CHAPTER 11

9 2 0
                                    

𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 ko ma-explain ang kaba na nasa dibdib ko nang mga sandaling iyon. Kasalukuyan kaming nasa backstage kasama ang iba pang mga contestant na kagaya namin ni Sevi ay nakasuot ng casual wear. Iyon ang unang exposure para sa contest ngayon gabi. Nakita siguro ni Sevi ang discomfort na mukha ko kaya hinawakan niya ang isang kamay ko at marahan iyon pinisil. "𝘙𝘦𝘭𝘢𝘹. 𝘓𝘦𝘵'𝘴 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘦𝘯𝘫𝘰𝘺 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵," bulong niya sa kabilang tainga ko.

Mayamaya pa ay muling pumasok sa loob ng backstage ang isang binabaeng teacher at sinbihan kaming magsisimula na ang pageant sa loob ng tatlong minuto. Naghiwalay na kami ni Sevi dahil magkaibang entrance ang papasukan ng male and female constestants. Panlimang pares kami ni Sevi na umakyat sa stage. Ramdam ko ang panginginig ng legs ko habang rumarampa sa harap ng maraming estudyante at mga guro. "𝘎𝘰𝘰𝘥 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘪𝘯𝘨, 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘰𝘯𝘦. 𝘔𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘦 𝘪𝘴 𝘌𝘭𝘳𝘪𝘴 𝘒𝘦𝘪𝘴𝘩𝘢..." Tumingin ako sa partner ko at siya naman ang nagsalita . "𝘎𝘰𝘰𝘥 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘪𝘯𝘨, 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘰𝘯𝘦. 𝘔𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘦 𝘪𝘴 𝘚𝘦𝘷𝘪𝘳𝘰𝘶𝘴 𝘡𝘢𝘯𝘦..." Natigilan ang mga babae at mga binabaeng delegate, lalo na nag ngumiti si Sevi sa mga tinamaan ng lintik. Pumatay naman kasi talaga ang smile ng loko.

"𝘈𝘯𝘥 𝘸𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘶𝘥 𝘵𝘰 𝘳𝘦𝘱𝘳𝘦𝘴𝘦𝘯𝘵... 𝘋𝘪𝘴𝘵𝘳𝘪𝘤𝘵 𝘍𝘪𝘷𝘦!" duet naming dalawa at pagkatapos ay muling rumampa pabalik sa backstage. Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay nasa backstage na kami ni Sevi. Napahawak pa ako sa balikat niya nang lumapit siya sa akin habang habol ko ang paghinga. Pagtingin ko kay Sevi ay sabay pa kaming natawa. "𝘐 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘬 𝘸𝘦 𝘥𝘪𝘥 𝘨𝘳𝘦𝘢𝘵," bulong niya sa tapat ng mukha ko, sapat para maamoy ko ang mabango niyang hininga.

"𝘐 𝘨𝘶𝘦𝘴𝘴 𝘴𝘰," pasang-ayon ko bago siya hinila papunta sa puwesto namin para magpalit ng damit na isusuot namin para sa talent portion. Si Ashley ang nag-assist sa sakin habang si Sevi naman ay tinutulungan ng isa niyang schoolmate. Actually, nagprisintta si Caitlin na mag-assist kay Sevi pero ang binata na mismo ang tumanggi dahil mas gusto raw niya na lalaki ang mag-assist sa kanya sa pagbihis. At siyempre, happy ako roon. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang talent portion. May kumanta, may nag-monologue at isang lalaking contestant na nagpakita ng galing sa pag-play ng drums habang nakapiring ang mga mata. Almost perfect na nasa ang talent na iyon kung hindi lang niya nabitawan ang isang drumstick at muntik nang tumama sa isa sa mga hurado.

Nang tawagin ang number namin ni Sevi, sabay kaming pumuwesto sa magkabilang gilid ng stage. Kami lang sa sampung pares ng mga kandidato ang sabay na magpe-perform ng talent. Namatay ang mga ilaw sa stage at napalitan iyon ng dalawang spotlights. Nang tumugtog ang kantang "𝘓𝘰𝘷𝘦 𝘔𝘦 𝘓𝘪𝘬𝘦 𝘠𝘰𝘶 𝘋𝘰" ay nagsimula na kaming kumilos ni Sevi. Noong una ay kanya-kanyang steps kaming dalawa. Naroong hahabulin niya ako pero lalayo naman ako sa kanya habang kumukupas ang mga kamay ko sa saliw ng musika. Pero pagsapit ng bandang gitna ng tugtog ay nagtagpo kami ni Sevi sa gitna ng stage.

Hinapit niya ako sa baywang habang ang isang kamay ko ay marahang humahaplos sa maamo niyang mukha. Unti-unting tumaas ang isang kamay ni Sevi papunta sa mukha ko, hanggang sa sabay nang umiindayog ang mga katawan namin. Ang ending ng sayaw namin ay itinaas ako ni Sevi sa ere at pumulupot ang mga binti ko sa baywang niya habang niya magkalapat ng mga noo namin, pagkatapos ay unti-unting namamatay ang ilaw sa stage. Bago pa man ako bitawan ni Sevi ay naramdaman kong mabilis niya akong hinalikan sa labi. Nagulat ako at talagang nanghina sa ginawa niya! Pero kahit ganoon ay nagawa ko pa ring ihakbang ang mga paa pabalik sa backstage. Mabuti nalang at madilim kaya sa palagay ko ay walang nakakita sa ginawa niya.

My Hopeless Love, Elris (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon