Kabanata 1

4 3 0
                                    

[1]: PAIKOT-IKOT NA DAAN








ㅤㅤ








ㅤㅤ
SA mundo ng mga tao, isang maliit na barong-barong ang nakatayo. Para sa karamiha'y simpleng mga tao lamang ang nakatira rito. Subalit ang hindi nila alam ay hindi galing sa kanilang mundo ang nakatira rito.

Sa gabing kay payapa, ilang mga damit ang maririnig na isinusuksok sa isang bagahe. Pilit na tinatanggalan ng ingay ang bawat galaw na kaniyang gagawin upang hindi marinig ng mga kasama niya sa kanilang bahay.

Pare-pareho lamang sila ng lahi at sila pa'y magkakapatid. Ngunit hindi na kinaya ng dalaga ang lahat ng kaniyang naririnig. Para sa kaniyang mga kapatid, isa lamang siyang salot na naging sanhi ng pagkamatay ng kanilang mga magulang.

Nakaya niyang tiisin ang lahat ng ito sa ilang mga taon. Subalit noong malaman niya na sila pala'y hindi parte ng mundong iyon, naisipan na niyang umalis at alamin kung sino sila. Alam niyang hindi ito gagawin ng kaniyang mga kapatid kaya't gagamitin niya ang oportunidad na ito para makatakas at para na rin malaman ang katotohanan.

Nang masiguro niya na kumpleto na ang kaniyang mga gamit, kaagad siyang lumabas sa kanilang bahay. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan hanggang sa marating na niya ang gate nito. Hindi na siya nagdalawang isip pa na ihagis sa labas ang kaniyang bagahe bago akyatin ang kanilang bakod.

Naging maayos naman ang kaniyang paglabas sa kanilang tahanan. Nang siya'y makalapag sa kabilang parte ng kanilang bakod, kaagad niyang binitbit ang bagaheng naglalaman ng kaniyang mga kagamitan bago siya dali-daling tumakbo patungo sa kung saan.

***

ILANG oras na siyang naglalakad mula noong siya'y maglayas subalit hindi niya pa rin alam kung saan siya magtutungo. Napabuntonghininga na lamang ang dalaga habang patuloy pa ring naglalakad. Ang kaninang patakbo niyang lakad ay naging dahan-dahan na lamang dahil sa sakit ng kaniyang paa. Sa sobrang pagmamadali, hindi siya nakapagdala ng sapatos.

"Bakit nga ba kasi ako nag-layas?" tanong ng dalaga sa kaniyang sarili. Hindi pa man nakapag-umpisa sa kaniyang nais ay nanghihinayang na siya sa kaniyang nagawa. Umupo na lamang siya sa isang upuan na katabi ng basurahan. Kahit pa sira-sira na ito, wala siyang magawa sapagkat hindi siya maaaring umupo kung saan-saan lalo na't maraming tambay sa paligid.

Madilim na muli ang langit sa mga oras na iyon ngunit marami pa ring tao. Hindi naman alam ng dalaga kung ano'ng oras na lalo na't hindi naman siya biniyayaan ng kahit ano'ng kagamitan na magpapakita ng oras. Ang tangi niyang magagawa ay obserbahan ang paligid habang ang karamiha'y nakatingin sa kanilang mga cellphone.

'Kahit man lang gano'ng kagamitan, pinagdamot sa akin ng mga kapatid ko.'

Gaya ng kaniyang inaasahan, may isa na ngang tambay na lumapit sa kaniya. Kaagad siyang napairap nang makita niya ang nakakalokong ngiti ng isang lalaking tila mas bata pa sa kaniya. 'Ito na nga ba sinasabi ko e'

"Miss, napadaan ako rito. Ang ganda mo kasi," sabi sa kaniya ng isang lalaki nang makalapit ito sa dalaga. Napairap muli ang babae sa inasta nito.

"Alam ko kaya pwede ka na umalis" sagot niya rito. Wala siyang panahon sa mga ganitong bagay lalo na't iba ang kaniyang pinunta sa labas. Isa pa'y ang mga tao'y may kawirduhang hindi niya maintindihan. 'Iniisip ba nila na tataas tingin ko sa sarili ko dahil sa sinabi nila? Alam ko namang may iba silang motibo e.'

"Hindi naman kasi ako ang may gusto sa'yo, 'yung boss namin." Nakangiting saad ng lalaking kumakausap sa kaniya dahilan upang mapataas ang kaniyang kilay. 'Boss? Sino nanaman iyon?'

The Prophecy Series #3 : Magnus HominibusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon