CHAPTER 16

7 2 0
                                    

𝐁𝐈𝐘𝐄𝐑𝐍𝐄𝐒 ng gabi nang kausapin ako ni mommy at daddy ko. "𝘏𝘪𝘫𝘰, 𝘮𝘢𝘨-𝘱𝘳𝘦𝘱𝘢𝘳𝘦 𝘬𝘢 𝘢𝘵 𝘢𝘢𝘭𝘪𝘴 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘯𝘵𝘪," sabi ni Daddy habang naghahapunan kami. "𝘚𝘢𝘢𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘶𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢, 𝘋𝘢𝘥?" "𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘷𝘪𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯?"natatakang tanong niya. "𝘚𝘢 𝘗𝘪𝘯𝘬 𝘙𝘰𝘤𝘬 𝘉𝘦𝘢𝘤𝘩 𝘙𝘦𝘴𝘰𝘳𝘵. 𝘚𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵𝘦𝘦𝘯𝘵𝘩 𝘣𝘪𝘳𝘵𝘩𝘥𝘢𝘺 𝘯𝘪 𝘊𝘢𝘪𝘵𝘭𝘪𝘯 𝘯𝘰'𝘯𝘨 𝘞𝘦𝘥𝘯𝘦𝘴𝘥𝘢𝘺 𝘢𝘵 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘦𝘭𝘦𝘣𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘗𝘪𝘯𝘬 𝘙𝘰𝘤𝘬. 𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘴𝘤𝘰𝘳𝘵. 𝘙𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳?" "𝘖𝘩, 𝘐 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘰𝘵 𝘵𝘰 𝘵𝘦𝘭𝘭 𝘩𝘪𝘮 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘴𝘺𝘢𝘥𝘰 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘴𝘺, 𝘋𝘢𝘥," singit ni Mommy, sabay ngiti sa akin. "𝘉𝘶𝘵 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘰𝘳𝘳𝘺, 𝘴𝘰𝘯, 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘴 𝘣𝘦𝘦𝘯 𝘵𝘢𝘬𝘦𝘯 𝘤𝘢𝘳𝘦 𝘰𝘧. 𝘐'𝘷𝘦 𝘢𝘭𝘳𝘦𝘢𝘥𝘺 𝘨𝘰𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘶𝘪𝘵." Tinaasan ko ng kilay si Mommy. Sinadya ba niya na huwag ipaalam sa akin na ako magiging escort ni Caitlin sa birthday niya? At bakit kailangang may excort pa ang babaeng iyon samantalang hindi pa naman niya debut?

"𝘚𝘦𝘷, 𝘺𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘐 𝘤𝘢𝘯'𝘵 𝘴𝘢𝘺 𝘯𝘰 𝘵𝘰 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘛𝘪𝘵𝘢 𝘊𝘩𝘢𝘳𝘭𝘦𝘯𝘦," sabi ni Mommy na humawak pa sa kamay ko. Well, sino nga ba ang makakahindi kay Tita Charlene---- Caitlin's mom? She's like a sister to my mom and she's super nice, kabaliktaran ng anak niya. I can't say no to Tita Cha. But... why can't I spend my Saturday with Elris? At ang masaklap, ang "𝘮𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘯𝘵𝘪" na sinasabi ni Daddy ay eksaktong thirty minutes pagkatapos naming mag-dinner. Wala akong choice kundi ang madaling mag-empake ng mga gamit. At sa kakamadali ko, nakalimutan kong dalhin ang phone ko.

Lagpas hatinggabi na nang dumating kami sa Pink Rock Beach Resort. Kaagad din kaming natulog. Saka ko lang naalala ang phone ko nang magte-text sana ako kay Elris kaniang nasa biyahe kami. Bakit kasi hindi ako nag-effort na i-memorize ang number niya para naki-text sana ako sa phone ni Mommy o ni Daddy. Kung sa Facebook naman, I doubt kung mag-log in siya sa libreng Wi-Fi sa library ng school nila. Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Kung hindi pa ako kinatok ni Mommy sa cottage ko, baka naghihilik pa rin ako. Bukod sa party na gaganapin mamayang alas-sais ng gabi ay may activities pa pala ngayong hapon. Pagkatapos mag-lunch ay naghanda kami para mag-snorkeling. Napansin kong panay ang dikit sa akin si Caitlin habang nasa dagat kami. Naiinis ako. Pero dahil kasama namin ang mga magulang namin, I decided to be nice to her.

"𝘈𝘯𝘢𝘬, 𝘱𝘪𝘤𝘵𝘶𝘳𝘦!" sabi ng mommy ni Caitlin. Napilitan naman akong mag-pose katabi ang celebrant. Bukod sa snorkeling ay nag-island-hopping pa kami. Mag-aalas-tres nang makabalik kami sa kanya-kanyang cottage. Mainit na nga ang panahon, sumabay pa ang init ng ulo ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka-contact kay Elris. Nang sumapit ang party ni Caitlin, tinanggap ko na sa sariling for the first time mula nang maging kami ay hindi ko makakausap si Elris sa buong araw. Sa buong selebrasyon ng birthday ni Caitlin ay wala akong ibang ginawa kundi mag-plaster ng pekeng ngiti habang panay naman ang entertain ni Caitlin sa mga bisita niya.

Kaya nang matapos na ang inihandang programa at oras na para magsayawan ay umalis na ako sa tabi ni Caitlin at kumuha ng beer. Sunod-sunod ang ginawa kong paglagok hanggang sa hindi ko na namalayan na ang isang bote ay nasundan ng isa pa...at isa pa... at isa pa... Ang sunod na namalayan ko naglalakad na ako papunta sa cottage ko. Ang balak ko ay matulog na tutal tapos na ang duty ko bilang escort ng celebrant. Pero bago ko pa magawang buksan ang pinto ng cottage ay mayroon nang mga kamay na dumaklot sa isang braso ko. Nang lumingon ako, nakita ko si Caitlin na ngayon naka-cocktail dress na lang. At bago pa ako makapagtanong kung ano ang ginagawa niya ay natawid na niya ang maliit na distansiya sa pagitan namin. Pagkatapos ay tumiyad siya sa kinabig ako sa batok, saka pinaglapat ang mga labi namin. Dala siguro ng pinaghalong kabiglaanan at nainom na alak ay hindi ko siya nagawang sawayin. Natulos lang ako sa kinatatayuan ko habang sinasalanta niya ang mga labi ko. Habang nangyayari iyon madilim na bahagi ng resort, may mga mata pala na nagmamasid sa aming dalawa.

My Hopeless Love, Elris (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon