Kabanata 3

39 8 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi ng bahay, kagagaling ko lang kasi mula sa pagtitinda sa bayan. Dalawang araw na rin mula nang umalis sila Tatay at Nanay para mag-ani sa kabilang bayan, bago sila umalis ay isinabog na muna namin sa sakahan ang mga binhi na ibinabad namin at hihintayin na lamang iyon na tumubo ng katamtaman para maitanim nang maayos.

Malapit na ako sa bahay nang makita ko ang motor ni Archie at nang mas makalapit ay napansin ko sila ni Oliver sa may kusina at mukhang nagluluto.

"Ate, nandito ka na po pala. Nagluluto po kami ni kuya Archie ng paborito mong ginataang alimango!" masaya nitong sabi, nginitian ko naman ito at ginulo ang buhok. Inilapag ko muna ang mga bilao sa may lamesa at kumuha ng tubig sa pitsel. Habang umiinom naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin, sinulyapan ko naman si Archie at tama nga ako na nakatingin ito sa akin.

Napairap naman ako at inilapag ang ginamit na baso bago kunin ang mga bilao at pumasok sa loob ng bahay. Nang maiayos sa may sala ang mga bilao ay pumasok na ako sa aking kuwarto para makapagpalit ng damit. Matapos ko magbihis nahagip ng mga mata ko ang mga nakasalansan kong ginantsilyong potholder na dapat ide-deliver ko sa kabilang barrio kahapon pero hindi natuloy dahil ginabi na ako sa paghihintay kay Archie sa bayan.

Nangako kasi siya sa akin na sasamahan niya ako na mag-deliver sa kabilang barrio dahil tatagal din ang byahe papunta roon ng mahigit dalawang oras kapag nanggaling ako mula sa bayan papunta sa kabilang barrio ng aming lugar pero inabot na ako ng alas siyete sa paghihintay sa kaniya sa may puwesto namin ay hindi pa rin ito dumadating, maaga din akong nagsara ng tindahan dahil ang sabi niya ay bago mag-alas singko ay nasa bayan na siya. Halos mag-alas diyes na rin ako nakauwi kagabi at mabuti na lamang ay na kila tita Natalia si Oliver, sa mga magulang ni Archie dahil sinabi ng mga ito na hihiramin muna nila ang kapatid ko at isasama sa pinyahan ng mga ito dahil paborito ni Oliver ang pinya.

Ang nakakainis pa ay makikita ko siya na kasama si Millie na kabababa lamang ng motor niya at nang akmang papaandarin na nito muli ang motor niya ay nakita niya ako. Sa inis ko ay nilagpasan ko na lamang siya dahil sobra na rin ang nararamdam kong pagod, sana sinabi na lang niya kanina na may lakad pala muna sila para hindi na lang ako naghintay at umasa na dadating siya, sana naihatid ko pa ang mga order sa akin kahit ako na lang mag-isa. Kaya simula kagabi hanggang kaninang hapon na nasa bayan siya at sinasabing sasamahan ako na mag deliver ay hindi ko siya pinapansin.

"Ate! tara na po, kakain na" masayang sabi ni Oliver habang kumakatok sa pinto ko. Kaya pinagbuksan ko siya ng pinto at inaya na sa may kusina.

Pagdating namin sa may kusina ay nakahain na ang pagkain at natakam naman ako nang maamoy ko ang mabangong amoy ng ginataang alimango. Napansin ko naman na nakangiting nakatingin sa akin si Archie ay mabilis kong itinago ang pagkatakam ko.

Tinulungan ko si Oliver sa paghimay ng alimango dahil baka masugatan siya, nagulat naman ako nang lagyan ako ni Archie ng nakahimay na alimango sa aking pinggan. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya at hindi na siya muling kinibo. Ganoon ang paulit-ulit na nangyari sa buong durasyon namin sa hapag-kainan, hinihimayan ko si Oliver at lagay naman nang lagay si Archie sa aking pinggan.

Hindi ko naman mapigilan ang mapadighay at sabay naman ako tinawanan ng dalawa, nagpasintabi ako sa kanila at masamang tiningnan si Archie na agad naman tumigil sa pagtawa. Kung makatawa siya, parang walang kasalanan.

"Ako na ang bahala dito, Oliver. Magpahinga ka lang saglit at maglinis ng katawan bago matulog, huwag mong kalimutan na magsipilyo." paalala ko kay Oliver.

"Opo ate, bye kuya Archie. Bukas po ulit" masaya nitong sabi at pumasok na sa bahay.

"O ikaw, ano pa ginagawa mo dito. Ako na ang bahala sa mga pinagkainan at pinaglutuan, salamat pala sa hapunan." sabi ko kay Archie habang hindi siya tinitingnan. Sinimulan ko nang nilagay ang mga pinagkainan sa may planggana at dinala na ito sa maliit naming lababo sa may kusina.

Untying UnscrambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon