Kabanata 3

3 1 0
                                    

[3]: ANG KASUNDUAN








ㅤㅤ








ㅤㅤ
"SO you are one of them. Kapatid ka nila, hindi ba?" Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga nang marinig niya ang katanungang ibingkas ng lalaki. 'Paano...paano niya nalaman?'

"Ano ang ibig mong sabihin? S-sino ang mga kapatid ko?" Tanong pabalik ng dalaga upang pagtakpan ang kaniyang lihim. Kahit pa alam niya na makikita rin ito ng lalaki.

"Don't lie to me." Mariing saad ng lalaki. Bagay na tila nagbigay ng kakaibang lamig sa kalamnan ng lalaki. Ilang sandali pa'y nakita niya ang tila asul na ilaw mula sa kamay ng lalaki.

"H-hindi ako nagsisinungaling-"

"Don't you dare lie to us again. I knew from the start that you're a Vulnevar, naramdaman ko ang kakaibajg enerhiya na tanging ang pamilya n'yo lang ang mayroon. So there is no point of lying. Tell me what you want and why are you lurking in here?" Mariing tanong ni Georgi habang masinsinang tinitignan ang mga mata ng dalaga. Bahagya naman itong napaatras dahil sa pagkabigla.

Subalit lahat ng iyon ay napalitan kaagad ng pangamba. Napakagat si Hazel sa kaniyang labi habang tinatanong ang kaniyang sarili kung kaya na ba niyang ibigay ang katotohanan sa iba. 'Hindi ko alam kung makakatulong ba sa akin ang pagsasabi ng totoo. Pero ito na lang ang depensa ko ngayon. Nakakainis naman! Ano ba ang ginawa ng mga kapwa ko Vulnevar para maging ganito 'tong lalaking 'to?'

"If you don't answer for-"

"Okay na sige na! Sasabihin ko na! Pero una sa lahat, wala akong iniisip na kahit ano'ng masamang intensyon sa inyo ngayon! Tandaan mo iyan!" Inis na tugon ng dalaga habang niyayakap ang kaniyang tuhod para pigilan ang tila pagdadalamhati ng kaniyang puso.

Nang mapansin iyon ni Georgi, kaagad na nawala ang inis niya sa dalaga. Napatungan lamang ito ng pagtataka dahil sa ikinikilos ng dalaga. Walang nagawa ang lalaki kundi ang umupo sa upuang nasa harapan ngayon ng kama ni Hazel. Napabuntonghininga muna ito bago umpisahan ang nais niyang sabihin.

"Totoo na kapatid ko si Havoc at si Hashi. Sila ang nagpalaki sa akin at kaya hindi ko alam ang itsura o mga bagay-bagay sa Magnesium ay dahil hindi nila itinuro 'yon sa akin. Kumbaga, lumaki ako sa mundong ito at ito ang alam kong kinasasadlakan ko. Pero alam ko na rin simula umpisa na hindi kami tao at ipinanganak lamang ako ng mga magulang namin dito. Pagkatapos ng aking pagkakapanganak, namatay ang mga magulang ko. H-hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko sa mga susunod na taon ng aking buhay. Halata naman siguro ito kung kilala mo talaga sila," mahabang salaysay ng dalaga.

Nais mang isipin ni Georgi na nagsisinungaling ito, bakas sa boses ng dalaga na purong katotohanan lamang ang kaniyang sinambit. Napabuntonghininga na lamang ang lalaki at saka nag-isip. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila bago sila makarinig ng yabag galing sa pinto. Ipinakita nito si Francis na hawak ang isang kwago habang ito'y nakatayo sa kaniyang palad..

"Sino ang iyong mga magulang?" Tanong bigla ng lalaki, bagay na hindi na ipinagtaka ni Georgi. Subalit nagkaroon muli ng kuryosidad ang dalaga sa kung ano ang ibig sabihin ng katanungamg ito.

"Hindi ko alam kung sino ang aking ina pero sa nakita kong libro sa bahay na tinitirhan namin, nalaman ko na ang aking ama ay si Hades," simpleng tugon ng dalaga. Kaagad na napansin nito ang pagkuyom ng kaliwang kamay ng lalaki na hindi nakahawak sa kwago. Bagay na mas lalo pa niyang ipinagtaka.

"P-paumanhin sa kanilang pagpanaw," simpleng tugon ng lalaki at kaagad na lumabas sa silid na iyon. Ang mga mata ni Hazel ay puno ng katanungan kung kaya't ibinaling niya ang kaniyang tingin kay Georgi upang maghanap ng kasagutan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Prophecy Series #3 : Magnus HominibusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon