Via's POV
"Celine!!" Tawag ni Rico sa akin.
Hinintay ko siya dito sa coffee shop malapit sa bahay namin.
"Ciao Rico!" Bati ko sa kanya.
"Do you really want to talk to me in Italian?" Pang aasar niya sa akin.
Alam kasi niyang hindi ako sanay mag Italian.
"No, I wouldn't dare." Nakangiting sabi ko.
"There you go with that smile." Sabi niya saka ako biglang kinunan ng picture sa camera niya.
Oh well...
He's a photographer, shall I repeat.
"So, what was it you wanted to tell me?" Tanong niya sa akin.
"Do you wanna come to the Philippines?" I frankly asked him.
Biglang nawala ang ngiti niya. Alam kasi niya kung ano ang nangyari sa akin noon kay.... Hay....
"Are you going?" He asked me back.
"If you would come with me. It has been 3 years and, I don't really know how to face them." I told him.
"And you think, me, coming with you, will help you face them?" Tanong niya ulit.
Dalawang araw ko na din kasing pinag iisipan ito.
Tatlong araw na lang bago ang celebration ng graduation ng pinsan ko.
Sa totoo lang, whether sumama si Rico or not, tutuloy ako.
Kaya lang mas okay kung sasama siya. Siyempre hindi imposibleng nandun din si.......
At hindi imposibleng magkita kami. ( ̄^ ̄)
Hindi ko alam ang isasagot ko kay Rico.
Tumingin ako sa kanya.
"Fine, I'll come. When are we going?" Sabi niya sa akin.
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Anything to make you smile you stick doll." Pang aasar niya ulit sa akin.
"Great! Pack your things, we're flying tomorrow morning. I'll call you! I'm going home. Bye!" Mabilis na sabi ko sa kanya saka ako umalis sa coffee shop.
"Oh! Look who's excited!!!" Narinig kong sabi niya habang tumatawa.
He really is my bestfriend.
Franco's POV
Kanina ko pa tinititigan itong invitation na hinatid ni Drake dito sa bahay.
Graduation party ni Czarina.
"Alam mo pre, walang mangyayari sa papel na yan kung tititigan mo lang." Pang aasar ni Alfie. Nasa coffee shop niya kasi ako.
"Pupunta ka?" Tanong ko sa kanya.
"Siyempre. Pupunta kami ni Althea. Close na din sila ni Czarina eh." Sabi ni Alfie.
Oo nga, ang laki na ng pinagbago ni Althea. Hindi na siya maldita. Hindi na din selfish.
Napatingin ulit ako sa invitation.
Sa Cagayan ang venue.
Kumusta na kaya dun?
Pupunta kaya siya?
Gising na kaya siya?
Ang hirap mag isip.
"Kung gusto mong malaman ang sagot sa mga tanong mo, pumunta ka. Bibyahe kami mamayang gabi ni Althea, gusto mong sumabay?" Tanong ni Alfie.
"Sa tingin mo ba kung nandun siya, kausapin kaya niya ako?" Tanong ko kay Alfie.
"Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi ka pupunta." Ulit ni Alfie.
"Ewan ko pre, bahala na, text na lang kita kung sasama ako." Sabi ko sa kanya saka ako tumayo.
"Aalis ka na hindi ka man lang umorder kahit kape." Pikong sabi ni Alfie.
"Pre, umorder man ako o hindi, malaki pa rin ang kinikita ng coffee shop mo pag nandito ako. Tumingin ka sa paligid, ang daming chics na pumasok kaninang dumating ako." Pagyayabang ko sa kanya.
Totoo naman eh. Ang daming sumusunod sa akin.
Pero wala...
Isang babae lang ang gusto kong sundan.
Pupunta ba ako?
Pupunta kaya siya?
Pansinin kaya niya ako kung sakali?
"Yabang mo! Hoy! 8pm mamayang gabi ang biyahe. Tumawag ka kung gusto mong masagot yang mga bumabagabag sa'yo!" Pasigaw na sabi ni Alfie ng papalabas na ko sa pinto ng coffee shop niya.
----------------------------------------------------
Another update sweeties!!
Comment and vote please..Mhuah.... ❤❤❤❤❤

BINABASA MO ANG
If You Say Saranghaeyo, I'll Say Ti Amo
RomanceWhy does love have to be painful? Why is it so hard to move on? Why do we have the word confusion? How far can you go when you want to give revenge to the man who hurt you? What if you fall in love to another man again? Will you give a chance to ano...