"Oliver, pakisuyo naman yung mga binilad kong dahon ng gabi doon sa may bakuran." utos ko kay Oliver na agad namang tumalima.
Tanghali na at naghahanda na ako ng aming pananghalian dahil panigurado pauwi na sila Nanay at Tatay galing sa bukid dahil tiningnan nila ang mga binhing isinabog namin noong nakaraang linggo.
Nakatapos na ako maghain at napakain ko na rin si Oliver, tiningnan ko ang orasan at halos mag ala-una na pero wala pa rin sila Tatay at Nanay. Siguro ay abala ito sa bukid at hindi na magawa na makauwi para sa pananghalian, kaya napagpasyahan ko na pagdalhan na lamang sila ng makakakain dahil paniguradong gutom na sila dahil maaga pa silang umalis at nilagang saging lamang ang inalmusal.
Habang naglalakad papunta sa bukid na aming sinasakahan, nadaanan ko pa si Archie na nagbubuhat ng mga pananim na gulay sa isang malaking truck na sa tingin ko ay dadalhin sa siyudad. Napansin din naman ako nito at iniwan muna ang kaniyang binubuhat, agad itong lumapit sa akin kaya kinawayan ko siya at nginitian.
"O saan ka papunta, Aurelia. Para ba sa akin 'yan?" bungad nito at may kasama pang pagtawa sa dulo, napairap naman ako sa sinabi nito.
"Hindi no, ano ka sinuswerte?" sabi ko sa kaniya na natatawa, napasimangot naman ito.
"Ito naman hindi mabiro, saan ka nga pala pupunta?" tanong naman nito.
"Doon sa bukid, dadalhin ko lamang itong pananghalian nila Tatay at Nanay. Ikaw, kumain ka na ba?" sambit at tanong ko naman sa kaniya. Umiling ito at sinabing hindi pa raw sila kumakain dahil nagmamadali sila na maiangkat ang mga tanim para maideliver na mamaya.
"Mayroon pa akong natira doon sa niluto ko, tamang tama yung paboritong mong adobo yung niluto ko. Gusto mo ba hintayin mo na lang ako dito o punta ka na lang sa bahay, nandoon naman si Oliver." sabi ko sa kaniya.
"Sige punta na lang ako sa inyo, o gusto mo samahan na muna kita. Magpapaalam lang ako, teka." sabi nito na agad ko naman siyang pinigilan.
"Huwag na, Achilles. Ako na lang pupuntang bukid, mabilis lang naman ako. Basta punta ka na lang sa bahay, nasa may sala pala yung lagayan nung ulam." sambit ko naman sa kaniya, nagpupumilit naman siya na samahan talaga ako pero hindi na ako pumayag dahil mapapagod lang siya lalo.
Makalipas ang ilang minutong pagbaybay ko patungo sa bukid na aming tinataniman, natanaw ko na sila Tatay at Nanay kasama ang ilang kasamahan nila sa pagsasaka sa maliit na kubo sa may gilid ng kalsada na siyang pinasadya upang pahingahan ng mga nagsasaka.
Mukhang hindi nila ako napansin na paparating at seryoso lamang silang nag-uusap, hindi na lamang ako umimik upang hindi ko sila maistorbo dahil mukhang may importante silang pinag-uusapan.
"Paano na ito, Henry. Wala na tayong natitira na budget para makabili ng mga panibagong binhi, naibili na natin ng abono ang huling pera na nakuha natin noong anihan. Yung nakuha nating pera mula sa pag-ani sa kabilang bayan ay nabayad ko na sa ibang utang natin at nakalaan na para sa maintenance na gamot ni Oliver." tila naluluhang sambit ni Nanay na agad namang inalo ng aking Tatay. Napasinghap ako nang marinig ko iyon, alam ko na masamang makinig sa usapan ng iba at hindi ko naman ugali iyon.
"Kahit kami, Ada. Sa palagay namin ay hindi muna kami makakapagtanim ngayon dahil wala na rin kaming budget para makabili ng binhi at may mga utang pa kami na kailangang bayaran." segunda ng isa sa mga magsasaka rin. Naguluhan naman ako sa sinasabi nila na kinakailangang bumili ng panibagong mga binhi, anong nangyari sa mga binhi na isinabog namin noong nakaraang linggo?
Nasa malalim ako ng pagiisip sa mga tinuran nila nang marinig ko na tinawag ako ng aking Tatay.
"Anak, kanina ka pa ba dyan?" tanong ni Tatay na ikinailing ko na lamang, dahil palagay ko ay hindi nila gusto ni Nanay na marinig ko ang mga pinag-usapan nila. Hihintayin ko na lamang na sila ang kusang magsabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Untying Unscramble
General FictionNamuhay sa isang simpleng pamilya at payak na pamumuhay sa isang liblib na bayan si Ma. Aurelia Madrid. Lumaki siya na mulat sa mga bagay na tanging mga tao lamang na nasa simple o mababang uri ng pamumuhay ang nakararanas, nasanay sa mga bagay na m...