Chapter III

88 0 0
                                    

Chapter III

Via’s PoV

Asan na kaya si Franco? Loko yun iniwan ako. Kala ko nakasunod lang siya tapos paglingon ko wala na siya. Eh kasi naman nakaheadset ako eh. Pano ba naman kasi eh nakakanerbiyos kaninang papunta kami dito. Hinahabol ata niya si kamatayan. Ayun nag sounds na lang ako pampawala ng kaba.

Hay! Itetext ko na nga lang.

‘Hoy! Ikaw san ka napunta? Nilamon ka na ba ng lupa? Dito ako 2nd floor food court.’

Hay nako. Makabili nga ng buko shake. Favorite ko yun eEh.

Asan na ba kasi yung Franco na yun? Inaya aya pa niya ako dito tapos iiwan lang din pala ako? Amp!!!

Makabalik na nga lang sa…..

Oh my heart!

Please naman.

Why? Why do I have to see them together?

Why of all place na pwede nilang puntahan ngayon bakit dito pa?

Wag naman sanang..

ȿ#!t! bakit pa approach sila dito?

Drake please. Tama na.

Hindi pa ako okay oh.

“ Well hi?” Si Althea yun. Franco asan ka na ba? Masasapak kita eh. Ba’t mo ba kasi ako dinala dala dito?

“Uh.. hi?” pinilit ko na lang ngumiti.

“So, are you alone?” weird naman nitong babaeng to. Hindi naman kami close ah.

“No, actually I’m with someone.” Hay nako!! One word!! AWKWARD!!!!

“How are you Via?” si Drake yun. Kumusta daw ako? Wait. Haha. Nagpapatawa yata siya. Kumusta daw ako. Well after mo kong saktan at ipagpalit kay Althea sobrang okay naman ako. Gusto kong isagot sa kanya yan kaso lang.

“I’m good I think.”

“You know her Drake?”

“Yeah.. Uhmn. . She’s my…. Ah… my old friend.” What the?? Old friend? Hello I’m only 16. Hindi pa ko 70. Uhy readers! Tawa naman kayo nagjojoke ako oh.

“What a small world?” sabay tingin sa akin ni Althea. Habang si Drake hindi makasagot ng matino.

“Why? How did you know her?” Curious tong si Drake? Haha. Well ako din. Bakit nga ba kilala ako nitong babaeng to?

“She’s Franco’s new girlfriend. Di ba girl?” Fake yung ngiti niya, I know that.. wa..wait?? Girlfriend?? Ni Franco?? Ako?? Sinong sira ulo naman ang nagkalat non?

“Pardon me?.. pero….”

“Aein andito ka lang pala. I’ve been looking all over for you. Bigla kang nawala sa tabi ko eh.” What? Franco? Are you calling me Aein? Teka lang ha? Anong meron? Ano to?

Tiningnan ako ni Franco na parang nagsasabing, sumakay ka na lang. kaso pano ako sasakay sa dramang to eh kanina pa ko nagpipigil ng tears.   -

“Oh. Althea andito ka pala. Hey Drake! Sup?” gusto ko ng hilain si Franco para sana umalis na kami.

“Kakain sana kami eh.”            

“Oh my God! I have an idea. Why don’t you two join us?” ano bang gustong mangyari nitong babaeng to? Please Franco, please say no.

“Sure. We will be glad to join you. Right aein?” What? No I’m ‘m not glad to join them. Umakbay sa akin si Franco.

“Yeah.. Sure.” Saka ako pilit na ngumiti. Torture toh teh! Pano kaya ako tatakas? As in kumapit na ko sa braso ni Franco.

If You Say Saranghaeyo, I'll Say Ti AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon