Chapter 7.1 (Flashback)

2 0 0
                                    

" Oi, bata! Anu yang hinihipan mo dyan?" saad ng anim na taong si Tony nang makita na may binibilot na kung ano sa maliit na straw ang batang nasa daan.

" Plastic balloon, nabili ko dun sa may kanto" walang anumang saad ng batang si Buknoy

" Plastic balloon?" maang na tanong ng batang si Tony. Ganun nalang ang pangigilalas niya ng makita na lumobo ito pagkaihip ni Buknoy. Maya maya pa ng medyo malaki na ay tinanggal niya ang straw ay hinihip sa pamamagitan ng mumunting bibig nito.

" Ay ang galing naman, ako din pwede pahingi?" tuwang tanong pagdaka nito

" sige, palakihan tayo ng magagawa kung sino ang mas maliit o yung unang puputok siya ang bibili bukas."

" Oo bah, yun lang pala eh. Magaling ako diyan"  pagmamayabang ni Tony sa batang si Buknoy

"Okay, 1...2...3... " at sabay na umihip ang dalawa  pagalinggan ng ihip pero syempre dahil unang beses palang naitry ni Tony yun ay siya ang natalo.

" Wohooo! Paano ba yan, panalo ako. So, bukas ikaw ang taya ha?" saad ni Buknoy

" Oo bah, ano nga pala ang name mo?" tanong ni Tony

" Tawag nila sa akin buknoy"

" Ay, ang cute! Bagay sayo name mo, tabachingching ka kasi" gigil na saad ni Tony sabay pisil sa pisngi ng isa.

" Aray! Makapisil ka naman parang walang bukas" reklamo ni Buknoy sabay hawak sa namumulang pisngi

" Buknoy...Hmmm! Para bagay name natin tawagin mo nalang akong..." sandaling nagisip ito " Tonyang!" tuwang bulalas niya

" Ang baho naman ng pangalan mo!" pangaasar ni Buknoy

" Kung mabaho ang name ko it means mabaho din sayo kasi ibinagay ko lang naman yung name ko sayo noh!" natatawang sagot niya sabay belat

 

" Tony!!!..." sabay na sigaw ni David at Ulyses ng makitang nawawala na naman sa bakuran nila ang kapatid na bunsong babae. " Saan naman kaya lumusot ang pasaway na yun, mapapagalitan na naman tayo nila Mommy nito pag nalaman nilang lumabas na naman magisa yun" inis na saad ni David.

" O, paano ba yan bukas nalang ulet ha, same place same time! Ba-bye!" paalam nito at nagkukumahog na tumakbo ng marinig ang pagsigaw ng mga kuya niya.

Simula nga nuon ay lagi silang nagkikita tuwing hapon. Dalawang taon din silang naging magkaibigan pero never niya naaya ito sa bahay nila at ganun din ang isa. Di rin niya naitanong kung saan ito nakatira, Masaya na sila sa mumunting laro nila. Natigil lang ito ng magpaalam na lilipat na sila Buknoy ng tirahan after nun ay wala na silang naging communication na dalawa.

 

Highschool naman na siya ng makatanggap siya ng mga cards at roses sa di kilalang tao. Tuwina nalang na tinatanong niya ang yaya niya kung sino ang nagbigay ay walang maibigay na impormasyon ito. Lagi nalang may nagdedeliver ng bulaklak sa kanila every end of the month. Na nasasaktuhan naman na laging wala siya duon tuwing may magdadala nito. Nahinto lang ang pagpapadala nito after ng debut niya.

Nabanggit din ng yaya niya na may kaibigan ang mga kuya niya na nagpupunta sa bahay nila na super gwapo kuno sabi ng yaya niya, pero never pa niya nameet dahil lagi siyang nasa galaan.

" Hay naku bro, late ka na namang dumating hindi mo na naman naabutan ang bunso namin, kakaalis na kakaalis lang" saad ni David na bente anyos ng mga panahon na un.

" Oo nga, paano ka naming ilalakad niyan sa kaniya kung lagi naman kayong di mapangabot " wika naman ni Ulyses na na disyenuebe naman na kaedad ng binata.

