Chapter VIII

41 0 0
                                    

Chapter VIII

Franco’s PoV

3 pm. Andito ako ngayon sa apartment nila Mavice. Hehe.. Susunduin ko siya eh.. ngayon na kasi yung CSA ball. Sa school lang ang venue. Pero grabe ang preparation kanina. Parang hindi na ata yun yung amphitheater ng school eh. Winter ang motiff ng ball. Kaya either white or black ang isusuot.

“Franco. Tulog pa eh.”

“Pwede ko bang pasukin sa loob?” Ha? Ano na naman da yung nasabi ko? Eto tuloy reaction ni Czarina. 0.0

“I mean pwede bang ako na lang gumising sa kanya?”

“Hehe.. akala ko naman kung ano na. Sige ikaw bahala.”

“Nga pala, sinong date mo?”

“Wala pa eh. Parang ayaw ko na ata pumunta.”

“Hoy! Anong hindi pupunta? Sakto wala pa daw date si Third. Nagpapahanap nga sa kin eh. Gusto mo ikaw na lang?”

“Sure bah! Keribels.” =D

Ha? Ano daw?

“Come again Cza?” si Czarina nagsasalita ng ganun? Amazing!! Hahaha.. baka mamaya pati si Sungit ganun na din magsalita.

“Sabi ko keri lang. sige aattend ako mamaya.”

“Sige.” =)

Pumasok na ko sa kwarto ni Sungit. Hindi naman siya mahilig sa spongebob no? yung wall ng kwarto niya ang wallpaper eh spongebob. Mga unan niya spongebob. Kumot spongebob. Pati bed sheet spongebob. Yung maleta niya spongebob. Ayun may naiba. Yung study table niya ang cover eh si Patrick star. Hahaha.. Isip bata talaga tong babaeng to kahit kalian.

“Sungit? Sungit gising na.” Tulog pa rin siya. Ang ganda talaga ni sungit. Kaso nga lagi siyang nagsusungit sa akin. Sabagay kasalanan ko din naman kasi lagi ko siyang inaasar.

Pano kaya kung ikiss ko siya? Magagalit kaya siya? Hehehe.. nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Mas malapit pa. mas malapit pa. Mga 1 inch na lang ang layo ng mukha niya sa akin.

Tapos bigla siyang nagising. Eto itsura niya nung Makita ako. O.O

Ganun pa rin position ko. Ganun pa rin kalapit. Nag froze ako. Tapos nilayo ko na yung mukha ko.

“A..anong ginagawa mo dito?” ano yun? Kinakabahan ba siya? Namumula ba siya?

“Gigisingin sana kita. Ang haba na kasi ng beauty rest mo. Saka baka nakakalimutan mo. Ikaw ang date ko sa CSA ball.” Napabalikwas siya ng gising. Tae!! Ano naman yang suot niya? Pati ba naman sa pantulog? Spongebob pa rin?

“Bakit ganyan ka tumingin sa akin?” saka siya humalukipkip sa katawan niya. PsH!! Asa tong babaeng to. Hindi ako manyak no. ilang beses ko ba kailangang ulitin yun?

“Hoy! Ang tinitignan ko si spongebob! Konting pasikreto naman na favorite mo yung lamang dagat na yun.”

“Bakit ba? Eh love ko si spongebob eh!!” nagsusungit na naman siya. Ano na naman ba ginawa ko?

“Maligo ka na nga. May pupuntahan tayo.”  Utos yun ha?

“Anong oras na ba? 3:30 pa lang naman ah. Pagkakaalam ko 7 pm ang ball.”

“May pupuntahan nga tayo!”

“Saan?”

“May isusuot ka na?”

“Opo.”

“Asan? Patingin? Baka naman t-shirt yan na may spongebob print ha?”

“Hindi ha! Ayun oh.” Tinuro niya yung pink na dress.

If You Say Saranghaeyo, I'll Say Ti AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon