[2] Heist

224 22 9
                                    

EPISODE 2:
HEIST

Halos nilipad ni Verdandi ang school grounds ng Academy para lang mahanap si Sean. Kaya lang ay kahit anong gawin niya, ay hindi talaga niya ito mahagilap kahit saan. Pinagtitinginan na nga siya ng mga estudyante dahil para siyang sinasapian na hinahabol ng maligno.

Ngunit, pagdating niya sa entrance ng mismong Academy Area, ay wala talaga ito roon. Inis siyang napapandak sa hagdanan. Sa laki ng Academy, hindi talaga niya alam kung nasaan si Sean Starkomir ngayon.

"Ano, excuse me, Miss?" tanong ni Verdandi sa grupo ng mga estudyanteng dumadaan. Base sa suot nito ay mga upcoming freshmen ata ito. Huminto naman ang mga ito para makinig sa kanya. "Nakita niyo ba si Sean Starkomir?"

"Ah, ang prinsipe po ba ng Ithacus?" sabi ng isa sa mga ito. "Nakita ho namin siya sa may entrance ng mga greenhouses. Kausap niya ho 'yung isa sa mga student caretakers doon."

Tumango si Verdandi, kahit naasiwa siya dahil pino-"po" siya nito. "Ganoon ba? Sige, salamat!"

"Walang anuman, Queen!" sabi pa ng mga ito. Tumigil si Verdandi sandali sa pagtakbo, lumingon, saka awkward na ngumiti. Kumaway pa ang mga ito sa kanya bago tuluyang lumiko sa isa pang hallway. Napailing na lang si Verdandi saka tumulak na lang papuntang greenhouses.

Simula kasi noong bigyan sila ng award ni Professor Alderheid sa ginawa nilang paglaban sa kastilyo ni Kastamerr ay nag-improve ang tingin sa kanya ng mga tao. Lalo na ang mga mas batang estudyante ng Academy. Naririnig niya pa sa mga kaibigan niya na parang ginagawa siyang idol ng mga ito, at sinususugan naman ng mga barkada niya.

Paglabas niya ng kastilyo ay lakad-takbo niyang tinungo ang unang greenhouse. At kahit sa malayo, ay klarong-klaro na niya ang matangkad na pigura ni Sean Starkomir.

May kausap nga itong isang babae na mukhang mas bata pa dito, habang nag-aayos ito ng mga bulaklak. Naglakad si Verdandi papalapit.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng columbine flower?" sabi pa nito sa nakayukong dalaga.

Hindi na kailangang itanong ni Verdandi anong ginagawa nito. May sinagot yata ang babae pero masyadong mahina ang boses nito na parang nahihiya. Saka tumawa si Sean--ang tawa na lagi nitong ginagamit sa kanya kapag may kailangan ito.

"Oo, pwede ring ganoon. Pero sa Ithacus, wagas na pag-ibig ang sinisimbolo nito," pagtatapos ni Sean sa sinasabi nito. Gustong mag-roll eyes ni Verdandi, pero bago niya pa magawa ay nakita na siya ni Sean. "Hey! PB! Anong ginagawa mo rito? Medyo maaga pa, ha?"

"Oo nga, eh, ang aga pa, grabe. Namimiktima ka na," sabi niya. Nilingon niya ang babae. Parang takot itong nakatingin sa kanya, kaya naman nginitian lang niya ito. Nagmamadali naman itong umalis na namumula pa rin ang mukha. Bumaling siya kay Sean na ngayon ay pinitas na ang isang bulaklak at inamoy-amoy. Kung ibang babae lang siguro ay baka nahumaling na sa pagiging romantiko nito. Pero siya, tinulak niya ito. "Hoy. Kanina pa kita hinahanap!"

Umayos naman ito ng tayo, pero nilagay nito sa ulo ang bulaklak. Baliw talaga, aniya sa isipan.

"Oh?" sabi nito. "To what do I owe this pleasure, my queen? Ako agad ang hinanap mo paggising mo?"

"Actually, hindi eh. Payapa akong nag-aagahan kanina, para lang mabulabog ng mga ka-teammates ni Dardy," sabi ni Verdandi.

"Si Ghost Girl?" sabi ni Sean. Suminghap naman ito. "Pati na sina Lamia at Bridgit?"

"Alam mo na magka-teammates sila?"

"Of course. Walang taguan sa pagitan namin ni Dardy, you know," anito lang saka ibinaba na rin sa wakas ang bulaklak. "Pinuntahan ka nila sa dorm room niyo?"

Atlantis Academy: The Secrets of the Domain Quest (Special Arc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon