Chapter XVI

21 0 0
                                    

Angelie’s PoV

Something’s wrong. I can sense that they are hiding something from me. Kahapon, wala si Franco sa mismong birthday party ng kapatid niya. Ayaw namang sabihin sa akin ni Tita Clara kung san siya pumunta.

Anyway, hindi na bale. Birthday naman niya bukas so siguradong makikita ko na siya. I know he may be still mad at me because I left him a year ago. Pero anong magagawa ko? I had to prioritize my studies. At saka malayo ang Amerika sa Pilipinas at naisip kong baka di naming kaya ang long distance relationship kaya kinailangan ko munang makipaghiwalay sa kanya.

Pero kapag nakikita ko ngayon ang relationship nila Hershey at Third, naiinggit ako. Ganoon din kaya kami ni Franco kung hindi ko siya hinawalayan?

Sana lang hindi pa huli ang lahat. I wanna make it up to him. At dahil birthday niya bukas, eto ako ngayon at naghahanap ng ireregalo sa kanya.

I heard he’s still collecting superman shoes.

Sakto at nakakita ako ng Chuck Taylor superman shoe ditto sa mall.

Siguradong magugustuhan niya to.

Palapit na ko sa shoes ng may nakasabay akong girl na mukhang interested din sa shoe.

“Ah. Miss. Bibilhin mo ba yan?” tanong ko sa kanya.

“Ah, Oo sana eh. Last two stock na daw kasi.”

“Ah, so may isa pang Stock niyan?” Tanong ko sa Salesman.

“Yes ma’am, teka lang po at kukunin ko.”

Napansin kong parang tuwang tuwa yung girl.

“Do you really like that shoe? Mukhang napakaimportante niyan sa’yo ah?”

“Ah, Oo. Ireregalo ko kasi sa boyfriend ko. Birthday niya kasi bukas.”

“Talaga? What a coincidence? Ako din eh. Ibibigay ko sa boyfriend ko. Peace offering ko nga sa kanya eh.”

“Talaga? Well I hope magkaayos na kayo.”

“Sana nga.” Nginitian ko siya. Sabay na kaming nagbayad sa counter.

“Ah, ano nga palang name mo?” I’m not always friendly pero dahil sa parehas naming kapalaran eh parang gusto ko siyang maging friend.

“Via pala.” Inabot niya yung kamay niya.

“Just call me Angie.” Yun na din kasi nakasanayan kong tawag nila sa akin sa US eh.

“Sige din Angie, see you around.”

“You too.” Tapos nagngitian kami.

Sana lang magustuhan ni Franco itong Gift ko sa kanya. I just wish he would stillgive me a chance.

Via’s PoV

Nakakatuwa. Yung feeling na parang botong boto sila Dad kay Franco. Imagine? Half day lang kami sa bahay pero close na close na sila.

At ang nangyari eh parang si Franco ang anak nila at ako ang na OP.

Pero siyempre kinailangan naming bumyahe agad agad. Kasi nga. May pasok pa kami.

At dahil half day lang ang klase ko ngayon. Eto at hinahanap ko yung sinabi ni JL sa akin na sapatos. At nahanap ko nga sa stall ng Converse.

“Ah. May stock pa ba kayo nung nakadisplay na Superman shoe?” Tanong ko sa salesman.

“Ah opo ma’am pero last two na po.”

At dahil nga sa sinabi ni manong salesman eh dali dali ko ng kinuha yung sapatos. Nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

“Ah. Miss. Bibilhin mo ba yan?” tanong nung babae. Parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang maalala.

“Ah, Oo sana eh. Last two stock na daw kasi.”

“Ah, so may isa pang Stock niyan?” Tanong niya sa isa pang Salesman.

“Yes ma’am, teka lang po at kukunin ko.” Sagot naman nung salesman.

Pilit kong inaalala kung san ko na nakita yung girl pero hindi ko talaga marecall. Tapos bigla niya ulit akong kinausap.

“Do you really like that shoe? Mukhang napakaimportante niyan sa’yo ah?”

“Ah, Oo. Ireregalo ko kasi sa boyfriend ko. Birthday niya kasi bukas.”

“Talaga? What a coincidence? Ako din eh. Ibibigay ko sa boyfriend ko. Peace offering ko nga sa kanya eh.” Bongga! Hahaha… nakakatuwa naman yun.

“Talaga? Well I hope magkaayos na kayo.”

“Sana nga.” Nginitian niya ako. Baakit ba kasi hindi ko maalala kung san ko siya nakita. Ayun nga at sabay na kaming nagbayad.

“Ah, ano nga palang name mo?” Baka sa school ko lang nakita to. Baka namukhaan lang din ako kaya nakikipagkilala.

“Via pala.” Inabot ko yung kamay ko.

“Just call me Angie.” Tapos naghand shake kami.

“Sige din Angie, see you around.” Kailangan kong umuwi ng maaga. Babalutin ko pa yung gift eh. Saka gagawa pa ako ng scrapbook para kay kulit.

“You too.” Tapos umalis na kami.

Siyempre dumiretso na ko sa dorm. At eto. Gupit, glue, sulat decorate. Ma effort na tong ginagawa ko para kay Franco ha. Ganito ko siya ka love.

Sana lang magustuhan niya tong regalo ko sa kanya.

If You Say Saranghaeyo, I'll Say Ti AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon