CHAPTER 17

6 2 0
                                    

𝐍𝐀𝐍𝐆 sumapit ang hatinggabi ay opisyal ko nang tinaggap na hindi makakarating si Sevi. Sumakit na lang ang leeg ko sa kakadungaw sa bintana pero ni anino ni Sevi ay hindi nagpakita. Nakatulog na si Nanay at lumamig na ang pagkaing inihanda namin. Kanina ko pa sinusubukang tawagan ang cell phone ni Sevi pero hindi ko iyon ma-contact. For the first time ay hindi siya nag-text sa loob ng isang buong araw. Masama ang loob na natulog ako. Kinabukasan ay bisita ko si Ashley. May dala siyang regalo at cake. "𝘉𝘦𝘴, 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘬𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨?" tanong niya, napansin yata ang pananamlay ko.

Pinilit kong ngumiti pero kahit ako, alam kong hindi umabot sa mga mata ang ngiting iyon. Of course I was not okay. "𝘉𝘦𝘴, 𝘮𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢'𝘺𝘰..." Awtomatikong napatingin ako kay Ashley. Para kasing may kakaiba sa boses niya. "𝘈𝘯𝘰 '𝘺𝘰𝘯, 𝘈𝘴𝘩?" "𝘉𝘦𝘴, 𝘴𝘪 𝘚𝘦𝘷𝘪 𝘬𝘢𝘴𝘪..." "𝘈𝘯𝘰'𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘬𝘢𝘺 𝘚𝘦𝘷𝘪?" "𝘕𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘣𝘪 𝘴𝘢 𝘗𝘪𝘯𝘬 𝘙𝘰𝘤𝘬 𝘢𝘵... 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘬𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦. 𝘚𝘪 𝘊𝘢𝘪𝘵𝘭𝘪𝘯. 𝘛𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘮𝘰?" Mabilis na binalikan ko sa isip kung sino ang Caitlin na itinukoy ni Ashley. At hindi naman ako nabigo dahil naalala ko kung sino si Caitlin. Siya ang kaklase ni Sevi na laging masama ang tingin sa akin noong WSSPC.

"𝘚𝘶𝘳𝘦 𝘬𝘢 𝘣𝘢 𝘴𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰, 𝘣𝘦𝘴?" Tumango si Ashley at may ipinakita sa akin na video mula sa cell phone niya. Medyo madilim ang kuha ng camera pero tindig at suot na T-shirt ay nakilala ko ang taong kinukuhanan ng video. Si Sevi nga iyon. At huling-huli sa video na may kahalikan siyang babae na sa porma ay mukhang si Caitlin nga. Kaagad na namuo ang luha sa mga mata ko. Bago pa iyon tuluyang tumulo ay nayakap na ako ni Ashley. Today, I just had my first heartbreak. Valentine's Day pa naman sa makalawa! Madamag ko iyong iniyakan. Kinabukasan, Lunes, hindi ako nagpakita kay Sevi. Maaga akong umuwi mula sa school at hindi ko na siya hinintay.

Kinagabihan ay pumunta siya sa bahay pero ni hindi ako sumilip para makita siya. Galit na galit ako sa kanya. Pero kinabukasan ay hindi na ako nakapagtago. Pumunta kasi siya sa school namin. Nagulat pa nga ako nang makita siyang nakatayo sa harap ng classroom namin. May bitbit siya na flowers at chocolates. Eksakto namang kadi-dismiss lang sa klase namin. "𝘌𝘭, 𝘪𝘯𝘪𝘪𝘸𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰?" agad na tanong ni Sevi nang lumabas ako ng classroom. Binalingan ko si Ashley na nasa tabi ko. "𝘚𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰, 𝘣𝘦𝘴." Wala na kaming pasok dahil may Valentine's Day program sa school. Nang masiguro kong wala na ang kaklase ko ay saka ko lang kinausap ang boyfriend kong taksil. Soon-to-be ex.

"𝘐𝘵𝘪𝘨𝘪𝘭 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 '𝘵𝘰, 𝘚𝘦𝘷𝘪." Nakita ko ang pagrehistro ng kalituhan sa guwapo niyang mukha. "𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘢𝘭𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵?" "𝘈𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰, 𝘚𝘦𝘷𝘪, 𝘵𝘪𝘨𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘰𝘳 𝘲𝘶𝘦 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘭𝘰𝘭𝘰𝘬𝘰 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰." Doon na siya tuluyang lumapit sa akin. "𝘏𝘦𝘺, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘯𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪𝘩𝘢𝘯. 𝘈𝘵 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘵 𝘯𝘨 𝘶𝘭𝘰 𝘮𝘰? Sinubukan niya akong halikan sa pisngi pero mabilis ako umiwas. "𝘕𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘢 𝘯𝘪 𝘈𝘴𝘩𝘭𝘦𝘺 𝘬𝘢𝘨𝘢𝘣𝘪 𝘴𝘢 𝘗𝘪𝘯𝘬 𝘙𝘰𝘤𝘬." "𝘠𝘦𝘴, 𝘐 𝘸𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦. 𝘒𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘯𝘢 𝘔𝘰𝘮𝘮𝘺 𝘢𝘵 𝘋𝘢𝘥𝘥𝘺. 𝘜𝘮-𝘢𝘵𝘵𝘦𝘯𝘥 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘳𝘩𝘵𝘥𝘢𝘺 𝘯𝘪 𝘊𝘢𝘪𝘵𝘭𝘪𝘯. 𝘒𝘢𝘨𝘢𝘣𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘶𝘸𝘪 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘨-𝘦𝘹𝘵𝘦𝘯𝘥 𝘱𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘰𝘯𝘦 𝘥𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘳𝘦𝘴𝘰𝘳𝘵. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘢-𝘵𝘦𝘹𝘵 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘩𝘰𝘯𝘦 𝘬𝘰. 𝘗𝘢𝘴𝘦𝘯𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘬𝘢 𝘯𝘢." Nag-angat ako ng tingin at nakipagtitigan sa kanya.

My Hopeless Love, Elris (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon