The Prophecy Series : Magnesium

23 5 0
                                    

THE PROPHECY SERIES
MAGNESIUM
ᜋᜄᜁᜈᜒᜐᜒᜂᜓᜋ


Nang mahulog ang libro ng propesiya sa isang patay na planeta, lumikha ito ng panibagong buhay. Ang buhay na muling uusbong upang magbigay ng bagong kabanata. Buhay na isinasakatawan ang mga kaluluwa at ang kanilang mundo na animo'y may salikmata at hindi nakikita ng mundong nasa ibaba.

Dahil sa lapit nito sa mundo ng mga tao, ang planetang ito'y gumaya sa pamumuhay ng mga tao. Ngunit dahil sa gasolinang lawa at ang mga lupaing gawa sa buhangin, ang kanilang atmospera'y naging tila isang salamin na may kakayahang makita ang mundong nasa ibaba.

Dahil ang mundong ito ay ang kanilang pinagkukuhanan ng ilaw, naisip nila na sila mismo ang tagapangalaga nito. Ang planetang nagbigay sa kanila ng buhay ay nangangailangan din ng proteksyon. Kitang-kita nila ang lahat ng pagbabago rito. Nang bumuo ng unang sibilisasyon ang mundo ng mga tao, nabuo rin ang sa kanila.

Ang lahat ng ito'y nagsimula sa unang sibilisasyon ng Magnesium. Ito ay ang tinatawag nila na Magnus Olivar. Sila mismo ang namumuno sa kanilang planeta simula noong makita nila ang bawat galaw ng tao sa mundo na nagsisilbi nilang araw.

Ang Magnus Olivar ay pinamumunuan ng isang nilalang na si Shiba at ang kaniyang kasangga ay ang katauhan ng libro na si Amorette. Hanggang sa lumago na nga ang mundong ito. Ngunit lahat rin ay kaagad na nagbago nang magkaroon ng kuryosidad ang dalawang magnus na si Hades at Hariessa. Ngunit para kay Shiba, isa itong delikadong paglalakbay.

Dahil dito, nagkaroon ng malaking pag-aaklas. At sinumang sasama sa dalawa ay hindi na muling makakabalik sa kaharian ng Magnus Olivar. Kaya nang makita nila ang kabilang dako ng Magnesium, nagtatag kaagad si Hades at Harriessa ng bagong sibilisasyon na kanilang tinawag bilang Magnus Vulnevar.

Makalipas ang ilang mga taon, ang lahat ay muling bumalik sa normal. Subalit sa kasamaang palad, ang kinakatawan ng libro ay hindi na muling nakita pa. Hanggang sa maipanganak na nga ni Shiba at ni Hariessa ang bagong henerasyon. Nang sila'y lumaki na, nabigyan kaagad sila ng posisyon na poprotekta sa bawat sibilisasyon na kanilang nilikha at pati na rin sa mundo ng mga tao.

Ang Magnus Olivar ngayon ay pinamumunuan ng anak ni Shiba na si Georgi Olivar. Habang ang kabilang sibilisasyon ay nagbigay ng posisyon sa unang anak ni Hades at Hariessa na si Hayena Vulnevar.

Ang mga bagong syudad sa Magnesium ay naitatag din kasama ng pagpili sa kanilang mga pinuno. Ang mga probinsya at syudad ng Magnus Olivar ay pinangalan base sa mga namayapang hepe ng kanilang sibilisasyon. Ito ay tinawag na Celestia, Penumbra, at Cabiar. Habang ang sa Magnus Vulnevar naman ay pinangalan mula sa nagsilbi nilang mga hepe at pinaka-pinagkakatiwalaan ng pamilyang namumuno rito. Tinawag sila bilang Venice, Raquel, Hades at Havoc.

Habang nagkakasiya sila sa kanilang mga bagong pinuno, isang pangyayari ang naglapit mismo kina Georgi at Hayena na tuluyang babago sa tadhana ng Magnesium.

Ito ba ay positibong pangyayari para sa Kanilang mundo o magiging sanhi lamang ng isang malaking problema?

---

DISCLAIMER - This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

A little trigger warning : violence( words or actions )are present in this book. It may feel uncomfy for you so if you don't want to feel that way, you can drop this book immediately.

This book may contain grammatical errors and typos so if you can't bare reading those, kindly drop this book or simply tell me so that I can edit it.

©All Rights Reserved 2024
Magnus Hominibus by pinkenmix

Date Started : December 3, 2022 ( Published : July 14, 2023)
Date Ended : ----
Year where I start plotting this :
2021
My deadline : 2025

The Prophecy Series #3 : Magnus HominibusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon