CHAPTER 13

6 2 0
                                    

𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 ko masabi kung para kanino talaga ang inis na nasa dibdib ko nang mga sandaling iyon. Kung para ba kay Elris o para sa sarili ko. Kung tutuusin, wala naman silang ginagawa ng lalaking katabi niya sa kubo----iyong Zach. Lalong wala rin akong karapatan na magselos dahil wala namang namamagitan sa amin ni Elris. Yes, we shared some moments together, nanakawan ko rin siya ng halik, pero iyon lang iyon.Noong una, akala ko ay natutuwa at nagagandahan lang ako kay Elris. Pero habang tumatagal at nakikilala ko siya, lalong lumalalim ang damdamin na hindi ko alam na puwede ko palang maramdaman.

"𝘚𝘦𝘷𝘪, 𝘢𝘯𝘰 𝘣𝘢? 𝘕𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘨𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘩𝘢𝘣𝘰𝘭 𝘴𝘢 '𝘺𝘰, 𝘩𝘢!" narinig kong reklamo ni Elris na nakasunod pa rin sa likuran ko. Mabilis na huminto ako sa paglalakad at naramdaman ko na lang na bumunggo siya sa likod ko. "𝘖𝘶𝘤𝘩," daing niya. Hindi siguro siya tumitingin sa unahan kaya hindi niya namalayang huminto na ako. Humarap ako sa kanya at nakita kong hinihimas niya ang noo. "𝘚𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘬𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘣𝘶𝘭𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰?" masungit na tanong ko habang pinagmasdan siya. "𝘈𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘰𝘬𝘢𝘺?" Hinawakan ko ang kamay niya na humahaplos sa kanyang noo at itinapat ang bibig ko sa noo niya, saka kinintalan iyon ng mumunting halik. Mukhang nagulat si Elris pero hindi naman nagreklamo sa ginawa ko. "𝘖-𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘪𝘬𝘢𝘸, 𝘮𝘶𝘬𝘩𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢 𝘰𝘬𝘢𝘺. 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪' 𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘮𝘰? 𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪 𝘡𝘢𝘤𝘩. 𝘕𝘢𝘬𝘢𝘶𝘱𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘵----"

Hindi ko na siya pinatapos at pagsasalita dahil mabilis na sinakop ng bibig ko ng mga labi niya. Dampi lang iyon at ilang segundo lang dahil baka may ibang estudyante makakakita sa amin. Nang maghiwalay ang mga labi namin, nakita kong napatulala si Elris at wala sa sariling napahawak sa mga labi. "𝘐'𝘮 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺," sabi ko. Pero ang totoo, hindi ako nagsisisi na hinalikan ko siya sa ikalawang pagkakataon. Katulad kagabi, wala akong makapang pagsisisi na ninakawan ko uli siya ng halik sa mga labi. Kung mabibigyan nga uli ako ng isa pang pagkakataon ay hahalikan ko uli siya... nang paulit-ulit. Hinawakan ko ang isang kamay ni Elris at hinila ko na siya palayo sa lugay na iyon. Tapos na ang contest naming dalawa kaya puwede na kaming gumala. Walang imik na nagpatianod lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa burger house na nasa tapat naman ng school na tinutuluyan namin. Um-order ako ng tatlong burgers---dalawa para sa akin at isa kay Elris dahil alam ko na nakakain na siya ng banana cue kanina at dalawang Sprite sakto tig-isa kami.

Nang dumating ang order namin at tahimik akong kumain; si Elris naman ay uminom lang ng soft drink. Pagkatapos kong naubos ang unang burger ay humarap ako sa kanya at saka siya tinanong, "𝘎𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘬𝘢?" Funny dahil kanina lang ay iba ang sitwasyon: ako ang tinatanong niya kung ano ang ikinagagalit ko. Pero ngayon, ako naman ang nagtatanong sa kanya kung galit siya dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya. "𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘵. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘶𝘨𝘶𝘭𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰, 𝘚𝘦𝘷𝘪. 𝘔𝘢𝘨-𝘢𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰? 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘢, '𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢-𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘬?"

Umisod ako palapit sa kanya at inipit sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha. "𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘵. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘶𝘨𝘶𝘭𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰, 𝘚𝘦𝘷𝘪. 𝘔𝘢𝘨-𝘢𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰? 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘢, '𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢-𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘬?" sabi ko. "𝘕𝘢𝘨𝘴𝘪𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘭𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘴𝘢 '𝘺𝘰 𝘯'𝘰𝘯. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘸𝘦𝘥𝘦 𝘭𝘢𝘯𝘨, 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳𝘵𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘢𝘸." "𝘕𝘢𝘯𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘬𝘢 𝘱𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘬𝘢 𝘯𝘢," nakasimangot na sagot ni Elris. "𝘈𝘥𝘷𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘬𝘪𝘴𝘴 𝘯𝘢 '𝘺𝘰𝘯," nakangising sagot ko naman.

My Hopeless Love, Elris (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon