Chapter 2

2 0 0
                                    

" In the night I hear the coldest story ever told somewhere far across the road he lost his soul to a woman so heartless, How could you be so heartless?!"

Nagising siya sa sunod-sunod na tunog ng ringtone niya. Isa sa kaibigan niya ang nagbigay ng ringtone na iyon sa kaniya dahil bagay daw sa kaniya ang kanta na iyon. Manhid daw kasi siya at pusong bato pagdating sa opposite sex.

" Shit! Late na ko!." Nagmadali itong maligo at nagbihis. Humahangos siyang bumaba sa hagdan ng maabutan niya ang Mommy at Daddy niya sa kumedor.

" O hija, kumain ka muna bago ka pumasok." Anyaya ng matanda

" Hindi na Mom, late na late na ko. Nakalimutan ko kasing ialarm ang phone ko, first day ko pa naman sa trabaho. patay ako kay kuya David kapag nalaman niya. Sige po I'll go ahead na, see you later!" paalam niya. Humalik muna siya sa magulang bago nagmamadaling umalis.

" Sana lagi siyang ganyan na nagmamadali dahil sa trabaho hindi dahil tinawag ng mga kabarkada niya para makipagkarera." Sambit ng matandang babae

" Hi, Good morning, I'm looking for Mr. Andrei De Ala." Nagmamadaling tanong niya sa babaeng nabungaran sa opisina na iyon.

" You must be Ms. Cyrille Antonette Monteverde? I'm Michelle. Secretary of Sir Andrei." Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay.

Kimi naman siyang nakipagkamay at tipid na ngumiti. Hiyang hiya kasi siya dahil first day palang ng trabaho niya late na agad siya.

" Sir, Ms. Cyrille is here." Bungad ng sekretarya bago siya inayang pumasok sa loob.

" Thanks Michelle, you can leave us now." Walang ngiting sagot nito

" Ok sir." Saad nito bago tuluyang umalis

" So, how will we start?.. It seems your not really interested to work here since it is your first day and you come here at 11am." Saad nito. Sumulyap muna ito sa relong nakasabit sa dingding bago humarap sa nakaupong dalaga

" I'm sorry. I didn't intend to be late it just that I forgot to alarm my phone—...". Hindi na niya nakuha pang tapusin ang sasabihin ng magsalita ulit ang binata.

" Don't give me a petty reasons! You will work here as my secretary so you 'should' and 'must' be here 30 minutes before your time. Do I make it clear?" seryosong saad nito

" Yes" mahinang usal niya.

" What?" tanong pagdaka ng binata.

" Yes Boss!" inis na sagot niya dito

" Good, Call Michelle so we can discuss what are the things you need to do and all the responsibilities that she will handover to you." utos nito

" Makapagutos itong tsonggong eto may araw ka rin kala mo! Hmmp!"

Pagkatapos nilang magusap na tatlo ay inaya na siya ni Michelle na maglunch. Napansin siguro nito na namumutla na siya sa gutom. Hindi na kasi siya nakakain sa bahay sa kamamadali at nahihilo na rin siya sa dami ng explanation na sinasabi nito about sa trabaho niya. Ano ang dapat at hindi dapat gawin, ano ang gusto at ayaw ng Boss niyang impakto at marami pa.

" Hay! Ganon ba kasungit ang amo mo? Buti nakakatagal ka dun" tanong nito sa kasama habang ngumunguya.

" Mabait naman si Sir Andrei, makulit nga minsan yan. Seryoso lang talaga siya pagdating sa trabaho. Ayaw na ayaw niya yung nalalate at ayaw niya rin sa magaganda. Ewan nga buti nakapasok ka dito, pag nakita palang niya sa resume na maganda ang aplikante bagsak agad." Mahabang kwento nito

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon