Chapter XVII

29 0 0
                                    

Franco’s PoV

Today is my birthday. Sana wag nang pumunta si Angelie. Baka magkita pa sila ni sungit. At pati din ako eh hindi ko din alam kung pano magrereact kung sakali.

Two days na akong nag iisip.

Kung anong magiging reaction ko kapag nagkaharap na kami ulit,

Ang babaeng una kong minahal. My first love and first heartbreak.

Actually, we had no official break up.hotel na ko ni tito

Pero since mag totwo years na kaming walang communication. Then maybe it only means we’re over.

At isa pa, may break up letter siya sa akin noon bago siya pumuntang U.S.

Eto na nga, nasa hotel na ako ni Tito Carlos. Siya naman ang nagprisintang ditto ako magcelebrate ng 18th birthday ko.

Ano ba yan? Tunog debutante tuloy ako.

Tsk.. haha… ampangit!

Ayun dumating na si Third.

“May kasalanan ka sa akin.” Bungad ko sa kanya.

“So alam mo nap ala. Eh di kita mahagilap nung isang araw eh.” Palusot niya

“Dami mong alam. Eh marunong ka naming magtext, nag e FB ka naman.”

“Alam mo namang para kay Hershey lang ang Phone at computer ko eh.” Ano daw?

“Thol, nakakain ka ba ng maraming cheese? Ang cheesy mo eh. Wala naman si Hershey dito.”

“Yun ang akala mo. Andun sila sa labas ni Angelie kausap mommy mo.” Patay!

“Di nga? Eh si Via nakita mo na? wala pa ba?”

“Di ko pa nalalanghap ang aura niya eh.” Ano daw? Nalalanghap ang aura? Kailangan ba talagang weird ang bestfriend ko kapag nandito ang girlfriend niya?

“Ewan ko sa’yo. Maghanap ka ng kausap mo.” Pero teka. Anong gagawin ko? Andiyan na daw si Angelie. Eh mukhang wala pa siyang kaalam alam na may girlfriend na ko eh.

Speaking of.. ayun papasok na ng lobby. Magkamukhang magkamukha talaga silang magkakambal. Mapaghahalata mo lang kung sino si Angelie sa kanila sa kilos.

Mas matured kasi gumalaw at pumorma si Angelie kumpara kay Hershey.

Kumaway silang dalawa sa amin saka lumapit. Eto na.. dug dug…dug dug… pano ba gagawin ko? Tsk…

“Hi Third, Hi Franco.” Bati sa amin ni Angelie, halatang hindi din alam kung pano ako babatiin. Nginitian ko na lang siya.

“Mosh.. tara, dun tayo oh sa may chocolate fountain.” Sabay kinaladkad ni Hershey si Third. Halata namang sinadya niya yun para makapag usap kami ng kakambal niya.

“Happy birthday Franco. Uhh.. here’s my peace offering.” Sabay abot sa akin ng paper bag na may lamang shoebox.

Peace offering? Isn’t it too late for that? Tsk..

“Thank you.” Tipid lang.

“Aren’t you gonna open it?”

“Yeah, sure.” Binuksan ko. Ayun yung pinag iipunan kong superman converse shoe.

“Wow! Thanks Gie. I’ve been saving for this shoe.”

“I know, sinabi ni Third kaya yan ang binili ko.” So, si Third pala ang salarin.

“I missed you Aein.” Ganito talaga si Gie, very vocal sa nararamdaman.

“Gie, times passes by and things changes.” Yun lang ang naisip kong sabihin eh. Di ko lang alam kung nagets niya.

If You Say Saranghaeyo, I'll Say Ti AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon