[2]: ANG METAL NA KAPANGYARIHAN
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
ISANG malamig na tubig ang kumalat sa katawan ng dalaga kung kaya't siya'y nagising. Bahagya pa siyang napapikit dahil sa sikat ng araw. Halos malula na rin siya sa lamig ng tubig na ibinuhos sa kaniya. 'Ano nanaman ba topak nito?!'"Gising."
Inis na tumayo ang dalaga sa kaniyang kinahihigaan at saka sinamaan ng tingin ang lalaki. "Ano'ng klaseng panggising 'to? Basang-basa na katawan ko! Binasa mo pa kama mo!"
"Well, I don't actually care because it will still dry nonetheless," tugon ng lalaki. Ilang sandali pa'y nakaramdam ng kaunting init sa katawan ang dalaga hanggang sa napansin na lamang niya na unti-unting natutuyo ang kama at ang kaniyang damit.
'Woah, powers niya 'to?'
"Now that you're awake, eat this," saad ng lalaki at saka inilabas sa kaniyang kamay ang isang plato ng pagkain na muling ikinabigla ng dalaga. 'Aba'y kaya niyang gawin lahat.'
Nang ilapag na ng lalaki sa kama ang kaniyang pagkain, hindi na nagdalawang isip pa ang babae na kumain dahil sa gutom. 'Kung nasa harap ko na ang grasya, ito'y aking kukunin. Ano pang saysay ng pagtanggi 'di ba?'
"While you're devouring that, I'll ask another question. You really don't know Hayena and Harrold?" Napairap naman ang dalaga nang marinig niyang muli iyon.
"Hindi ko nga sila kilala-"
"Don't talk when your mouth is full," pagputol ng lalaki sa sasabihin ng dalaga. Napairap muli ang babae at saka isinubo ang kanin at ulam na kaniyang kinakain. Hindi man niya alam kung ano iyon, basta't ito'y panlaman tiyan ay ayos lamang sa kaniya.
"Eh tinatanong mo ako e!" Inis na tugon ng babae nang mailunok niya ang kaniyang nginunguya. "Tsaka sa tao 'yan ah, bakit mo kinukuha mga kasabihan ng tao?"
"Hindi kita maintindihan kapag puno ang bibig mo," walang kaemo-emosyong tugon ng lalaki. Kunot noo naman siyang tinignan ni Hazel na para bang hindi ito makapaniwala sa kaniyang sinabi. Nang matapos na niya ang kaniyang kinakain, kaagad niya itong inabot sa lalaki. Kaagad din namang pinalaho ng lalaki ang plato nang ito'y kaniyang mahawakan.
"Kapangyarihan mo ba iyan?"
"I don't feel obligated to answer that question," simpleng tugon mg lalaki. Muli nanamang napairap ang dalaga at saka napakamot sa kaniyang ulo. 'Ito na ang tatlong beses na inirapan ko siya!'
"Now, if you don't know those two, then at least you'd know Havoc and Hashi?" Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marinig niya ang ngalan na iyon. Bagay na na-obserbahan ni Georgi. "So you do know them? Then why lie?"
"T-teka nga! Kilala ko sila pero hindi ko kilala 'yung dalawa okay?! Siyempre kilala ko sila...kasi..." saad ng babae subalit hindi na siya nagkaroon pa ng lakas na sabihin ang isa pang katotohanan sa kaniyang buhay.
"Kasi what?"
"Basta!" Inis na tugon ng dalaga at saka humalukipkip. Napabuntonghininga na lamang ang lalaki at saka umupo sa mesang katapat mismo ng kama ni Hazel.
"If you don't want to answer that, you'll stay here with me until you confessed everything," deklara ng lalaki. Wala nang nagawa ang dalaga kundi umirap. 'Mas mabuti na 'to kasi libreng pagkain.'
"You have 2 days to tell me your deal here on Earth. Or else no one will see you ever again." Nanlaki naman amg mga mata ng dalaga nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. 'A-ano?'
BINABASA MO ANG
The Prophecy Series #3 : Magnus Hominibus
Fantasy[The Prophecy Series : Magnesium] Nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Upang mabuo ang tatlong bahaging ito ng kasaysayan ng mundong nagsisilbing araw ng Magnesium, kinakailangan nilang magpadala ng iba't-ibang nilalang sa nakaraan at sa kasalukuyan...