PROLOGUE
Overture, Aria of the Deathless GodPLEROMA CITY
Civitas Aeternus Dei
AtlantisSa dulo ng mundo makikita ang lugar kung saan ay laging takipsilim, na waring pinag-aagawan ng liwanag at dilim, ng umaga at gabi. Sa lugar na 'yon makikita ang isla na tinatawag nilang Pleroma.
Kakaiba ang islang 'yon, sapagkat napapalibutan ito ng bahagi ng lupa. Bundok-bundok na lupa at matitigas na bato ang nakapaikot na gaya ng isang singsing. Sa loob niyon ay bahagi rin ng dagat, kaya kung titingnan sa itaas ay para itong isang isla na may napakalaking lawa sa gitna. Halos sakupin na ng madilim na tubig-dagat ang isla. At sa gitna ng malapad na katubigang 'yon ay isa pang mas maliit na isla, na para bang isang bato na hinulog sa gitna niyon mula sa kalangitan. Doon sa mabatong islang 'yon ang Aeterna Palace.
Ang Aeterna Palace ay ang nag-isa ring gusali roon. Walang nakakaalam bakit ang tawag sa Pleroma ay syudad, kung tanging ang Aeterna Palace lang ang nakatayo sa lugar.
Ayon sa kwento ng mga bangkero at mga pirata na minsang napapadaan malapit doon, pinatayo raw ito ng isang makapangyarihan ngunit limot na diyos para itago ang kanyang kapatid. Kung bakit, walang nakakaalam. Pero hindi yata naging maganda ang kinahinatnan niyon dahil mistulang inabandona na ang isla.
Ngunit iyon ang akala ng iba.
Dahil doon sa isa sa mga tore ng Aeterna, Pleroma ay tahimik na nakamasid ang isang lalaki. Nakatingin lang ito sa malayo, kalmado, at walang emosyon sa mga mata nito. Sa baba ng kastilyo ay banayad na humahampas ang alon sa bato-bato. Malayong-malayo sa malakas na alon na tumatama sa outer part ng isla, na parang rumaragasa na sapa.
Kakatwa nga, dahil kahit na malakas ang alon sa dagat at mahangin ang hapong 'yon, doon sa lawa-lawaan ng isla ay kalmado ang tubig. Kakaiba talaga ang islang 'yon, at iilan lang ang nakakaalam sa lokasyon niyon. Wala ring daanan papasok sa inner part ng isla, maliban na lang kung aakyatin ang mabatong bundok-bundok sa labas, para lang tawirin ang katawan ng tubig na nakapalibot sa mismong kastilyo.
Ngunit ang lalaking naroon sa kastilyong 'yon ay hindi kung sinu-sino lang. Siya si Senectus Saeclium, isang propesor sa Atlantis Academy. Senectus Saeclium ang dinadala niyang pangalan sa ngayon. Pero iyon ay isa lamang sa mga alyas niya. Ang totoo talagang pangalan ng nilalang na 'yon, ay Rozen Fiametta.
Isang raven ang lumipad diretso sa bintana kung saan nakatayo si Sen. Marahan niyang itinaas ang kanyang isang braso at doon nga pumatong ang ibon. May dala itong sulat sa tuka nito. At kinuha naman niya iyon.
Madali niyang binasa ang sulat. Kahit na nakakagulat ang laman niyon ay walang emosyong dumaan sa mukha ng imortal na diyos. Nang matapos niya iyong basahin, ay inihagis niya ito sa ere. At kasabay niyon, ay kusang nasunog ang papel.
Lumipad naman papalayo ang raven.
Saktong pag-alis ng ibon ay may kumatok sa pinto. Hindi sumagot si Sen, dahil alam na naman ng mga ito kung ano ang patakaran. Bumukas ang pinto, at nagsalita ito.
"Master Saeclium, narito na po sila."
Lumingon si Saeclium. Nakita niya ang isa sa mga matataas na tagasilbi roon. Nakayuko ito habang nakalagay ang isang kamay sa likuran. Gaya ng lahat ng mga taga-silbi roon, ay nakasuot ito ng abot tuhod na tunic na may mahahabang manggas.
Gaya ng nakasanayan na yata niya, ay gumuhit ang isang magiliw na ngiti sa mukha ni Sen. Ngunit hindi umaabot sa mga mata nito ang malawak na ngiting 'yon.
"Ganoon ba?" sabi ni Sen. "Maraming salamat sa pagpapaalam sa akin. Maaari ka nang bumalik doon."
Tumalikod na ulit siya. Subalit ramdam niya na hindi pa ito umaalis. Naiinis, ay sinulyapan niya ito nang may ngiti pa rin.

BINABASA MO ANG
Atlantis Academy: The Secrets of the Domain Quest (Special Arc)
FantasyAt the aftermath of their battle against Cronus and Syberria, Verdandi and her friends must learn about the mystery of the Herakles Kastamerr's Ancient Palace and prevent it from ever reopening again.