" Ok lang, mas maganda nga na huwag na muna niya ko makilala, masyado pa siyang bata, mas magandang magenjoy muna siya at magfocus sa pagaaral niya, saka gusto ko syempre pag personal ko siyang niligawan yung pwede niya kong ipagmalaki at kaya ko ng ibigay sa kaniya lahat" mahabang litanya ng binata

" Kaya bilib kami ni Kuya David sayo eh, malay mo dalawang taon ka na ring nanliligaw ng pasikreto at hindi ka pa rin nagsasawa na magpadala ng bulaklak buwan buwan" humahangang saad ni Ulyses

" Pahingi nalang ulit ng bagong picture niya" ngisi ngising wika ng binata

" Na naman!? Baka naman mapuno na ng litrato yung buong kwarto mo..ano ba ginagawa mo sa picture niya? Loko ka baka pinagpapantasyahan mo yung mga yun gabi- gabi ha!?" marahas na saad ni David

" Hindi noh! Kilala niyo naman ko bro, malinis intensyon ko sa kapatid niyo nuon pa" pabiglang sagot niya

" Sabagay, malaki tiwala namin sayo... Oo nga pala, eighteenth birthday na ng prinsesa namin next year, aattend ka ha?! Hindi pwedeng hindi...(sandaling nagisip) hmmm. Duon ka nalang kaya magpakilala sa kaniya sa mismong debut niya" saad ni Ulyses

" Syempre pupunta ako, pero huwag niyong ilagay yung pangalan ko sa invitation letter ha, basta darating yung time na ako mismo ang lalapit sa kaniya"

"Sabagay hindi ka talaga makikilala nun ang laki na ng pinagbago mo at saka alam ko costume theme ang gusto niya sa debut niya, gusto daw niyang maging si Zorro, pasaway mukhang matutuluyan na atang maging lalaki yun" tumatawang saad ni David

Dumating ang kaarawan ni Tony. Lahat ay abalang- abala sa paghahanda sa malaking bakuran nila. Samantalang si Tony ay inis na inis dahil hindi nasunod ang gusto sana niyang isuot na Zorro costume, mas nasunod parin ang ina niya na ang pinili ay Sabrina type na Princess gown. Inis man ay walang nagawa ito.

Lahat ay napako ang tingin sa kaniya ng bumaba siya mula sa hagdan.Tumatama ang kislap ng mumunting brilyante ng gown na suot ni Tony sa mukha niya kapag nafofocus ang spotlight. Dumating ang Eighteen dance na pinangunahan ng Daddy niya. Kasunod ang iba pang kalalakihan na bisita ng araw na iyon. Last dance ang Kuya Ulyses nito dahil wala pa naman itong nobyo ng mga oras na iyon. Ika seventeenth na sayaw siya.When someone walks towards in her direction, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Natatakpan ng maskara ang mukha ng binatang kasayaw niya kaya hindi niya maaninag kung kakilala niya ba ang binata pero sure siya na guwapo ito dahil na rin sa matikas na tindig nito. Napakalamlam ng mata nito. All of a sudden her heart beats fast. She was captivated by the way he looks at her. " Hindi ko man nasuot ang gusto kong costume ok na rin kasayaw ko naman ang lalaking to na nakasuot ng costume na gusto ko, pwede! Hihihi!" malanding saad ng isip niya.

Hindi niya namalayan na tapos na ang turn ng sayaw nila kung hindi pa sumingit ang kuya Ulyses niya. Ni hindi man lang niya naitanong kung sino at ano ang pangalan nito. Hindi rin naman niya maitanong sa kuya Ulyses niya ang tungkol sa binata dahil siguradong tutksuhin agad siya nito at malamang ibroadcast pa sa mga bisita ang tungkol dito. Nakita nalang niya ang maskara na naiwan sa sala nila. After that night hindi niya na nakita at nakilala pa ang binata sa likod ng maskara. Itinanim din niya sa sarili niya that she will only fall for the guy behind that mask. How she will find him? She doesn't know... Maybe faith will across to their path.

END OF FLASH BACK.

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon