Halos hindi nakatulog si Tony magdamag kaya ganun nalang ang panlalalim ng mata niya kinabukasan. Mas nauna siyang nagising kay Andrei ng umagang iyon. Hindi na niya ginising ito dahil nahihiya at wala siyang mukhang maihaharap rito pag nagkataon.
Pagkagising ni Andrei at naramdamang wala na sa tabi ang dalaga at kaagad itong bumangon at hinanap iyon. Paglabas ng tent ay naabutan niya itong tumutulong sa mga kasamahang babae sa pagluluto. Pasimple niya itong nilapitan at binulungan.
" Bakit hindi mo ako ginising?" usal na pagtatanong
" Ang sarap kasi ng tulog mo, ayaw na kitang istorbohin." Mahinang usal din nito na halos hindi tumitingin sa kaniya.
" May problema ba?" tanong nito pagdaka nang mapansing hindi makatingin sa kaniya ang dalaga at pilit siyang iniiwasan
" Yes. A lot.. What happened last night is a—"
" Unforgettable for me." Putol nito sa sasabihin ng dalaga
" Hindi mo lang alam kung gaano kahalaga sa akin ang namagitan sa atin last night" madamdaming pahayag nito sa dalaga
" Hindi dapat nangyari yun. I'm Sorry." Nagmadali itong pumasok sa loob ng tent samantalang naiwang natitigilan si Andrei sa inakto ng dalaga.
Huling araw nila sa Bundok na iyon. Kung anong saya kahapon at kagabi ay siya na mang kabaligtaran ng araw na iyon. Tahimik lang sila Andrei at Tony habang nagkakatuwaan ang lahat. Pilit na umiiwas si Tony sa tuwing lalapit ang binata sa kaniya. Nang makababa na ng bundok ay nagsipaalaman na ang lahat. Nagkuhanan pa ng kani-kaniyang mga numero ang babae para magset ng 'for the girls' na lakad nila.
Binabagtas na nila Tony ang daan pauwi sa kanila ng muling magsalita si Andrei.
" Cyrille, kung ano mang namagitan sa atin sana hindi magbago o huwag mong idamay ang trabaho mo. Kung hindi mo ko kayang tanggapin sa kabila ng nangyari can we just be friends or civil to each other? Ayoko naman na magkasama tayo sa iisang opisina pero iiwas ka ng iiwas sa akin." Aniya sa dalaga
Tumango lang ang isa at tahimik na tumanaw sa labas ng bintana. Pagkarating sa bahay ay agad itong nagpaalam at nagmadaling pumasok. Napabuntung hininga na lang si Andrei sa ginawi ng dalaga. Akala niya ay mahuhulog na ng tuluyan ang loob ng isa nagkamali pala siya. Iyon ang kinatatakutan at ayaw niyang mangyari, ang iwasan siya ni Tony. Mas mabuti na ang lagi itong nakabulyaw sa kaniya kesa tahimik dahil hindi niya malaman ang nasasaloob nito. Hindi muna siya tumuloy sa pad niya, niliko niya ang sasakyan para pumunta sa isang bar na pagmamay-ari din niya. Mag-isa siyang uminom hanggang dapuin nalang ng antok.
Ang saya ng panaginip niya. Magkasama daw sila ni Tony sa talon na pinuntahan nila. Naghahabulan pa daw sila hanggang mahuli niya ito at ikinulong sa mga bisig niya. Nang akmang hahalikan daw niya ito ay bigla nalang itong kumalas sa mga braso niya at sumama sa ibang lalaki na hindi niya masino ang mukha. Napabalikwas nalang siya ng biglang tumunog ang cellphone niya at makita ang wallclock sa sa dingding.
11'oclock na. Ngayon lang siya nalate ng gising. Hindi niya narinig na nag-alarm ang phone niya. Nang itsek niya ang telepono ay saka niya naalala na nakalimutan niya pala itong ibalik sa set ng working days niya. Ini-off niya kasi ito ng magbakasyon siya. Balak niya pa sanang pumasok ngunit sobrang sakit ng ulo niya. Halos naubos niya pala ang isang bote ng alak na iniinom kagabi. Nagayos muna siya ng sarili bago lumabas ng opisina ng pinagmamay-arian niyang bar. Nagulat pa ang mga staff na naduduon ng makita siyang lumbas. Kinausap niya lang sandali ang ilang staff bago umuwi.
Pagkadating sa bahay ay dumiretso agad siya sa loob ng banyo. Pagkatapat sa dutsa ng shower ay saka lang medyo guminhawa ang pakiramdam niya. Ilang oras din siyang nagbabad bago napagpasyahang magbihis. Pagkabihis ay saka siya muling natulog. Nasa kasarapan na siya ng tulog ng magring ang telepono niya.
BINABASA MO ANG
My Secret Love
RomanceNahalungkat lan sa USB ..try try gumawa ng stories..hehe..sana ok ang kalabasan..positive or negative comments ok lan po.. enjoy :)