CHAPTER 14

6 2 0
                                    

𝐌𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐒 na lumipas ang mga araw at lalo kaming naging mas malapit ni Sevi sa isa't-isa. Habang tumatagal at mas nakikilala ko siya ay lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Kapag wala siyang mahalagang lakad o gagawing schoolwork ay sinusundo siya ako sa school namin para ihatid sa bahay. At tuwing magsasabay kaming umuwi sa hapon, hindi maaaring hindi muna kami dumaan sa isang lugar kung saan kami puwedeng tumambay at makapagkuwentuhan. Bukod sa pagiging sweet at gentleman, ang isa pa sa mga ugali ni Sevi na gustong-gusto ko ay ang pagiging makuwento. Parang ang dami niyang alam sa buhay at hindi mauubusan ng puwedeng pag-uusapan. Dahil sa araw-araw naming pagkikita, hindi rin nagtagal ang panliligaw niya at sinagot ko rin siya. Isang Sabado ng hapon nang mangyari iyon. Halos katatapos ko lang maglaba ng mga damit namin ni Nanay nang dumating si Sevi sa maliit naming bahay.

"𝘚𝘦𝘷𝘪, 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘨𝘢 𝘮𝘰 𝘺𝘢𝘵𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯?" sita ko sa kanya nang buksan ko ang pinto. Nasanay kasi ako na after dinner siya pumupunta sa amin kapag weekend dahil alam namanniyang marami akong ginagawa tuwing Sabado at Linggo. At kung pumupunta man siya sa amin, sa harap ngbahay lang kami nagkukuwentuhan at kadalasan ay umaalis din siya kaagad. Pero iba nang hapong iyon. "𝘕𝘢𝘨-𝘴𝘯𝘢𝘤𝘬 𝘬𝘢 𝘯𝘢?" tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko. "𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢. 𝘛𝘦𝘬𝘢 𝘯𝘨𝘢, 𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 '𝘬𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘨𝘢 𝘮𝘰?" tanong ko uli. "𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨. 𝘯𝘢𝘣𝘰-𝘣𝘰𝘳𝘦𝘥 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢𝘯 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘮𝘶𝘯𝘵𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰. 𝘔𝘢𝘺 𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘬𝘢 𝘱𝘢 𝘣𝘢? 𝘚𝘯𝘢𝘤𝘬 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴."

Dahil wala naman akong gagawin----mag-aalas-tres pa lang kasi ng hapon----ay nagpasya akong paunlakan ang paanyaya niya. "𝘚𝘪𝘨𝘦, 𝘱𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘬𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘮𝘪𝘵." Naupo nga si Sevi sa luma naming sofa habang ako naman ay pumasok sa kuwarto ko para magpalit ng damit. Simpleng T-shirt at maong shorts lang ang suot ko dahil mag-snack lang kami. Maging si Sevi ay napakakaswal lang din ng damit kahit pa halatang mamahalin iyon. Wala pang limang minuto ay palabas kami ng bahay. Pagkatapos masigurong naka-lock ang pinto ay sumunod ako sa kinapaparadahan ng motorsiklo ni Sevi at saka umangkas.

Paglabas namin sa eskinita ay tumuloy kami sa isang bakery. Bumili siya ng ilang klase ng tinapay at 1.5-liter na Royal. Muli kaming bumiyahe at ilang saglit pa ay nasa dalampasigan na kung saan kami unang nag-date. Ang buong akala ko ay simpleng snack lang ang mangyayari. Pero laking gulat ko dahil habng naglalakad na kami palapit sa cottage kung saan kami madalas tumambay, nakita ko ang ilan sa mga kaibigan ni Sevi; kasama nila si Ashley. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa plastic bag na naglalaman ng mga tinapay nang may ilabas na tarpaulin sina Ashley. Bumilis ang tibok ng puso ko nang nabasa ko ang nakasulat sa tarpaulin.

𝓔𝓛𝓡𝓘𝓢, 𝓦𝓘𝓛𝓛 𝓨𝓞𝓤 𝓑𝓔 𝓜𝓨 𝓖𝓘𝓡𝓛𝓕𝓡𝓘𝓔𝓝𝓓? Siyempre, nawindang ang buong sistema ko. Sa haba ng hair ko, feeling ko ay marriage proposal ang ginawa ni Sevi. Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakangiti siya sa akin at may hawak na isang pumpon ng mga pulang rosas. Kung saan galing ang mga iyon ay hindi ko alam, basta ang alam ko ay nakapaguwapo niya habang iniaabot sa akin ang mga bulaklak. Sevi moved an inch closer to me at halos magdikit na ang mga mukha namin. "𝘚𝘰, 𝘪𝘴 𝘪𝘵 𝘢 𝘺𝘦𝘴, 𝘰𝘳 𝘢 𝘯𝘰?" he asked softly. Bago pa man ako makasagot nagsigawan na ang mga kaibigan niya, pati na ang bruha kong best friend ng, "(𝘠𝘌𝘚! 𝘠𝘌𝘚! 𝘠𝘌𝘚!". Mabilis na nilingon ko ang mga may hawak ng tarpaulin at sinenyasan silang tumahimik.

Muli akong bumaling kay Sevi at saka ngumiti. Tumiyad ako para ibulong ang sagot sa tanong niya at maging sa tanong na nakasulat sa tarpaulin. "𝘠𝘦𝘴,"mahinang bulong ko sa tainga niya. At pagkalipas lang ng ilang segundo pagkatapos kong bumulong ay naramdaman kong umangot ako sa ere at nagpaikot-ikot na kami ni Sevi habang nagpapalakpakan ng mga miron. Nang ibaba niya ako sa lupa ay mabilis na ninakwan niya ako sa halik at saka inakbayan habang pangisi-ngising iginigiya ako sa palapit sa cottage kung saan naghihintay ang mga kaibigan namin na kinutsaba niya. Noon ko lang napansin na may mga pagkain pala na nakahain sa mesa. Parang pinaghandaan talaga ni Sevi ang mga araw ito.

Pagkatapos ng ilang minutong kantiyawan ay nauwi rin kami sa masayang kainan at kuwentuhan. No doubt na sa kabila ng agwat sa buhay ni Sevi ay tanggap ako ng mga kaibigan niya para sa kanya. Natapos ang araw na iyon na sobrang saya ko. Finally I'm no longer a member of the NBSB club. Naalala ko ang sinabi ni Ash noong papunta pa lang kami sa Santa Barbara: "𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘧𝘦𝘦𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢-𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘨𝘶𝘮𝘳𝘢𝘥𝘶𝘢𝘵𝘦 𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘨𝘩 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭, 𝘣𝘦𝘴?" Well, ga-graduate ako ng high school na may love life! Wagi ang beauty ko! Pagsapit ng alas-sais ay nagpapaalaman na kami at inihatid ako ni Sevi sa amin. Nang gabi ring iyon ay ipinaalam ni Sevi sa nanay ko ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Mas gusto kasi diumano niyang "𝘭𝘦𝘨𝘢𝘭" kami at walang itinitago sa kanya-kanyang magulang. Mukhang okay naman si Nanay sa pagkikirelasyon ko kay Sevi kaya nakatulog ako nang gabing iyon nang sobrang himbing. Nanaginip pa nga ako na naghahabulan kami ni Sevi sa dalampasigan na para bang continuation ng mga nagyari nang araw na iyon.

My Hopeless Love, Elris (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon