Maya- maya pa ay tinawag na rin siya ng mga kasamahan dahil siya nalang ang hindi pa lumulusong.

" Hey! Tony, common! Show us what you got! Wuhuh!" sigaw ni Jessica

" Oo nga, huwag ka na mahiya diyan sexy ka naman noh, tara na!" sigaw naman ni Rina

Bantulot man ay hinubad narin niya ang suot na denim shot at tshirt. Sipulan ang lahat ng matanggal siya ng kasuotan. Si Andrei naman ay napanganga sa nakita.

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon