"Aurelia, sabihin mo nga ang totoo. Handa naman akong makinig eh, handa akong intindihan ang lahat basta huwag naman yung ganito. Ilang linggo mo na akong iniiwasan." Habol ni Archer kay Aurelia na siyang mabilis na naglalakad.
Hindi na nakatiis si Archer at mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Aurelia at ipinaharap sa kaniya. Wala na siyang pakialam sa paligid, hindi na niya inintindi kung makita man sila ng mga magulang ni Aurelia sa ganoong sitwasyon.
"Aurelia, parang awa mo na. Huwag naman ganito, tungkol pa rin ba ito sa nalaman mo? Diba sabi ko naman sayo handa akong tulungan ka at kahit na ganoon hindi magbabago ang tingin ko sayo. Kaya pwede ba sabihin mo na sa akin" nagmamakaawa na sambit ni Archer. Wala na siyang pakialam kung mukha na siyang kaawa awa sa paningin ng babae, basta't ang mahalaga sa kaniya ay ang malaman kung ano ang nasa isip nito at ang dahilan ng pagiwas nito sa kaniya.
"Achilles" sambit ni Aurelia sa ngalan niya. Pumikit ito nang mariin at may butil ng luha ang tumulo mula sa mata nito na agad naman nitong pinahiran ng kaniyang palad.
Hinihintay naman ni Archer ang sasabihin nito, mas lalo niyang hinihigpitan ang hawak sa kamay nito nang maramdaman niya na pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak niya.
"Achilles, ayaw ko na. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero gusto ko na itigil ito kasi magkakasakitan lang tayo." Mahinang sambit ni Aurelia, ni hindi ito makatingin nang diretso sa mga mata ni Archer. Pagak naman na natawa si Archer, hindi nagpoproseso sa utak niya ang sinabi ng babae.
"A-anong itigil, Aurelia? Aurelia naman, sige kung ayaw mo sabihin ang dahilan ng pagiwas mo. Sige huwag mo na lang sabihin pero h-huwag namang g-ganito na m-makikipaghiwalay ka na lang." Pautal-utal na sabi ni Archer habang pilit na pinapaharap ang mukha ni Aurelia sa kaniya.
"A-achilles, maiintindihan mo rin ako. Sa ngayon, itigil na natin 'to. Patawarin mo ako, Achi" Maluha luha na sabi ni Aurelia at hindi pa rin makatingin sa mga mata ni Archer.
"Ano bang sinasabi mo, Aurelia! Ni hindi mo nga ako binibigyan nang maayos na dahilan kung bakit mo gustong makipaghiwalay. May kasalanan ba ako? Sabihin mo lang, Lia at hihingi ako ng tawad. May pagkukulang ba ako? Sabihin mo lang at pupunan ko. Ipagawa mo na sa akin ang lahat, huwag lang yung ganito" Nagmamakaawang sabi ni Archer na hindi malaman kung anong gagawin at iisipin.
Nagulat na lamang si Aurelia nang lumuhod si Archer sa harapan niya. "Aurelia, parang awa mo na. Kaya kong gawin ang lahat, huwag lang ito" umiiyak na sambit ni Archer. Hindi makapaniwala si Aurelia na kayang magpakababa ni Archer nang ganito para sa kaniya ngunit wala siyang magagawa kinakailangan niya na gawin ito.
Lumingon si Aurelia sa kinaroroonan ng kaniyang mga magulang at magulang ni Archer, tumango siya na senyales na paghingi ng tulong at hudyat na ilayo na si Archer sa kaniya. Pinantayan ni Aurelia si Archer, hinawakan niya ang mukha nito na puro na luha.
"Aurelia, may i-iba na ba? Iyon bang lalaki na lagi mong kasama nung mga nakaraang araw? Kaya ko naman na maging kagaya niya, kaunting tiis na lang matatapos na ako. Kaya ko na ring maging kasing rangya niya, Aurelia" May pait na sabi ni Archer ngunit wala siyang nakuhang sagot mula kay Aurelia. Pinunasan nang marahan ni Aurelia ang mga luha na nasa pisngi nito at marahan na binigyan ng madiin na halik sa noo. Nagtagal ang labi ni Aurelia sa noo ni Archer kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata niya.
"Aurelia, aalis na tayo" isang tinig ang naging hudyat upang humiwalay si Aurelia kay Archer. Tumayo na siya at tiningnan muna saglit si Archer na nakatingin na rin sa lalaking tumawag kay Aurelia. Puno ng lungkot, galit at dismaya ang mga mata ni Archer nang makita na tumalikod ang babae at pumunta sa kinaroroonan ng lalaking tumawag dito. Tumayo siya nang dahan-dahan na tila nanghihina at pagak na napatawa na siyang nagpahinto sa akmang pag-alis ng dalawa.
"Sana sinabi mo na may iba na pala, Aurelia. Sana sinabi mo na gusto mo pala ng tulad niya at hindi ng isang katulad ko pero kasi hindi ko maisip na m-magagawa mo sa akin 't-to" puno ng pait at lungkot na sambit ni Archer na siyang nagpaluha kay Aurelia. Lumapit naman ang ama ni Aurelia at ama niya sa kaniya at pinakalma siya.
"P-pero pagbibigyan kita, Aurelia. Huwag kang sumama sa kaniya at kalilimutan ko ang nangyari na ito. Parang awa mo na, huwag naman ganito" kasunod na sabi ni Archer na siyang nagpaiyak na kay Aurelia at tila nais nang bumalik sa kinaroroonan ni Archer ngunit may sinabi sa kaniya ang lalaki na kasama niya na siyang nagpatigil sa balak niya.
Nagpatuloy nang lakad ang dalawa at tila prinoproseso pa rin iyon ni Archer, prinoproseso na pinili ni Aurelia na sumama na sa iba at hindi na siya muling nilingon. Nang umandar na ang sasakyan nila Aurelia ay doon lamang tila nagising ang diwa ni Archer at mabilis na tumakbo ngunit mabilis din siyang napigilan ng kaniyang ama at ng ama ni Aurelia.
"Tay, Tito Henry bitawan niyo po ako. Parang awa niyo na, susundan ko po si Aurelia" nagpupumiglas na sambit ni Archer ngunit hindi nagpatinag ang dalawa at mas hinigpitan ang hawak kay Archer.
"Aurelia!" Wala nang nagawa si Archer ngunit ang paulit-ulit na isigaw ang pangalan ng babae.
BINABASA MO ANG
Untying Unscramble
General FictionNamuhay sa isang simpleng pamilya at payak na pamumuhay sa isang liblib na bayan si Ma. Aurelia Madrid. Lumaki siya na mulat sa mga bagay na tanging mga tao lamang na nasa simple o mababang uri ng pamumuhay ang nakararanas, nasanay sa mga bagay na m...