CHAPTER 01

7 2 0
                                    

Mariella's POV

"ano ba Nixon?! Sabing ayuko na! Sawang sawa nako sa pag uugali mong yan! Staka akala ko ba ititigil mo na yang pangbababae mo?!" Sigaw ko sa kanya.

Tahimik lang syang nakatingin sakin, akala ko wala na syang gagawin pero nagulat ako nang bigla syang tumawa.

"b-bakit ka tumawa? Anong nakakatuwa?!" nabulol kong sabi.

Parang kanina lang ay lumuhod pa ito at nagmakaawa sakin na wag ko itong iwan. Alam ko naman na nag drugs si Nixon dahil may mga maririnig ako sa mga marites dito sa amin pero hindi ko naman pinansin ang mga iyon. Hindi ko i'nexpect na ganito ang magiging tama ng droga sa kanya. Para syang baliw na tumatawa sa harapan ko. Kase baliw na nga talaga.

Nanginginig na ang tuhod ko dahil sa takot, dahil naging madilim ang pagtingin nito sa akin na para bang gusto akong sakmain.

"Tanginamo Ella, ilang buwan na tayo pero ayaw mo pa rin na tikman kita! Nakakasawa na maghintay Ella!" Sabi niya ng may nakakalukong ngiti.

Ganun lang pala sa kanya yun? Mahal nya daw ako pero nakakasawa daw ako kaya ganun? Kaya ba siya nambabae dahil dun? Hindi naman pagmamahal yun. Gago pala to.

Hahawakan nya sana ako pero winaksi ko yun at lumayo sa kanya. Ayukong lumapit sa kanya dahil natatakot ako.

"Tanginamo din Nixon! Kung alam ko lang na iyan lang pala ang habol mo sa akin ay sana hindi nalang kita sinagot!" sigaw ko sa kanya, nagiging malabo na ang paningin ko dahil sa namumuong luha.

"Mabuti nga at maghiwalay na tayo. Sawang sawa nako sa pagmumukha mo" sabi nya na medyo ikinabigla ko. Sasaktan ko lang ang sarili ko kapag nanatili pa ako sa kanya.

"Pakyu ka" Sabi ko. Sinipa ko ang pinaka mamahal niyang parte bago ako tumalikod sa kanya at umalis sa lugar na yun.

Nasa kwarto lang ako buong maghapon at natutulog, mensan naman ay umiiyak ng dahil sa nangyari kahapon. Pero naisip ko rin na hindi siya dapat iyakan dahil una sa lahat ay hindi siya worth it iyakan at pangalawa naman ay nagustuhan ko lang naman siya kase tinutukso ako sa kanya sa tindahan ni Aleng Mimay kaya napilitan din ako e.

"Hoy gaga okay ka lang?" Si Joshua. Isa pa to e, Joshua Garcia ang itsura pero mas babae pa gumalaw kesa sakin. Jessa daw siya.

"Gago hiwalay na raw sila ni Nixon" natatawang sagot ni June sa kanya. Itong Hunyo na ito, palagi talaga itong updated sa mga nangyayari sa paligid e.

"Ay mabuti nga at wala na sila e, wala ng hihingi ng pera diyan" Natatawang sabi ni Joshua.

Nasa school cafeteria kami ngayon dahil lunch break na. Matagal na kaming magkaibigan ng mga ito, trio kung baga. Simula pa ata sanggol ako ay sila na kasama ko e. Blessing talaga ni Papa God na biniyayaan ako ng kaibigan na katulad nilang dalawa. Silang dalawa lang ang nakakaalam ng makulit kung ugali dahil ang alam ng iba ay napaka tahimik ko.

"okay lang ako boysit kayo" sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Lab na lab ka pa man din namin tapos malalaman namin na dun ka lang sa adik na yun napunta" sabi ni June. Tumawa lang ako sa sinabi niya dahil para nanaman siyang bulkan na sasabog.

"Hay naku mabuti pa at kumain nalang tayo" Joshua. Napatango nalang ako.

"Ay oo nga pala, pupunta kaming Mixx mamaya sama ka? daming pogi dun ate ko baka makahanap ka ng kapalit ni Nixon" sabi ni Joshua.

"Naku Josh parang malabo yan, baka hindi ako payagan ni Mama e" sabi ko sa.

"Ate ko, ako magpapaalam sayo kay Tita, alam kong hindi kaya ni Tita na pumahindi sa ganda ko na ito" sabi ni June habang nakaakbay sa akin.

"Sige na nga, basta kapag hindi pumayag wag mo na kulitin ah" sabi ko.

Bigla niya naman akong niyakap at nagtitili. Kaya napatingin sa amin ang ibang estudyante na kumakain.

Itinuloy namin ang pagkain dahil maya maya ay babalik na kami sa room namin. Nasa 3rd year college na ako at kinuha ko ang kursong engineering dahil ito yung pangarap ni Mama na hindi niya natupad dahil nabuo ako, pero kahit ganun ang nangyari ay pinalaki ako ni Mama ng puno ng pagmamahal. Gusto ko rin ang nakuhang kurso baka nasa aming dugo na talaga ang Engineering dahil pati ang mga kapatid ni Mama ay ganun din ang trabaho.

Nang matapos kami ay bumalik na kami sa room dahil ayaw na ayaw kong nalalate ako sa klase at isa pa ang susunod namin na subject ay apaka strikto ng teacher. Matanda na kase at panot na din.

Pagpasok palang namin sa room ay marami na ang nagbubulongan at alam ko na ako nanaman ang topic nila dahil nga sa adik ko na nobyo.

"Sugar mommy pala to ng adik e"

"Dba adik si Nixon? Sayang naman itong si Ysa"

"Kung ako kay Ysa ay hindi ko na pinatulan yun"

Yan ang mga naririnig ko dati sa kanila pero parang iba ngayon dahil alam kong alam na nilang lahat ang paghihiwalay namin.

"Uy Ysa! Gusto ka daw ligawan ni Oses!" sigaw ng isa kong kaklase.

"Ysa ako nalang! Tagal ko ng hinihintay ka e!" Sabi naman ng isa.

"Gago manahimik kayo! Alam niyong broken pa yan" sigaw ni Joshua sa kanila.

"Manahimik ka bakla!" sigaw ng isa ko pang kaklase kaya nagtawanan kaming magkakaklase.

Dumating na ang Prof. kaya bigla kaming nanahimik bigla. Alam namin na mainit nanaman ang ulo nito kaya nanahimik nalang kaming nakinig sa kanya. Sana matapos na kaagad dahil gusto ko ng umuwi at humiga sa kama.

______________________________________

07/15/22

2022 pa when I wrote this, grabe. 2024 na ulit ng makabalik dito.

The Story Of Us Where stories live. Discover now